Nagsimulang kumuha ng kanin si Marion sa rice cooker at inilagay iyon sa malapad na bandehado. Nauna niyang isinalang ang kanin bago magluto ng ulam pero mainit-init pa rin naman ang kanin. Inilagay niya iyon sa lamesa na kasya sa anim na tao ang puwedeng umupo. “Why? Aren’t you hungry?”
“Yes… I am… hungry,” pag-amin ni Seojun.
“Great! Then, get up there, and eat with me.” Naglagay din siya ng ulam sa bowl at ng serving spoon. Kumuha na rin siya ng mga baso at kubyertos na gagamitin nila at inayos sa ginawa niyang set ng mga plato at placemats.
Nahihiya pa si Seojun at halos hindi ito lumalapit s
Bahagyang nagulat si Seojun sa tanong ni Marion. Base sa mga ngiti nito, sinong mag-aakala na hindi sincere ang mga salitang binitiwan nito? Pero sa sitwasyon niya, hindi niya kailangan intindihin ang magiging resulta ng desisyon niya. Ang importante, maipapagamot na niya ang kaniyang ina at pera panggastos sa gamot nito at iba pang gastusin. “Yes?” tila hindi rin siya sigurado sa sagot niya. “Ano nga pala ang plano mo?” “Well… Kailangan ko munang ihanda ang pera, pati na rin ang kontrata na kailangan mong pirmahan. Pwede ka nang magpa-schedule para sa operasyon ng nanay mo. Teka… May nakalimutan pa ba ko?” “Paano… Paano ang magiging kasal natin?” kakaiba sa pandinig niya ang mga salitang iyon na para bang hindi niya akalain na kasama pala iyon sa bokabularyo niya.
Nang makaalis si Seojun sa unit niya, naghugas muna ng plato at mga ginamit sa pagluluto si Marion. Ayaw niyang hayaan na nakatambak ang mga iyon dahil baka magkaroon ng ipis ang unit niya. Bukod sa takot siya sa lumilipad na ipis, ayaw niya rin sa mga nakakadiring bagay na maaaring mabuo kapag hindi siya naglinis ng condo niya. Nagpupunas siya ng kamay nang maalalang tawagan ang pinaka-importanteng tao sa lahat ng kaniyang plano. Kinuha niya ang cellphone niya na nasa ibabaw ng breakfast nook at nagsimulang mag-dial ng numero. Itinapat niya ang speaker sa tenga niya at hinintay na mag-ring iyon. Hindi naman siya naghintay nang matagal dahil sinagot din iyon ng kabilang linya. “Dad? Hello?” Sa tantiya ni Marion, alas-sais kinse pa lang ng gabi sa Pilipinas. Kung hindi masyadong ma-traffic, nakauwi na dapat ang Dad
Lumaki ang buka ng mga labi ni Eclaire dahil sa narinig nito. “Ano? Seryoso ba kayo?” Tumango-tango si Seojun. “Oo. Sa totoo lang, sa kaniya ako nanggaling bago ako pumunta rito sa ospital. Wala na kong ibang pwedeng malapitan. Alam mo namang marami na tayong utang sa mga kakilala natin at wala na silang maipapahiram sa ‘tin.” “Ano naman ang kapalit? Hindi ako naniniwalang bibigyan niya kayo ng ganoon kalaking halaga dahil lang sa gusto niya –” “Naalala mo ‘yong pinagbubulungan namin noong una tayong pumunta sa unit niya?” Gustong ipaalala ni Seojun sa anak na ito ang rason kung bakit sila nagkaroon ng koneksyon ni Marion. “Ang alam mo siguro… ordinaryong trabaho lang ang kailang
Pagkatapos maglinis ni Marion ng mga pinagkainan niya, pumasok na siya ulit sa kaniyang silid. Kailangan pa niyang tapusin ang dalawang huling kabanata ng kaniyang manuscript, pati na ang epilogue. Balak niyang ipasa iyon sa kaniyang editor sa mismong araw na iyon kaya binuksan na niya ang kaniyang laptop at nagsimulang mag-tipa ng mga letra sa keyboard. Kapag nagsusulat siya, tila napupunta sa ibang dimensyon ang utak niya habang nakatingin sa screen ng laptop. Ang mga dialogue at narasyon ay mabilis na lumalabas sa kaniya na para bang isang makina na naka-automatic ang setting. Gusto na niyang matapos ang paghihirap niya kaya mainam nang mawala na iyon sa paningin niya. Kung tutuusin, sa dami ng nakilala niyang nagsusulat ng romance na genre, may pagkakaparehas ang mga ito na madaling mahala – single ang mga writers na nagsusulat ng romance. Sumpa man iyon o conspiracy ng universe, pero sa walong taon niyang pagsusulat, bilang na bilang sa isang kamay ang nagkaroo
