Home / History / Secunda Vita / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Secunda Vita: Chapter 1 - Chapter 10

83 Chapters

Prologue

Alam kong maraming magbabago sa oras na simulan ko ang mga pinaplano ko but I don't have a choice. I'll die if I will keep on running away. Hindi ako mabubuhay base sa kung ano ang gusto ko kung tatakbo lang ako.Nandito na ako... kailangan ko na lang ipagpatuloy ang dapat na mangyari. Nawala na sa akin ang buhay bilang isang Lemon Concepcion at nandito ako para ipagpatuloy ang buhay ni Liwanag na magsisilbing ikalawang buhay ko.Kailangan kong ayusin ang gusot bago ko makamit ang katahimikan.Ang saya ng fiesta sa tahanan nina Lola Juana kasi pati kapit-bahay nila, nagpupunta sa kanila plus they we're all singing and dancing, too. Ang dami ring k'wento ng mga tao dun na hindi ko alam kung totoo kasi tawanan lang kami nang tawanan. Busog na busog na rin kami pero pinilit pa rin naming pumunta pa kina Catalina bilang request na rin ni Agustino at inimbitahan din kasi kami nina Catalina.Hindi naman totally ayoko kay Catalina. Gusto ko naman siya maging kai
Read more

Chapter 1

Nagmadali akong habulin si Lino para kunin ulit 'yung gitara kasi hindi ko naman iyon bibilhin kaso too late na–nabili niya na. Hinabol ko ulit siya palabas ng tindahan pero natigilan ako nang makita ko sa labas sina Padre Roque at ang mga kasama niyang Prayle at Alpares then mga Guardia Civil. Agad akong nagtago sa loob ng tindahan at hindi ko na hinabol pa si Lino.Napahawak ako sa dibdib ko. Sasabog na yata ang puso ko dahil sa kaba.Bakit nandito na naman sila? Kilala ni Padre Roque si Padre Gadon? Si Padre Gadon na nagtangka kay Liwanag?Fuck shit! Anong ginagawa nila rito? They can't see me! I need to hide!Muli ko silang sinilip at kausap na nila ngayon si Señor Manuel Valencia at kasama nila sina Señor Magnus at Señor Galicia. Mukhang magkakakilala silang lahat kasi nagngingitian pa sila. Pinagtitinginan din sila ng mga tao at nandun na rin si Lino, kasama nila. Ang sama niya tumingin kay Padre Gadon pero maya-maya pa ay
Read more

Chapter 2

"Gusto mo ng totoo?" I asked and he nodded as if he's ready to my answers. Napangiti ako at tumango nang mabagal. "Sige, paano ako makapagsisimula ng bagong buhay gayong alam kong may hindi pa ako tapos gawin? Nais kong bumalik dito, makita muli kayo kapag natapos ko na ang gulo ko sa Salvacion. Ngunit paano ako makasisigurong may babalikan ako rito kung idadamay ko kayo?" huminga ulit ako nang malalim. "Napunta si Liwanag sa Pilipinas nang mag-isa. Hinarap niya ang mga pagsubok nang mag-isa. Tiyak na kaya ko rin itong harapin nang mag-isa. Ayokong may mamatay na naman nang dahil sa akin. Tulad ng isang pamilyang nagligtas sa 'kin para lang makatakas ako sa Salvacion."Hindi ko pa rin iyon nakakalimutan. Dalawang pamilya ang nadamay para lang mailigtas ako at hindi ko iyon sasayangin."Ibabasura mo ang kanilang sakripisyo sa oras na ika'y bumalik doon," seryosong sabi niya.Umiling ako, "hindi, Lino. Bibigyan ko sila ng katarungan. Hindi ko hahayaan na hanggang
Read more

