Home / History / Secunda Vita / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng Secunda Vita: Kabanata 11 - Kabanata 20

83 Kabanata

Chapter 10

Nakatulog na ako agad nang umalis si Lino pero nagising ako na sobrang nilalamig kaya nagtalukbong agad ako ng kumot. Kaso ang lamig pa rin to the point na nagchichill na ako then narinig ko si Lino na nandito pala sa room ko. He was asking me what's happening then sabi ko, ang lamig. Pati bibig ko, nagshishake. Ang init lalo ng katawan ko pero nilalamig ako. Ang gulo!Naramdaman ko na lang na umakyat si Lino sa kama at pumasok sa kumot ko para yakapin ako mula sa likod. Hinawakan niya pa ang dalawang kamay ko na nasa tapat ng dibdib ko kaya medyo nabawasan ang pagshake ko at nabawasan ang lamig. "Pasensya na, kailangan ko lamang itong gawin," bulong niya sa gilid ng ulo ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Talagang binantayan niya ako rito. "Nilalamig ka pa ba?" he asked."Hindi na masyado," mahinang sabi ko at kumalma na rin ang pagshake ko. Wow, ang bilis. Ganito pala ang epekto ng body heat."Nandito lang ako, Liwan. Hindi kita iiwan," aniya at mas hinigpit
Magbasa pa

Chapter 11

Kinabukasan ay maaga kaming gumising lahat kasi sabi raw ni Lino, mag-eensayo raw kami sa labas. Excercise pala. LMAO! Kaya ayun, hindi pa sumisikat ang araw, nagtinapay at kape lang kami at nag-eexcercise na kaming lahat sa labas ng bahay. Ako, si Lino, si Berto, Maria at Josefa. Ang saya nga e kasi hindi naman sila pala-excercise. Napilitan lang."Kamusta?" tanong ni Lino sabay abot sa'kin ng tubig at katatapos lang naming mag-excercise. Inabutan niya rin ako ng panyo para makapagpunas ng pawis."Masarap sa pakiramdam. Feeling ko, ang sigla ko," tuwang-tuwang sabi ko. Namiss ko 'to. At mukhang kailangan din ito ni Liwanag e. "Buti naisip mo ito," dugtong ko sabay inom ng tubig. Busy naman magk'wentuhan sa hindi kalayuan sina Berto, Maria at Josefa. To be honest, napagod kami dun pero si Lino, mukhang chill lang."Naisip kong matagal ko na pala itong hindi nagagawa. Kailangan natin ito. Hindi magandang subsob tayo sa trabaho at hindi natin naaalagaan ang ating
Magbasa pa

Chapter 12

Kinabukasan ay nakapag-excercise pa kami bago kami nagpunta sa simbahan. Alam kong hindi maganda ang tingin ni Señor Manuel kay Lino pero mukhang hindi iyon iniisip ni Lino. Relax lang siya hanggang sa matapos ang misa kahit na aware siyang napag-uusapan sila ni Catalina sa buong bayan ng San Adolfo."Magandang umaga po," bati ni Lino kina Señor Manuel at Señora Rosana na nakasalubong namin palabas. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hindi makatingin si Miranda kay Lino. Diretso lang ang tingin niya sa labas at nang mapatingin ako kay Agustino, agad siyang kumaway na parang hinihintay niyang tingnan ko siya kaya natawa ako. Masaya siya kasi maganda ang takbo ng love life niya."Sa tingin mo'y maganda ang aking umaga gayong alam ko ang pinag-uusapan nila tungkol sa inyo?" poker face na tanong ni Señor Manuel kaya nabalik ang atensyon ko sa kanila. "Napakalakas ng iyong loob upang magpakita pa sa amin.""Nais ko rin po kayong makausap
Magbasa pa