Hindi kaagad nakapagsalita si Seojun sa tanong ni Marion. Nakatingin kasi aiya kay Andrew na halatang hindi kaagad napansin na may ibang tao bukod sa dalaga. Bahagya itong yumukod biglang pagpapakita ng paggalang at nanatili sa kaniya ang atensyon ng lahat – si Marion, Andrew, at Eclaire ay naghihintay ng sagot niya. “O-Oo. Kumuha ako ng lisensya para makapagtrabaho ako noon na delivery rider sa dati kong pinagtatrabahuhan na chicken restaurant.” Lumapad ang ngiti ni Marion. “Great! Ikaw ang magmamaneho ng kotse.” Walang kaabog-abog na ibinato ng dalaga sa gawi niya ang kotse. Base sa logo na nakalagay roon at modelo na nabanggit ni Andrew, isang luxury car iyon na bagong labas lang sa taong iyon. “Hindi pa ko sanay magmaneho saka wala naman akong driver’s license para magamit sa South Korea kaya kailangan ko ng marunong magmaneho.” “Teka… May pupuntahan po ba tayo?” hindi mapigilang itanong ni Eclaire. “Yes. Kailangan nating bumili ng mga gagamit
Dalawang single-size bed, dalawang kabinet, isang partition wall na may disenyong Japanese bamboo at cherry blossom, pati na rin study table at swivel chair para magamit ni Eclaire sa pag-aaral; iyon ang lahat ng nabili ni Marion para sa mag-ama. Halos mahigit isang oras silang naglalakad dahil tinitingnan niya ang lahat ng available na kulay at disenyo na mayroon sa furniture section ng mall. Pero dahil sa matagal niyang pagpili, mukhang doble na ang nararamdamang pagod ng mga kasama niya. Kumain silang tatlo sa isang western-style restaurant na nagsi-serve ng mga steak. Kung tutuusin, hindi pasok sa dress code ng lugar ang suot ng mag-ama pero dahil na rin sa namumutiktik sa diamond niyang pulseras, hindi naging problema ang pagbibigay sa kanila ng lamesa. Ramdam niya ang pagkailang mula sa dalawa. “Sorry… Hindi pa kasi ako sanay sa mga Korean dishes kaya dito ko kayo dinala. Ayos lang ba?” tanong niya kahit alam niyang wala nang magagawa ang mga ito.
Hindi alam ni Seojun kung paano magre-react sa sinabi ng dalaga. Nagulat siya nang bigla itong manampal dahil mukhang hindi naman ito ‘yong tipo na marunong manakit. Mukhang naiirita lang talaga ito kanina kaya nagawa iyon. Pero dahil sa naging reaksyon nito, nabuhayan nang kaunti ang loob niya. At least… Kahit hindi totoo ang relasyon nila, handa siyang ipagtanggol nito. Ngunit nang sambitin nito ang tungkol sa kaniyang itsura, nakaramdam siya ng hiya… Hindi iyon ang unang beses na pinuri nito ang pisikal niyang itsura pero… iba ang dating nito sa kaniya ngayon. “Dad… Bakit bigla kayong tumahimik? Iniisip niyo pa rin ba ‘yong sinabi no’ng lalaking iyon?” may himig ng pag-aalala ang boses ni Eclaire. Umiling-iling siya. “Balewala sa ‘kin iyon. Sinanay ko na lang ang sarili ko sa mga sinasabi niya – kahit noon pa. Alam mo kasi, parehas kaming walang tatay kaya naisip ko noon na magkakasundo kami. Iyon nga lang, sobrang layo kasi ng estado ng mga buhay namin.
Nagulat si Marion sa biglang pagyakap sa kaniya ni Eclaire. Hindi niya akalain na magkakasundo kaagad silang tatlo kahit wala pang bente kwatro oras silang magkakasama. Ang akala niya, mahirap paamuhin ang dalagita… Pero kung tutuusin, gusto lang naman nito ng tao na pwedeng mag-alaga sa kanilang pamilya. “Wala iyon… Ang importante, nagustuhan mo ang mga nabili ko.” Hinawakan niya ang mahabang buhok ng dalagita na hanggang beywang na nito. Naaaliw siya sa ipinapakita nitong kabaitan sa kaniya. “Ang mabuti pa, kumain na muna tayo. Pagkatapos no’n, pwede mo nang ayusin ang mga gamit mo para mailagay mo na sa kabinet. Ayos ba?” “Oo nga… Baka lumamig na ang niluto kong almusal,” biro ni Seojun. Hindi niya napansin na nakatayo pala ito sa sulok at tahimik silang pinapanood. “Nandyan ka pala? Sorry… Hindi kita napansin.” “A! Oo nga pala. Inaaya na nga pala kayo ni Daddy na kumain ng almusal. Sorry… Nawala sa isip ko.” Mahinang tinuktukan ni Eclaire an
“Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
“A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S