Chapter 3

Hindi ko kinibo si Lino--ni tiningnan man lang hanggang matapos ang breakfast namin. Dumiretso rin ako sa office niya para matapos ko na ang dapat kong gawin bago pa siya dumating pero bago pa man ako matapos, narinig ko nang nagsasalita si Señor Magnus sa labas ng mismong office ni Lino kung nasaan ang table ko.Hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila."Alam mo ba kung bakit nais kong malaman ngayon din mismo kung sino ang dalagang iyong iniibig?" kalmadong tanong ni Señor Magnus. Mukhang seryoso na siya sa kanyang tono kaya mas nilakasan ko rin ang pandinig ko dahil curious din ako. "Sapagkat napag-alaman kong natitipuhan ka ni Manuel para sa kanyang anak na si Miranda lalo pa't kumakalat din ang balitang may namamagitan sa inyo.""Kung gayon, lalayo na lamang po ako sa kanila," ani Lino na seryoso rin."Hindi iyon ang nais kong ipabatid sa iyo, Lino," kalmadong sabi ni Señor Magnus. "Mabait na tao si Miranda. Para sa akin, nais k
Read more

Chapter 4

Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lang si Lino. Siguro dahil nataranta na rin ako lalo na nang magsalita si Padre Gadon at binati si Lino. Nakatunganga ako sa bintana habang nagwowonder sa nangyayari sa baba hanggang sa kumatok si Berto sa pinto ko. "Bakit?" I asked when I opened the door. He looks so worried. "May nangyari ba sa baba?" ang alam ko, maraming Guardia Civil sa labas ng bahay, nakapalibot."Tila hindi ka palalabasin ni Lino hangga't nandito si Padre Gadon sa San Adolfo," nag-aalalang wika niya kaya bahagya akong tumango. Expected ko na 'yun kasi masyado siyang overprotective. "Hindi ba't nakita ka ni Padre Gadon kasama si Lino?" tumango ako. "Tila hindi ka niya nakilala lalo pa't malabo na ang kanyang mga mata. Ngunit nakatitiyak akong naparito siya para sa iyo." kumunot ang noo ko at napaawang ang bibig. "Tiyak na may hinala siyang buhay ka, Mon. Kasalanan ko, hindi ako nag-ingat kaya ako nasundan." namamasa na ang mga mata niya at may guilt doon kaya
Read more

Chapter 5

Napangiti siya. "May gusto si Miranda kay Lino ngunit hindi niya ugaling ipagsiksikan ang kanyang sarili sa ibang tao. Lalo pa't alam niya nang hindi naman pala siya natitipuhan ni Lino. Alam niya kung kailan titigil, Mon.""Ngunit paano ang iyong Ama at Ina? Hindi ba't nais nila si Lino para kay Miranda?" kunot-noong tanong."Sila ba ang magpapakasal kay Lino?" tawa niya. "Hindi, Mon. Ibig sabihin, labas sila sa desisyon ni Lino at Miranda. Wala silang magagawa kung hihindi si Lino at Miranda sa Pari sa araw mismo ng kanilang kasal."Bahagya akong natawa. Ang astig pala ni Miranda. I like her personality though. Such a strong woman. At si Agustino, I like his mindset. "Salamat, Agustino." sabi ko sabay ngiti kaya ngumiti rin siya at tumango nang bahagya."Nabalitaan ko rin ang tungkol kay Padre Gadon. Sinira niya ang aming tanghalian." biglang nawala ang ngiti sa mukha niya. "Tila paniwalang-paniwala siya na wala ka na nga.""Oo nga e. Sana huwag
Read more

Chapter 6

"Mamahalin mo pa rin ba ako kung sasabihin kong ayokong magkaanak?" mahinang tanong ko out of the blue. Bago maging kami, dapat alam niya kung ano ang gusto ko at alam ko kung ano ang gusto niya. Kasi ayokong nagsasayang ng panahon at emosyon."Minahal kita hindi dahil kaya mo akong bigyan ng anak. At kung iyon ang iyong nais, sino ako upang kumontra gayong katawan mo iyan at hindi akin?" tanong niya kaya napangiti na naman ako.Inagaw ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya napatingin siya sa 'kin. Agad ko siyang niyakap kaya ako naman ang nakadagan sa kanya. Bahala siya kung hindi siya makahinga diyan."Payag ka ba talaga? Tayong dalawa lang?"Bahagya siyang natawa at niyakap din ako. "Opo, Binibining Liwanag. Basta tayong dalawa," bulong niya at saka hinalikan ang gilid ng ulo ko.I'm so happy na nirerespeto niya ako. Na kahit alam kong gusto niya naman talaga ng family in the future, hindi niya pa rin pinagpilitan kasi alam niyang wala siyang
Read more

