Home / ChickLit / One Hundred Billion Pesos Baby / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of One Hundred Billion Pesos Baby: Chapter 11 - Chapter 20

110 Chapters

Chapter 11

      Martes na ng umaga, alas-nueve y’ medya na pero mukhang wala pang balak na bumangon si Marion mula sa higaan niya. Noon lang niya naranasan na matulog sa napakalambot na water bed na may nakapatong pang malambot na comforter sa ibabaw. Ngunit nang maaninag niya ang sikat ng araw na nakaalpas mula sa maliit na awang ng kurtina, doon unti-unting nagising ang kaniyang diwa. Malamig ang hangin na lumalabas sa air conditioner kaya kahit nag-inat siya ng mga braso, tila hinihila pa rin siya ng kaniyang kama upang matulog pa.       Pagkatapos ng tatlong katok mula sa kabilang panig ng pintuan, narinig niya ang pamilyar na tinig na palagi niyang kasama simula kahapon. “Tanghali na po, Miss Marion. Ano po bang gusto niyong almusal?”       Doon lang idinilat nang husto ni Mar
last updateLast Updated : 2022-03-19
Read more

Chapter 12

      Napangiti at napabungisngis si Mr. Sanchez, pati na rin ang mga tauhan nito. Pero nang mapansin nila na hindi tumawa si Marion at hindi man lang kumibo si Emily, tumikhim ang mga ito at nagkunwaring nauubo lang. Tila natakot ang mga ito na mapikon si Marion sa inasal ng mga ito kaya naman humingi kaagad ng paumanhin ang grupo nila Mr. Sanchez. Pero si Marion, bukod sa wala siyang pakialam sa iniisip ng mga ito, wala rin siyang balak na isuot ang kahit na isa sa mga alahas na dinala ng mga ito. Ang ine-expect niya kasing dadalhin ng mga ito ay mga alahas na pwede niyang gamitin sa pang-araw-araw niyang pananatili sa mansyon. Hindi mga alahas na dapat ilagay sa vault ng mga bangko.         “Mr. Sanchez, kung tama ang memorya ko, sinabi ko naman sa team niyo sa telepono na simple lang ang mga gusto ni Miss Marion. Hindi niya magugustuhan ang mga dinala niyo.”
last updateLast Updated : 2022-03-19
Read more

Chapter 13

      Halos abot-tenga ang ngiti ni Peterson habang naglalakad siya papunta sa opisina ng kaniyang anak. Pinasadya niya iyon na may tatlong estante na puno ng mga nobela at may malaking lamesa at swivel chair sa pinakagitna. Binilhan din niya ng mga bagong gadgets si Marion kaya naman pwede itong magsulat sa desktop computer, laptop, o cellphone. Nangako siyang susuportahan niya ang pagiging manunulat ng kaniyang anak sa loob ng isang taon kaya naman binili niya ang mga bagay na alam niyang makakatulong kay Marion.       Dahil nasa villa na siya, hindi na nakasunod si Romeo sa kaniya dahil kailangan niyang makausap si Marion nang mag-isa. Naisip niyang mas maganda kung silang dalawa lang ang makakarinig ng mga plano nila. Nang buksan ni Peterson ang pintuan, bahagya siyang nagulat dahil alas-siete na ng gabi ngunit nakapatay pa rin ang ilaw sa buong silid. Tangin
last updateLast Updated : 2022-03-21
Read more

Chapter 14

      Sa pinaka-itaas na baitang ng hagdan, nakatayo roon ang babae na nasa animnapu’t dalawang taong gulang na ngunit mukha itong bata ng limang taon kaysa sa tunay nitong edad dahil maalaga ito sa katawan, lalo na sa balat. Ang babae ay nakasuot ng kulay asul na dress na hanggang tuhod, na pinatungan ng itim na blazer dahil may pupuntahan ito kahit linggo. Sa laki ng mga brilyante na nakalagay sa mga tenga nito, pati na rin sa suot na tatlong layer ng mga perlas sa leeg nito, alam na kaagad ni Marion kung sino ang babaeng iyon.       “Peterson, nababaliw ka na ba? Sinong may sabi sa iyong pwede mong iuwi rito ang ang bastardo mo --”       “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Diana. Ipinakilala ko lang siya sa iyo para naman makilala mo siya at hindi manggaling sa i
last updateLast Updated : 2022-03-23
Read more

Chapter 15

      Ngumiti lang si Marion. “Good morning.” Masigla ang tinig niya kaya lalong kumulubot ang noo ng Ginang. “Ang sabi ng Daddy ko, huwag ko raw intindihin ang sinasabi ng kahit sino maliban sa kaniya. At saka kung gusto niyong laitin ang biological mother ko, sige lang. Nakakainis naman talaga ang ginawa niyang pagpatol sa lalaking may asawa na. Pero kung mamaliitin niyo ko dahil hindi sa kung anong ginawa ng mga magulang ko, hindi naman tama iyon. ‘Di ba po?”       Napaismid si Diana sa mga sinabi niya pero hindi ito kumibo. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat ang pagkatao niya. Wala naman siyang pakialam kaya nagpapatuloy lang siya sa pag-eehersisyo. Para kay Marion, isang estranghera lamang ang Ginang na walang magagawa sa kaniya. Pero kapag pumunta siya sa ibang bansa o kapag nalaman nito ang binaba
last updateLast Updated : 2022-03-25
Read more