Chapter 13

"Ganito pala maging isang babae?" natatawang sabi ko at hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Ramdam ko pa rin doon ang kiss niya."Palagi ko naman pinaparamdam sa iyo na isa kang babae," sagot niya. Oo nga naman, Lemon. Kapag kasama ko si Lino, ramdam kong babae nga ako pero kapag kasama ko sina Agustino at Berto, feeling ko, lalaki rin ako tulad nila. Siguro kasi hindi nila tinitingnan kung anong gender ko. Basta kaibigan nila ako, iyon na 'yun."Akala ko ba, tayo lang?" sabi ko nang makarating kami sa harap ng karwahe kung saan nakasakay na si Berto. Kahit siya, kinikilig sa kagagawan ni Lino.My Lino is a romantic person..."Ngunit kailangan natin ng---" hindi na natapos pa ni Lino ang sasabihin niya kasi inawat ko agad siya."Ayoko ng chaperone. Mang-aasar lang 'yan e," sabi ko sabay tingin kay Berto na natatawa na ngayon kaya sinamaan ko siya ng tingin bago ko hinila si Lino papunta sa kwadra at binuksan ang kulungan nung kabayo. Agad a
Magbasa pa

Chapter 14

Habang kumakain kami, pansin kong may isang lalaking nakaitim na panay ang tingin sa side namin ni Lino. Mag-isa lang siya at dito rin siya kumakain. Nakilala niya kaya ako?"Ang sarap ng luto nila dito, 'no?" sabi ko para ibaling ang atensyon ni Lino sa'kin kasi baka mahalata niya iyong lalaki. Kakausapin ko 'yun mamaya."Nais mo bang magluto rin ako nito?"Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Seriously? Marunong ka nito?" tuwang-tuwang sabi ko kaya napangiti siya at tumango. "Bakit nagdoctor ka pa kung p'wede ka naman sa kusina? Tiyak na maraming bibilib sa'yo rito," sabi ko."Hindi ba ako nakakabilib bilang Doktor?""Nakakabilib din. Gustong-gusto ko nga 'yung may biglang naheart attack at nirevive mo agad. Nasa ibabaw ka pa nung malaking lalaki kasi ang taba ng dibdib niya." pakiramdam ko, hero siya nun. Saviour! Kung p'wede lang ivideo para mapanood ko palagi.Napangiti siya na parang nahiya pa. "Hindi ka naman bilib na bilib sa akin
Magbasa pa

Chapter 15

"Naniniwala ka bang may makakarating na tao sa buwan?" tanong ko kay Lino habang tinitrace ko ang full moon na pareho naming pinagmamasdan sa kalangitan. Nandito rin kami sa burol, nakahiga sa damuhan habang nag-sstar gazing. Tinali ni Lino ang kabayo sa may puno na hindi kalayuan sa'min. Busy siyang kumain ng damo."Marami pang maaaring mangyari kaya oo. Noong bata ako'y nais ko ring marating ang buwan," nakangiting sabi niya sabay tingin sa'kin. Full moon kaya maliwanag ang paligid namin at kitang-kita ko ang mukha ni Lino mula rito. "Ngayon, nais na kitang isama," dagdag niya.Napangiti ako at tumingin ulit sa moon. Bakit palagi niya na lang pinapalakas ang heartbeat ng puso ko? Baka magkasakit ako nito sa puso. "Ngunit wala pang kagamitang makapagdadala sa atin sa buwan. Payag ka bang makipagkita sa akin sa susunod nating mga buhay? Baka doon, meron na," nakangiting sabi ko."Hahanapin kita," mahinang sabi niya."Sige. Sana nga magtagpo pa tayo. Sa pa
Magbasa pa

Chapter 16

"Palagi ka talagang handa, ano?" nakangising sabi ni Agustino kay Lino at pinaamoy na kay Miranda iyong nasa maliit na botilyang binigay ni Lino sa kanya. White flower ba 'yun? O kapareho lang.Nandito kami sa sala ng bahay. Mabuti na lang at nang mahimatay si Miranda ay nakita kami ni Lino kaya nabuhat niya ito papasok ng bahay. Pinaalis din ni Agustino iyong mga kasambahay nila kaya kaming lima lang ang nandito. Kasama namin si Berto."Sinabi mo na ba kay Miranda?" tanong ni Lino sa'kin at hindi pa rin nagigising si Miranda."Sinabi ko lang na ako si Liwan," mahinang sabi ko kasi baka may bang makarinig."Balak mo ring sabihing ikaw iyong kasama ni Lino kahapon?" tanong ni Agustino kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. Napangisi siya at umiling nang mabagal. "Kalat na kalat na sa bayan na may kasamang Binibini si Doktor Fuentes at hindi iyon si Miranda. Pati ako'y kinukulit nito kung sino ka ngunit hindi ako nagsalita," paliwanag niya."Akala ko
Magbasa pa

