Share

Chapter 32

Pagkatapos maglinis ni Marion ng mga pinagkainan niya, pumasok na siya ulit sa kaniyang silid. Kailangan pa niyang tapusin ang dalawang huling kabanata ng kaniyang manuscript, pati na ang epilogue. Balak niyang ipasa iyon sa kaniyang editor sa mismong araw na iyon kaya binuksan na niya ang kaniyang laptop at nagsimulang mag-tipa ng mga letra sa keyboard.

Kapag nagsusulat siya, tila napupunta sa ibang dimensyon ang utak niya habang nakatingin sa screen ng laptop. Ang mga dialogue at narasyon ay mabilis na lumalabas sa kaniya na para bang isang makina na naka-automatic ang setting. Gusto na niyang matapos ang paghihirap niya kaya mainam nang mawala na iyon sa paningin niya.

Kung tutuusin, sa dami ng nakilala niyang nagsusulat ng romance na genre, may pagkakaparehas ang mga ito na madaling mahala – single ang mga writers na nagsusulat ng romance. Sumpa man iyon o conspiracy ng universe, pero sa walong taon niyang pagsusulat, bilang na bilang sa isang kamay ang nagkaroo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status