Hindi alam ni Marion kung ano ang eksaktong dahilan pero hindi talaga siya mapakali. Nakatingin lang siya sa harap ng laptop pero ni hindi niya iyon binubuksan o hinahawakan man lang. Tumayo na lang tuloy siya at muling lumabas. Iyon nga lang, wala na roon si Seojun. Mukhang lumabas ito at namalengke para bumili ng gulay. “Ewan… Magluluto na lang siguro ako.” Ilalabas niya sana ang karne mula sa freezer pero nauna na palang tanggalin ito ni Seojun. “Ang mabuti pa… Magpapakulo muna ako ng tubig sa kaldero habang naghihiwa ng sibuyas.” Nilagyan niya ng tubig ang kaldero na halos kalahati nito bago iyon isinalang sa lutuan. Tinakpan niya iyon bago niya kinuha ang chopping board at kutsilyo. Karne ng baboy ang nilabas ni Seojun kaya iyon ang hiniwa niya nang medyo malalaki. Pagkatapos noon, inilagay na niya ang karne sa mainit na tubig. Nang kumulo iyon at lumabas ang buo-buong puti sa gilid ng kaldero, pinatay niya ang apoy para alisin ang lumang tubig at naglagay ng bagong
Sa buong buhay ni Seojun, iyon ang unang beses na naramdaman niyang espesyal siya. Kung damit at ordinaryong mga gamit lang iyon para kay Marion, kakaibang experience naman iyon para sa kaniya, para sa kaniyang anak. Kahit kailan, hindi nila nakuha ang luho na pagbili ng gamit sa mga mamahaling stores, palagi silang tumitingin sa mga sale at discount section ng kahit na anong bagay. Para sa kanila, sapat na ang may isinusuot na damit at kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Pero sa araw na iyon, naramdaman niya ang buhay na siya naman ang pinagsisilbihan. Gumastos ng halos twenty million won si Marion sa mga bago nilang damit kaya naisip niyang siya naman ang manlilibre. Wala siyang alam na kahit na anong sosyal na restaurant pero kahit paano, masarap ang pagkain sa pinili niyang kainan kaya malakas ang loob niyang mag-aya. Hindi niya nagagalaw ang huli niyang sahod sa dati niyang pinagtatrabahuhan na chicken restaurant kaya naisip niyang pagkakataon na niyang manlibre… Ang
Masarap… Iyon ang salitang tumatak sa utak ni Marion nang matikman niya ang Korean barbecue na ipinagmamalaki ng kulturang Koreano. Dahil niluluto ang karne sa harapan niya at naaamoy niya ang bango ng mga putahe, lalo siyang ginaganahang kumain at uminom. Malambot ang pork belly na tila natutunaw ang taba sa kaniyang bibig. Nang sinubukan niyang ibalot iyon sa lettuce, na-realize niyang iyon lang pala ang kailangan para mapakain siya ng gulay ng mga magulang niya. Naka-sentro ang usapan nina Seojun at Mrs. Han noong nasa bente hanggang bente tres anyos ang binata. Alam nito ang lahat ng naging hirap at sakripisyo ng binata para mapalaki ang anak nito bilang single dad. May mga humusga noon kay Seojun pero pinalakas ng matanda ang loob nito habang tinutulungan sa maliliit na bagay. Si Mrs.Han ang tumitingin kay Eclaire noong baby pa ito dahil hindi kaya ni Seojun na kumuha ng mag-aalaga habang nagtatrabaho sina Seojun at ina nito. “Hey… Why don’t you try drinking a
“O-opo. Tinuruan ako ni Eclaire noong nasa elementary pa lang kami kaya iyon ang naging secret language naming dalawa.” Nanatiling nakatayo ang dalagita sa may foyer, hindi alam kung anong gagawin. “May mga extra dyan na tsinelas. Tingnan mo na lang kung may kasya sa iyo para magamit mo. ‘Yong jacket mo, isabit mo na lang diyan sa may rack.” Lumapit siya sa dalawang dalagita na hawak ang baso ng fruit shake niya. “Gusto niyo ba ng fruit shake? O mas gusto niyo ang hot cocoa?” “A… Hot cocoa na lang po, Tita Marion. Saka may binili pong mga chips si Hae won. Iyon na lang po ang kakainin namin.” Kinuha ni Eclaire ang bag ng kaibigan at hinila ito papasok sa kuwarto nito. “O, sige… Mag-aral kayong mabuti, okay?” paalala niya sa mga ito bago isinara ni Hae won ang pintuan. Pumunta naman si Marion sa kusina para magtimpla ng hot cocoa para sa mga bata. Inubos na rin niya ang fruit shake niya bago niya inilagay sa .Nagbukas din siya ng cookies at ini