Chapter 17

"Anong nangyari?" alalang tanong ni Lino. Tiningnan ko siya at umiling na lang."Inaantok na raw siya," sabi ko sabay lakad papunta sa karwahe. Buong byahe pauwi ay hindi ako kumibo. Hindi mawala sa isip ko iyong mga mata ni Catalina. Punong-puno ng sakit at katanungang hindi masagutan. Alam ko kung ano siya pero hindi niya iyon mauunawaan kasi hindi naman iyon normal sa panahong ito. Siguro, wala pa siyang nakakasalamuhang pareho ng gender identity niya. Pero paano ko siya matutulungan lalo pa't ako pa ang nakasakit sa kanya."Kamusta? Nakahanda na ang hapunan," nakangiting salubong sa'min ni Josefa dito sa pinto. Napatingin ako sa kanya na kinakunot ng noo niya. "May nangyari ba?" she asked me. Dati siyang nagsilbi kay Catalina. Mas kilala niya ito kaysa sa akin. Alam niya kaya?"Liwan, maaari kang magk'wento sa amin," sabi ni Lino na nasa likod ko. Lalong nag-alala si Josefa nang bigla akong lumuha sa harapan niya. Agad ko siyang niyakap at doon ako humikbi.
Magbasa pa

Chapter 18

"May hinala na po kayo kung sino?" tanong ni Lino kay Señor Manuel nang makalapit siya sa'min."Mayroon na. Ginagawa na namin ng paraan ng aking Alpares upang mahuli sila," walang emosyong sagot ni Señor Manuel."Sino?" kunot-noong tanong ni Lino.Napatingin muna sa akin si Señor Manuel bago sinagot si Lino. "Hinala pa lamang, Lino. Kailangan pa naming imbistigahan. Sasabihin ko kapag sigurado na," seryosong tugon nito bago nagpaalam na babalikan niya lang ang pamilya niya. Sakto ring dumating ang karwahe nina Catalina at bumaba sila roon. Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa si Catalina. Tulala siya habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Josefa. Dumami rin ang mga Guardia sa paligid dahil sa pagdatingan ng mga Valencia at Villaluna."Tiyak na sila ang may kagagawan nito," sabi ni Lino kaya napatingin ako sa kanya. Masama ang tingin niya sa grupo ng mga tao na nasa hindi kalayuan. Sinundan ko ang tingin na iyon at nakita ko a
Magbasa pa

Chapter 19

"May kailangan din akong gawin, Liwan. Mabuti pa'y matulog ka na muna at bukas na natin ito pag-usapan. Wala ka pang tulog simula noong isang araw. Baka mapano ka," sabi niya sabay tulak sa tasa ng tsaa. Napatingin ako dun. Baka nilagyan niya na naman ng pampatulog tulad noong sumakit ang ulo ko. Pinatulog niya ako bigla. Concern lang sa'kin si Lino. Buong araw nasa akin ang tingin niya. Hinayaan niya akong makapagluksa at makausap ang mga taong makakaintindi sa nararamdaman ko pero hindi niya inalis sa'kin ang mga tingin niya. Alam niyang wala akong tulog, dalawang gabi na dahil sa mga iniisip ko. Paano ako kakakatulog kung pati sa panaginip ko, nangangamba ako? Noong una ay noong nakita ko ang galit sa mga mata ni Lino. Hindi ako makapapayag na lamunin siya ng galit na iyon. Ikalawa ang pagkamatay ni Josefa kahapon. Namimiss ko agad iyong mga ngiti niya kapag dumarating na kami sa bahay. Pero nangingibabaw sa'kin ang putok ng baril na tumama sa kanya. Ako na lang s
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status