Share

Chapter 39

Hindi alam ni Marion kung ano ang eksaktong dahilan pero hindi talaga siya mapakali. Nakatingin lang siya sa harap ng laptop pero ni hindi niya iyon binubuksan o hinahawakan man lang. Tumayo na lang tuloy siya at muling lumabas. Iyon nga lang, wala na roon si Seojun. Mukhang lumabas ito at namalengke para bumili ng gulay.

“Ewan… Magluluto na lang siguro ako.” Ilalabas niya sana ang karne mula sa freezer pero nauna na palang tanggalin ito ni Seojun. “Ang mabuti pa… Magpapakulo muna ako ng tubig sa kaldero habang naghihiwa ng sibuyas.”

Nilagyan niya ng tubig ang kaldero na halos kalahati nito bago iyon isinalang sa lutuan. Tinakpan niya iyon bago niya kinuha ang chopping board at kutsilyo. Karne ng baboy ang nilabas ni Seojun kaya iyon ang hiniwa niya nang medyo malalaki. Pagkatapos noon, inilagay na niya ang karne sa mainit na tubig. Nang kumulo iyon at lumabas ang buo-buong puti sa gilid ng kaldero, pinatay niya ang apoy para alisin ang lumang tubig at naglagay ng bagong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status