Nang hinimatay si Marion dahil sa kalasingan, si Seojun na ang nagbayad ng mga kinain nila bago sila umalis. Si Eclaire na ang nagdala ng shoulder bag ni Marion habang binubuhat niya si Marion sa kaniyang likuran. Mabuti na lang at nakasuot ito ng maong na pantalon kaya pwede niya itong buhatin nang hindi nakikita ang kaluluwa ni Marion. Naka-krus ang mga braso ng dalaga sa leeg ni Seojun na para bang yumayakap lang sa unan. “Dad… Ako lang ba? Pero sobrang saya ngayong araw…” bulong ni Eclaire. Naglalakad silang tatlo pabalik sa parking lot ng mall na pinuntahan nila kanina. Doon kasi naka-park ang kotse ng dalaga. Sinadya naman ni Seojun na dalawang shot lang ng soju ang inumin dahil kailangan niyang magmaneho. Hindi nga lang niya inaasahan na makaka-limang bote ng beer at tatlong bote ng soju si Marion. Masyado siyang natuwa sa kwentuhan nila ni Mrs.Han kaya hindi na niya napansin na marami na itong nainom. “Mabuti naman. Alam mo… Naiintindihan kita. Sobr
Napahilamos si Seojun ng kaniyang mukha gamit ang mga kamay niya. Humahanap pa siya ng tamang timing kung paano niya sasabihin ang tungkol kay Marion. Pero ngayon na nalaman na nito ang tungkol sa dalaga, wala na siyang magagawa… Ang tanong, paano niya sasabihin kay Marion na gusto itong makilala ng nanay niya? Hindi kasi nila napag-uusapan iyon na oara bang walang gustong umungkat ng topic na iyon. “Sige… Sige po… Sasabihin ko sa kaniya,” pagsuko niya. “Ayos! Bakit hindi mo siya tawagan ngayon para makapunta? Sakto, linggo ngayon. Sigurado akong wala siyang pasok. Gusto ko na siyang makilala,” masigla ang tinig ng kaniyang ina kaya hindi niya magawang magsabi ng kung anong makakasama ng loob nito. “Ano… A…” Napakamot si Seojun sa kaniyang batok dahil wala siyang maisip na magandang palusot. Mukhang wala na talaga siyang kawala kaya tumayo na lang siya. “Uuwi na po muna ako… Para naman maisama ko rin si Eclaire dito.” “O, sige. Hihintayin
Inilagay ni Marion ang mga kamay niya sa kaniyang likuran upang itago ang pagkuyom ng kamao niya. Gusto sana niyang sabihin sa matanda ang lahat ng iniisip niya – Siya ang nag-iisang tagapagmana ng may-ari ng FD Bank, ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas. Nasa bilyong dolyar ang estimated net worth ng kaniyang ama. At kung tutuusin, pwede siyang umayaw sa nauna nilang deal nang hindi aalma ang kaniyang ama kahit gumastos siya ng ilang milyong korean won para lang sa gusto niya. Ngumiti na lang siya at itinago ang kung ano mang isinisigaw ng utak niya. “Wala po akong magagawa. Kailangan kong gawin ang lahat para matanggap niyo ko.” “Eomma… Tama na po iyan. Ang mabuti pa, kumain na tayo. Si Marion nga ang nagluto ng ulam namin ngayon, e. Nagustuhan kasi ng apo niyo ‘yong… Ano nga bang tawag dito?” “H-halabos na hipon… Love.” Napahinto sa pagkilos si Seojun at napatingin sa kaniya. Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa sinabi niya.
“Bakit? Kakaiba ba iyon?” ganting tanong ni Seojun. “A… Hindi. Hindi naman. Sige, ikaw ang bahala.” Pilit na ngumiti ang dalaga upang hindi siya mapahiya. Palagi kasing mga kung ano-ano lang ang kinakain nila noon. Nakakatikim nga lang sila noon ng fried chicken kapag pinapauwi ni Mrs.Han sa kaniya noon ang mga pagkain na hindi nila nabenta sa araw na iyon. Noodles o kimbap ang kadalasan na laman tiyan nila kaya kung makatikim man sila ng pizza, na malamang ay ibinigay lang sa kaniya, nilalahukan lang nila iyon ng pagkain. Mahal ang matrikula sa paaralan ni Eclaire. Pero dahil sa pagtitipid at pagsusumikap nilang mag-ina, nairaraos nila iyon. Gusto niya na kahit paano, makatapos sa magandang eskuwelahan ang kaniyang anak. Iyon lang kasi ang pwede niyang maipamana sa kaniyang nag-iisang dalagita. “Ang mabuti pa… Bumili na rin tayo ng fried chicken. Gutom na gutom ako ngayon, parang hindi uubra ‘yong pizza lang sa ‘kin,” suhestyon ni Olivia. Kung tutuusin, mar
“Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
“A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S