Share

Chapter 24

Author: Winter_sorrow
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

      “I’m sorry… I know that you’re just desperate to find a good man but it doesn’t mean that I will give a sh*t with your nonsensical whims. I’m not interested in your money. I have my own ways to earn that so don’t talk to me or to my daughter again. Do you understand that?” Matalim ang tingin ni Seojun sa estranghera sa kaniyang harapan. “Eclaire, drop that bag, and let’s go home.”

      Tiningnan naman ng babae ang plastic bag na hawak ng anak niya bago muling tumingin sa kaniya. “That’s fine. Just… Take these groceries and go home. I… I’m sorry to bother the both of you.”

      “Hajiman… Appa! (But… Dad!)” Tinitingnan siya ni

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 25

    Nakalutang sa hangin ang isipan ni Seojun noong mga oras na iyon dahil sa sobrang pag-aalala. Kasalukuyan siyang nagbabantay sa emergeny room ng Seoul University Hospital habang pinaidlip niya sandali sa isang maliit na silya si Eclaire upang makapagpahinga ang kaniyang anak kahit paano. Nakatayo naman siya habang nakasandig sa pader ang kaniyang likod, nakatingin sa ina na mahimbing na natutulog sa kama nito. Alas-nueve na ng gabi. Ang kinain lang nilang mag-anak ay instant noodles at sandwiches mula sa plastic bag ni Eclaire. Kung tutuusin, masuwerte talaga ang kaniyang anak dahil nabigyan ito ng libreng pagkain ng estranghera. Malamang, hindi sila makakakain ng kahit ano kung wala iyon. Pero ang gumugulo sa isipan niya noong mga oras na iyon ay ang katotohanan na nasa bingit na ng kamatayan ang kaniyang ina ngunit wala siyang ma

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 26

    Napabungisngis ang kaniyang ama nang marinig ang huli niyang mga kataga. Kung umasta ksi siya, para pa ring kulang ang pera na mayroon siya. Pero dahil ganoon ang mindset na kinalakhan niya, hindi na iyon mababago pa kahit nag-iba na ang uri ng kaniyang pamumuhay. “Dad!” Bahagyang nakanguso si Marion dahil habang tumatagal, lalong lumalakas ang halakhak ng kaniyang ama. “Sige…” Pilit na pinapatigil ni Peterson ang tawa nito kaya tumikhim na lang ito bago muling magsalita. “Ikaw ang may sabi niyan. Basta, alagaan mo na lang muna ang katawan mo. Bata ka pa naman, saka hindi ako nagmamadaling magka-apo,” tila labas sa ilong ang mga huli nitong sinabi. Inayos nito ang pagkakaupo sa silya nito at tumingin ang diretso sa mga mata niya. “Hihintayin ko ang pagbabalik mo rito, anak.”

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 27

    Sinikap ni Seojun na ialis sa kaniyang isipan ang mga problemang kailangan niyang alalahanin ngunit hindi niya magawa. Kung tutuusin, mabigat na trabaho ang pagbubuhat at paghila ng banye-banyerang mga isda. Siya na rin ang naglalagay ng yelo sa mga iyon upang manatili itong sariwa at siya na rin ang nagdadala sa puwesto ng mga tindera. Pagdating ng alas-sais ng umaga, magpapahinga na ang mga kagaya niyang kargador ng isda at mag-aalmusal muna sandali. Kapag nabusog na, didiretso siya sa stall ng kaniyang ina upang magtinda. Kung naroon siya, kahit paano, mababawasan ang problema nito. Hindi na kakailanganin pang kumuha ng katulong. Pero ngayon na wala ang kaniyang ina, siya ang kailangan magbantay sa puwestong iyon. Dahil wala siyang kasama, wala rin siyang kapalitan kung sakali man na gusto niyang kumain. Masuwerte pa rin dahil may mga k

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 28

    Nagsimulang kumuha ng kanin si Marion sa rice cooker at inilagay iyon sa malapad na bandehado. Nauna niyang isinalang ang kanin bago magluto ng ulam pero mainit-init pa rin naman ang kanin. Inilagay niya iyon sa lamesa na kasya sa anim na tao ang puwedeng umupo. “Why? Aren’t you hungry?” “Yes… I am… hungry,” pag-amin ni Seojun. “Great! Then, get up there, and eat with me.” Naglagay din siya ng ulam sa bowl at ng serving spoon. Kumuha na rin siya ng mga baso at kubyertos na gagamitin nila at inayos sa ginawa niyang set ng mga plato at placemats. Nahihiya pa si Seojun at halos hindi ito lumalapit s

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 29

    Bahagyang nagulat si Seojun sa tanong ni Marion. Base sa mga ngiti nito, sinong mag-aakala na hindi sincere ang mga salitang binitiwan nito? Pero sa sitwasyon niya, hindi niya kailangan intindihin ang magiging resulta ng desisyon niya. Ang importante, maipapagamot na niya ang kaniyang ina at pera panggastos sa gamot nito at iba pang gastusin. “Yes?” tila hindi rin siya sigurado sa sagot niya. “Ano nga pala ang plano mo?” “Well… Kailangan ko munang ihanda ang pera, pati na rin ang kontrata na kailangan mong pirmahan. Pwede ka nang magpa-schedule para sa operasyon ng nanay mo. Teka… May nakalimutan pa ba ko?” “Paano… Paano ang magiging kasal natin?” kakaiba sa pandinig niya ang mga salitang iyon na para bang hindi niya akalain na kasama pala iyon sa bokabularyo niya.