Chapter 16

      “Pupunta tayo kaagad?” iyon kaagad ang naibulalas ni Marion. Ngayon pa lang niya makikita ang passport na inasikaso niya, pati na rin ang mga government valid IDs na hinintay niya pero aalis na kaagad sila.       “Of course. Meron pa ba tayong kailangan hintayin?” tanong din ang isinagot nito.       Napailing lang si Marion. Matagal na niyang nasabi sa kaniyang mga kinagisnang magulang ang pagpunta niya ng South Korea kaya maiintindihan ng mga ito kapag tumawag siya bukas ng umaga para ibalita ito. “Wala naman po, Dad. Kakauwi niyo lang ba? Kumain na kayo?” Noong una, masyadong magaspang ang pakikitungo niya sa kaniyang totoong ama dahil hindi pa rin siya naniniwala sa pinagsasasabi nito. Pero nang makita niya na sinusubukan talaga nitong bumawi sa
last updateLast Updated : 2022-03-25
Read more

Chapter 17

      Dahil may nakasapak na earphones sa tenga niya, hindi na napansin ni Marion na tinatawag siya ng Daddy niya. Nandoon na kasi siya sa magandang parte kung saan pansamantalang maghihiwalay ang mga bidang karakter para hanapin nila ang mga bagay na nawala sa pagkatao nila dahil sa toxic nilang relasyon. Kung hindi siya kinalabit ni Peterson at sinenyasan na mag-ayos na ng gamit, hindi pa siya hihinto.       “Dad, nasa South Korea na ba tayo?” tanong niya. Tinanggal niya ang earphones niya para marinig ang isasagot ng Daddy niya.       “Magsuot ka na ng seatbelt mo. Malapit na raw tayo mag-landing sabi nung piloto. Bilisan mo na bago ka puntahan ng flight attendant.”       “Opo. Ito n
last updateLast Updated : 2022-03-28
Read more

Chapter 18

      Napangisi naman si Peterson dahil naramdaman nitong napikon si Marion. Nang makarating sila sa harap ng limousine, si Andrew ang nagbukas ng pintuan para kay Marion. Umikot naman si Peterson para sumakay mula sa kabilang pintuan. Nang masiguro na maayos na ang lahat, umupo na si Andrew sa harapan, sa tabi ng chauffeur. Nagsimula nang mag-drive ang chauffeur kaya naging relax na ang mag-ama sa mga upuan nila.       “Pahiya ka roon, ‘no? Mga ganiyan ba ang mga tipo mo sa lalaki?” pang-aasar pa ni Peterson.       Pilit na ngumiti si Marion kahit nasasaktan ang pride niya noong mga oras na iyon. “HIndi po. Gusto ko, ‘yong gwapo, ‘yong mukhang artista. Tipong sa sobrang gwapo, baka bigla siyang ma-kidnap kapag naglakad siya sa madilim na lugar.”
last updateLast Updated : 2022-03-28
Read more

Chapter 19

      Ramdam ni Marion ang paghihimutok ng tiyan niya. Kailangan niya nang kumain dahil baka bigla na lang siyang bumulagta sa kalsada. “Gusto kong matikman ang mga pagkain sa convenience store niyo. Mukhang masarap kasi ‘yong mga nakikita ko sa mga mukbang videos.” Iyon ang palusot niya. Pero ang totoo, gutom na gutom na talaga siya at hindi niya kayang maghintay kapag pumili siya ng resturant.           “Sige po, Miss Marion. Tara na,” aya nito.           Nauuna lang nang kaunti si Marion habang naglalakad sila. Dumiretso sila sa elevator para makababa. Dala-dala ni Marion ang wallet at cellphone niya. Bago umalis ang Daddy niya kaninang umaga, nag-iwan ito ng one million won o mahigit forty thousand pesos sa side table. Kahit wala itong iniwang note, alam niyan
last updateLast Updated : 2022-04-01
Read more

Chapter 20

      “Sobrang salamat po talaga, Miss Marion. Tama nga ang sinabi ko kanina… Iba ka talaga kumpara sa mga client ko noon. Ngayon lang ako nakakilala ng VIP client na nagbigay ng oras para samahan ang mga empleyado niya. Alam mo kasi… Sobrang nakakabwiset ang mga boss ko. Palagi na lang nilang sinasabi na kailangan ko pang galingan samantalang hindi naman sila ang nakikipagsalamuha sa mga foreign clients. Hindi naman mabait ang iba sa mga iyon.” Namumula na ang mukha ni Andrew at nagiging madaldal na. Ilang baso na rin ng beer ang naiinom nito at mukhang hindi ganoon kataas ang alcohol tolerance nito.       Uminom naman ng beer si Marion bago muling kumagat ng fried chicken. Hindi ganoon ka-pait ang beer sa South Korea at hindi rin ganoon kataas ang alcohol content kumpara sa nakasanayan niya kaya naman balewala sa kaniya kahit nakaka-ap
last updateLast Updated : 2022-04-01
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status