"May kailangan din akong gawin, Liwan. Mabuti pa'y matulog ka na muna at bukas na natin ito pag-usapan. Wala ka pang tulog simula noong isang araw. Baka mapano ka," sabi niya sabay tulak sa tasa ng tsaa. Napatingin ako dun. Baka nilagyan niya na naman ng pampatulog tulad noong sumakit ang ulo ko. Pinatulog niya ako bigla.
Concern lang sa'kin si Lino. Buong araw nasa akin ang tingin niya. Hinayaan niya akong makapagluksa at makausap ang mga taong makakaintindi sa nararamdaman ko pero hindi niya inalis sa'kin ang mga tingin niya. Alam niyang wala akong tulog, dalawang gabi na dahil sa mga iniisip ko. Paano ako kakakatulog kung pati sa panaginip ko, nangangamba ako?
Noong una ay noong nakita ko ang galit sa mga mata ni Lino. Hindi ako makapapayag na lamunin siya ng galit na iyon. Ikalawa ang pagkamatay ni Josefa kahapon. Namimiss ko agad iyong mga ngiti niya kapag dumarating na kami sa bahay. Pero nangingibabaw sa'kin ang putok ng baril na tumama sa kanya. Ako na lang s
Wala naman kasi talagang sigurado sa mundo. Kahit nakompleto natin ang alphabet sa dami ng plan natin, may possibility na wala ni isa roon ang magawa natin. Pero ang sigurado lang, kailangan nating magpatuloy sa buhay. At alamin natin kung para saan ang mga ginagawa natin. Kung para lang ito sa pansariling kapakanan, maaari itong magdulot ng sigalot sa ibang tao. Dahil gagawin natin ang lahat para sa sarili natin. Ngunit huwag nating kakalimutan na huwag puro sarili ang unahin. Importanteng mahal natin ang ating sarili ngunit matuto tayong isipin ang mga nakapaligid sa atin. Huwag tayong abusado dahil lamang alam natin na kaya nating gawin lahat ng nanaisin natin. Dahil may mga taong darating upang putulin ang pang-aabuso... Kakalubog lang ng araw nang umalis ako sa San Adolfo at ngayon ay madilim pa rin nang marating ko ang Salvacion. Ngunit tila malapit na mag-umaga. Napatingin ako sa orasan na nasa tuktok ng isang aparador. Malapit na mag-alas-tres ng umaga. Sabi
"Kami na muna ang magbabantay sa kanya. Masyado mo nang inaabuso ang iyong sarili," rinig kong sabi ni Miranda."Hihintayin ko siyang magising," tugon ni Lino kaya napangiti ako at unti-unting minulat ang mga mata. Hindi gaanong maliwanag pero nakita ko pa rin si Lino na nakatingin din pala sa'kin. Gulat na gulat siya nang makita ako. Nanghihina pa rin ang buo kong katawan. May tali ang kanang braso ko. "Liwan," sambit niya sabay lapit sa'kin at tiningnan lang ako, parang hindi siya makapaniwalang nagising ako. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya pero bago pa man iyon tumulo ay niyakap niya na ako kaya napadaing ako sa sakit. 'Yung braso ko. "Pasensya na. Nananabik lamang ako sa iyo," naiiyak na sabi niya habang nakangiti. "Uminom ka muna ng tubig," aniya sabay abot sa'kin ng baso ng tubig. Tinulungan niya akong makaupo at saka ako uminom. Alam niya bang nanunuyo ang lalamunan ko? Oo nga pala, he's a Doctor.Pero hindi siya ang doktor ko ngayon. Kinausap ako ng
"Bakit hindi mo na lamang sinabi sa kanya na maaari ka niyang dalawin?" tanong ng Gobernador-Heneral Dela Trinidad. Huminga ako nang malalim kahit ang lamig sa kinaroroonan namin. Nakasakay kami sa barko papuntang Maynila. Sobrang tagal ng byahe. Tatlong araw? Hindi ko na rin namamalayan dahil palagi akong nakakulong sa inukupang silid ng Tito ni Liwan. Hindi ko nga napansin na iyon pala ang pinakamahal na k'warto sa barkong ito dahil palagi ko lang naman iyon iniiyakan. Mababaliw yata ako rito. "Mahal ka ng Doktor Fuentes na iyon, nakikita ko," dagdag niya nang hindi ako sumagot. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa kalawakan ng dagat na nakapaligid sa barko. Gusto kong isipin na nasa Titanic ako kasi ngayon lang yata ako nakasakay sa barko na ganito katagal ang byahe pero wala naman ang Jack ko. Wala si Lino..."Sapat na po bang rason na mahal ko siya para hindi siya iwan?" tanong ko. Napangiti siya at huminga rin nang malalim. Hindi niya ako tiningnan.