Chapter 7

"Magkasintahan na ba talaga kayo?" tanong ni Agustino sa'kin at nandito na kami sa karwahe niya. Si Lucio ang nagdadrive. Katabi ni Agustino si Berto.Nagkibit-balikat ako. "Siguro? Kailangan ko ba siyang tanungin kung maaari ko siyang maging kasintahan?" tanong ko kaya nagulat na naman sila.Natawa na lang ako sa reactions nilang dalawa. Hindi normal sa panahong 'to na babae ang manliligaw pero ang unfair naman? Lalaki lang ba ang dapat manuyo?"Nais manligaw ni Lino ngunit napakaraming kondisyon ni Mon," ani Berto kaya napataas ang kilay ko."Gusto ko lang na maghanap siya ng bagong asistente. Marami ba 'yun?" tanong ko.Tumango siya. "Natatakot siya na baka kapag nakahanap siya ng bagong asistente ay bigla ka na lamang mawala. Hindi ba't ginawa mo rin iyang kasunduan na bago ka umalis papuntang Salvacion ay pinaghahanap mo siya ng papalit sa iyong trabaho?""Paano mo nalaman?" tanong ko. Si Lino lang naman ang pinagsabihan ko nun.
Read more

Chapter 8

Dapat talaga, nakinig na lang ako kay Lino. Wala sana ako rito.Nandito kami sa sala ng bahay nina Catalina. Katabi ko sina Berto, Lucio at Agustino. Nasa harap naman namin sina Don Danilo, Donya Carlota, Catalina at Miranda. Hindi naman na ako masyadong halata dahil pinahiram ako ni Lucio ng balabal. Kay Manang Hiyas daw ito na hindi niya pa naibabalik kay Manang Hiyas kaya nasa kabilang kalesa pa. Hindi ko nga alam kung bakit may balabal si Manang Hiyas doon.Sumakay ba siya dun?"Ginoong Agustino Valencia, anak ng Alcalde Mayor Manuel Valencia," panimula ni Don Danilo at lahat kami rito, kinakabahan. Lalong-lalo na si Agustino na hindi makatingin nang diretso. "Ano't bigla ka na lamang nanghaharana sa aking unica ija? Hindi ka ba tinuruan ng iyong Ama na magpakilala muna sa amin?""Patawad, Señor. Hindi po alam ng aking Ama ang tungkol dito lalo pa't napag-alaman kong may napupusuan na po kayo para sa inyong anak," ani Agustino kaya nakita kong
Read more

Chapter 9

"Napakamaldita talaga ni Señorita Catalina," mahinang sabi ni Maria.Bumuntong-hininga si Lino at hindi na lang nagsalita kahit kitang-kita ko na nagpapasensya na lang siya. Nang matapos kaming kumain ay pinaiwan niya ako sa dining table at hintayin ko raw siya. Wala akong makausap. Ang boring. Pinatong ko ang mga braso ko sa mesa at pinatong dun ang ulo ko. Inaantok na kasi ako kaso busog pa ako. Baka bangungutin a---"Liwan?" rinig kong sambit ni Lino kaya nagising ako. Napangiwi ako dahil sumakit bigla ang leeg ko at namamanhid din ang mga braso ko. Nakatulog nga ako. "Ayos pa lamang ba?" nag-aalalang tanong niya. Sa halip na sumagot, pinilit kong maupo nang maayos at pinakiramdaman ang leeg ko. Ang sakit naman! "Pasensya na, natagalan ako," sabi niya pa at doon ko lang napansin ang isang tasa na may laman. "Saan masakit?" tanong niya pa."'Yung leeg ko, Lino. Parang nastiff neck," sabi ko habang napapangiwi. Ang sakit kapag ginagalaw e."Stiff
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status