"Galit ka ba?" tanong ko kay Lino na nilalagyan ng something iyong sugat. Malamig iyon sa pakiramdam kaso mahapdi pa rin lalo na kapag natatamaan ng hangin."Ako? Galit?" kunot-noong tanong niya nang tingalain niya ako kaya tumango ako. "Hindi. Kahit kailan, hindi ako magagalit sa iyo. Maiinis, oo," aniya.Tumaas ang kilay ko pero agad din akong napangiwi. "Dahan-dahan lang, Lino," mahinang sabi ko at gusto ko sanang hawakan ang kamay niya para ilayo iyon pero pinigilan ko. Kung makaano naman kasi siya sa sugat ko, parang may galit siya sa'kin. Well, naiintindihan ko naman if he's mad at me."Pasensya na. Kung p'wede ko lamang kunin ang sakit nang hindi ka nasasaktan ngayon..." mahinang sabi niya na parang siya pa itong nahihirapan sa kalagayan ko. Sinaktan ko na nga siya nang sobra for almost a month pero ako pa rin ang inaalala niya.Nang matapos niyang linisin at gamutin ang sugat ko, lumabas na muna siya at ilang sandali pa ay bumalik din siya. Binigy
Baca selengkapnya