Ilang araw ang lumipas na nakakulong lang ako sa k'warto ko. Ni hindi ako lumalabas. Sinubukan kong basahin iyong mga librong wikang Kastila at tungkol sa mga batas militar, kasaysayan ng Espanya sa Pilipinas, kung paano nila isinulat doon kung gaano kaganda ang pamamalakad dito. Kung ano ang kanilang mga naitulong. Lalong sumasakit ang ulo ko. Puro kasinungalingan. Hindi nakalagay kung gaano kasakit at karumaldumal ang dinaranas namin dito.Hindi nakalagay kung paano nila itrato ang mga tao rito. Ang iba, pinagtatratabho ng walang bayad, hayop kung ituring, ginagawang parausan, pinapatay ng walang pakundangan, hindi pantay ang edukasyon. Kapag mahirap, hindi nakakapasok sa eskwelahan. Hindi marunong magbasa ang ibang Pilipino. Iyong mga bata, dapat nasa school sila at nag-aaral pero hindi. Nagtatrabaho na sila sa murang edad nila. Ginagawa iyon ng pamahalaan dahil takot silang maging edukado ang mga Pilipino. Takot sila sa matalinong mamamayan. Dahil kung matalino ang mamama
"Kahit ano, Lux. Nais kong makatulong. Sabihin niyo lamang," excited na sabi niya. Humugot muna ako ng lakas bago ko sinabi sa kanya ang lahat. Mukhang gusto niya biglang umatras."Baka ikapahamak niyo," bulong niya habang nakaupo na ngayon sa tabi ko at nandito kami sa loob ng karwahe. Hindi hinihigpitan ng Gobernador-Heneral ang mga nakabantay sa'kin. Actually, gusto niya nga akong lumabas sa silid ko at magliwaliw naman. Naaawa na yata siya sa'kin."Hindi ako magtatagal," sabi ko at saktong tumigil na ang karwahe malapit sa bahay nina Lino. Tahimik na ang lugar, wala ng katao-tao sa paligid at malamig na rin ang simoy ng hangin. Summer na kasi. Mainit sa umaga pero malamig kapag gabi."Lux, baka mahuli tayo," sabi niya pa pero hindi ko na siya inintindi. Kailangan niya lang namang sumunod sa plano kung ayaw niyang mahuli kami. Sinabi ko sa kanya na hindi ako p'wedeng magpakita sa Tatay at Ninong ni Lino. Si Lino lang ang gusto kong makita. Pero hindi ko sinab
"Gaano po ba katagal ang byahe galing Espanya papunta rito?" tanong ko sa Gobernador-Heneral na ngayon ko na naman lang nakausap. Kasalukuyan kaming nagbibreakfast."Nananabik ka na bang makasama sila?" tanong niya kaya tumango ako. Hindi siya palangiti. Ang sungit ng mukha niya pero mas komportable ako dun. Ayoko sa mga lalaking panay ang ngiti. Parang gusto ko silang bangasan ng mukha kasi kinikilabutan ako. "Ilang buwan pa mula ngayon ay makikita mo na sila. Upang hindi ka mainip, mamasyal ka sa labas, pababantayan naman kita sa mga Guardia Civil. Isama mo ang nais mong isama. Puntahan ang nais puntahan. Hindi maganda para sa iyo ang palaging nag-iisa, Lux."Bahagya lang akong tumango at nagpatuloy na sa pagkain. Sinasabi niya lang 'yan kasi iyan din ang mungkahi ni Lino sa kanya. Gusto ko na lang makaalis sa Pilipinas para makalayo na ako kay Lino at tuluyan na siyang makamove on. Mahihirapan na siyang masundan ako sa Espanya. Kung susundan niya ako roon, tiyak na
"Sigurado ka ba rito, Lux?" tanong sa'kin ni Tito GH na kaharap ko na ngayon sa tarangkahan ng Malacañang. Pareho na kaming nakabihis for party pero siya–palagi namang ganyan ang bihis niya. Iba-iba lang ng tabas pero same color. Palagi ring dala ang medals.Tumango ako at huminga nang malalim. Nasa likod ko si Nina na kanina pa ako kinukumbinsi na huwag na raw kaming tumuloy lalo pa't hindi pa maayos ang aking pakiramdam. Nalaman din ni Tito GH ang nangyari kaya sinisigurado niyang hindi ako napipilitan lang. "Sigurado po ako," diretsong sagot ko. Hindi naman ako gagawa ng isang desisyon kung hindi ako sigurado.Wala na silang nagawa kundi maglakad na palabas. Magkaiba ang karwaheng sinakyan namin. Nauna ang karwaheng sinakyan niya. Papalabasin namin na hindi kami magkasama total hindi pa naman ako kilala ng mga tao rito. Hindi naman nila nakita ang mukha ko noong bumaba ako sa barko kasama ang Gobernador-Heneral kaya hindi ako tanyag dito maliban sa pang
Lalong kumunot ang noo niya at hindi siya naniniwala sa mga pinagsasasabi ko. "Kung parte iyon ng plano mo, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa Gobernador-Heneral?" hindi makapaniwalang tanong niya."Nawalan ako ng alaala, Agustino. Tingin mo, kilala ko siya nang makarating ako sa San Adolfo? Ako lang ang meron ako nang mga panahong 'yun kung kaya't kailangan kong maging matalino sa mga desisyon ko. Kung kailangan kong manggamit ng tao, gagawin ko, mabuhay lamang!" habang sinasabi ko ang mga iyon, pasikip nang pasikip naman ang dibdib ko. Sana hindi niya mapansin na hirap na hirap na akong huminga. Sana hindi niya mapansin ang panginginig ng boses ko."Nagsisinungaling ka," mahina at umiiling na sabi niya sabay tawa nang mapait kaya ako ang napangisi kahit malapit na akong umiyak. Kitang-kita ko na nasasaktan siya sa mga pinagsasasabi ko. Pero kailangan ko 'tong gawin para lumayo na sila. Ayoko ng mandamay pa ng tao. Bumalik na sana sila sa dati nilang buhay. H