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 30

    Nang makaalis si Seojun sa unit niya, naghugas muna ng plato at mga ginamit sa pagluluto si Marion. Ayaw niyang hayaan na nakatambak ang mga iyon dahil baka magkaroon ng ipis ang unit niya. Bukod sa takot siya sa lumilipad na ipis, ayaw niya rin sa mga nakakadiring bagay na maaaring mabuo kapag hindi siya naglinis ng condo niya. Nagpupunas siya ng kamay nang maalalang tawagan ang pinaka-importanteng tao sa lahat ng kaniyang plano. Kinuha niya ang cellphone niya na nasa ibabaw ng breakfast nook at nagsimulang mag-dial ng numero. Itinapat niya ang speaker sa tenga niya at hinintay na mag-ring iyon. Hindi naman siya naghintay nang matagal dahil sinagot din iyon ng kabilang linya. “Dad? Hello?” Sa tantiya ni Marion, alas-sais kinse pa lang ng gabi sa Pilipinas. Kung hindi masyadong ma-traffic, nakauwi na dapat ang Dad

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 31

    Lumaki ang buka ng mga labi ni Eclaire dahil sa narinig nito. “Ano? Seryoso ba kayo?” Tumango-tango si Seojun. “Oo. Sa totoo lang, sa kaniya ako nanggaling bago ako pumunta rito sa ospital. Wala na kong ibang pwedeng malapitan. Alam mo namang marami na tayong utang sa mga kakilala natin at wala na silang maipapahiram sa ‘tin.” “Ano naman ang kapalit? Hindi ako naniniwalang bibigyan niya kayo ng ganoon kalaking halaga dahil lang sa gusto niya –” “Naalala mo ‘yong pinagbubulungan namin noong una tayong pumunta sa unit niya?” Gustong ipaalala ni Seojun sa anak na ito ang rason kung bakit sila nagkaroon ng koneksyon ni Marion. “Ang alam mo siguro… ordinaryong trabaho lang ang kailang

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 32

    Pagkatapos maglinis ni Marion ng mga pinagkainan niya, pumasok na siya ulit sa kaniyang silid. Kailangan pa niyang tapusin ang dalawang huling kabanata ng kaniyang manuscript, pati na ang epilogue. Balak niyang ipasa iyon sa kaniyang editor sa mismong araw na iyon kaya binuksan na niya ang kaniyang laptop at nagsimulang mag-tipa ng mga letra sa keyboard. Kapag nagsusulat siya, tila napupunta sa ibang dimensyon ang utak niya habang nakatingin sa screen ng laptop. Ang mga dialogue at narasyon ay mabilis na lumalabas sa kaniya na para bang isang makina na naka-automatic ang setting. Gusto na niyang matapos ang paghihirap niya kaya mainam nang mawala na iyon sa paningin niya. Kung tutuusin, sa dami ng nakilala niyang nagsusulat ng romance na genre, may pagkakaparehas ang mga ito na madaling mahala – single ang mga writers na nagsusulat ng romance. Sumpa man iyon o conspiracy ng universe, pero sa walong taon niyang pagsusulat, bilang na bilang sa isang kamay ang nagkaroo

Pinakabagong kabanata

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 110

    Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 109

    Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 108

    “A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 107

    Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 106

    Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 105

    Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 104

    “A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 103

    “Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 102

    Masaya siya… Hindi, mas tamang sabihin na matagal niyang ipinagdasal na muli silang magkita at makasama nang matagal si Kenneth. Sa tuwing nagbabakasyon siya sa South Korea, palagi itong abala sa trabaho at pag-aaral nito. Halos hindi sila nagkikita, maliban na lang kung magpupuyat siya kakahintay sa binata. Night classes ang kinuha nito dahil halos gawin nang full time ni Kenneth ang trabaho nito. Gusto raw kasi nitong makaipon kaagad para sa pamilya nito – lalo na para sa Mama nito. Pagkatapos ng tatlong taon, nangyari ang kagustuhan ng binata na makauwi na sa South Korea ang nanay nito. Sa kabilang banda, ayaw niyang maramdaman na napag-iiwanan siya kaya kung ano-anong online courses para madagdagan ang kaalaman niya. Gusto sana niyang maging businesswoman, iyon ang orihinal niyang pangarap dahil gusto niyang yumaman. Pero noong minsan na mag-isa siya sa kaniyang silid, nakita na lang niya ang kanyang sarili na nagtitipa ng mga letra sa laptop niya. Humahabi ng maikling

DMCA.com Protection Status