Share

Chapter 35

Hindi alam ni Seojun kung paano magre-react sa sinabi ng dalaga. Nagulat siya nang bigla itong manampal dahil mukhang hindi naman ito ‘yong tipo na marunong manakit. Mukhang naiirita lang talaga ito kanina kaya nagawa iyon. Pero dahil sa naging reaksyon nito, nabuhayan nang kaunti ang loob niya. At least… Kahit hindi totoo ang relasyon nila, handa siyang ipagtanggol nito. Ngunit nang sambitin nito ang tungkol sa kaniyang itsura, nakaramdam siya ng hiya… Hindi iyon ang unang beses na pinuri nito ang pisikal niyang itsura pero… iba ang dating nito sa kaniya ngayon.

“Dad… Bakit bigla kayong tumahimik? Iniisip niyo pa rin ba ‘yong sinabi no’ng lalaking iyon?” may himig ng pag-aalala ang boses ni Eclaire.

Umiling-iling siya. “Balewala sa ‘kin iyon. Sinanay ko na lang ang sarili ko sa mga sinasabi niya – kahit noon pa. Alam mo kasi, parehas kaming walang tatay kaya naisip ko noon na magkakasundo kami. Iyon nga lang, sobrang layo kasi ng estado ng mga buhay namin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status