"Sigurado ka ba rito, Lux?" tanong sa'kin ni Tito GH na kaharap ko na ngayon sa tarangkahan ng Malacañang. Pareho na kaming nakabihis for party pero siya–palagi namang ganyan ang bihis niya. Iba-iba lang ng tabas pero same color. Palagi ring dala ang medals.
Tumango ako at huminga nang malalim. Nasa likod ko si Nina na kanina pa ako kinukumbinsi na huwag na raw kaming tumuloy lalo pa't hindi pa maayos ang aking pakiramdam. Nalaman din ni Tito GH ang nangyari kaya sinisigurado niyang hindi ako napipilitan lang. "Sigurado po ako," diretsong sagot ko. Hindi naman ako gagawa ng isang desisyon kung hindi ako sigurado.
Wala na silang nagawa kundi maglakad na palabas. Magkaiba ang karwaheng sinakyan namin. Nauna ang karwaheng sinakyan niya. Papalabasin namin na hindi kami magkasama total hindi pa naman ako kilala ng mga tao rito. Hindi naman nila nakita ang mukha ko noong bumaba ako sa barko kasama ang Gobernador-Heneral kaya hindi ako tanyag dito maliban sa pang
Lalong kumunot ang noo niya at hindi siya naniniwala sa mga pinagsasasabi ko. "Kung parte iyon ng plano mo, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa Gobernador-Heneral?" hindi makapaniwalang tanong niya."Nawalan ako ng alaala, Agustino. Tingin mo, kilala ko siya nang makarating ako sa San Adolfo? Ako lang ang meron ako nang mga panahong 'yun kung kaya't kailangan kong maging matalino sa mga desisyon ko. Kung kailangan kong manggamit ng tao, gagawin ko, mabuhay lamang!" habang sinasabi ko ang mga iyon, pasikip nang pasikip naman ang dibdib ko. Sana hindi niya mapansin na hirap na hirap na akong huminga. Sana hindi niya mapansin ang panginginig ng boses ko."Nagsisinungaling ka," mahina at umiiling na sabi niya sabay tawa nang mapait kaya ako ang napangisi kahit malapit na akong umiyak. Kitang-kita ko na nasasaktan siya sa mga pinagsasasabi ko. Pero kailangan ko 'tong gawin para lumayo na sila. Ayoko ng mandamay pa ng tao. Bumalik na sana sila sa dati nilang buhay. H
Nandito ako sa bintana, nakadungaw, naghihintay sa pagbabalik ni Lino. Araw-araw ko pa rin siyang inaabangan at araw-araw pa rin siyang nag-papadala ng sulat. Agad akong nagtago sa malaking pulang kurtina nang makita ko na ang karwahe niyang paparating. Ang lakas na naman ng kaba ko nang bumaba siya roon. Si Berto rin ang nagmamaneho ng karwahe.Sa totoo lang, lalong gumagwapo si Lino lalo na kapag nakaputi siyang damit. Ang linis niyang tingnan. Ang bango niyang tingnan. Minsan na akong sumilip sa klinika niya at nakita kong maraming tao roon. May mga nakakatulong naman siya sa trabaho niya kaya napanatag na ang loob ko. Lalaki ang mga nandun. Mukhang puro kalalakihan lang talaga ang hinahanap nilang aplikante. Tsk!Hindi ko maiwasang mapangiti kapag nakikita ko si Lino pero nasasaktan din ako kasi hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Miss ko na ang mga ngiti niya. Kailan ko kaya iyon muling masasaksihan?Hindi nagtagal si Lino. Agad din siyang naglakad pabalik
Pagkarating namin sa bahay este Palasyo ay nagpalit ako ng mas simpleng damit kaso magaganda pa rin ito e. Dapat pala, naging attentive ako noong bumibili kami ng mga damit ni Nina. Nang mga panahon kasing iyon ay kakarating ko lang sa Maynila at sobrang bigat pa ng kalooban ko."Mapapagalitan po tayo," sabi ni Nina nang sabihin kong gusto kong bawasan ang mga Guardiang pinapasama ni Tito GH. From 8, gusto kong bumaba ito sa dalawa lang."Sundin mo na lang ako. Ako na ang bahalang magpaliwanag," sabi ko habang pinapaalis ang anim na Guardiang nasa labas ko at nandito na kami sa labas ng gusali."Mawalang galang na po, Señorita Lux," singit ng mayordoma na siyang humahandle sa mga kasambahay dito at sa iba pang tauhan ng Malacañang maliban sa may matataas na posisyon. "Ngunit kami naman ang mapaparusahan kung hindi namin siya susundin," dagdag niya. Matanda na siya. Siguro nasa 50 plus? Namumuti na rin ang ilang hibla ng buhok niya pero bakas pa rin
Busy ako sa pagtuturo kung paano babasahin ang salitang may tatlong syllables nang biglang "Saklolo! Nasusunog ang aming bahay!" sigaw ng isang babae kaya bigla kaming nagkalasan at napalingon sa kinaroroonan niya. Nagsitakbuhan naman ang mga tao para tulungan siyang apulahin ang apoy na patuloy na lumalaki. Shit! Ang layo ng kuhanan nila ng tubig. Mahihirapan silang patayin ang sunog."Lux!" tawag sa'kin ni Nina sabay hawak sa wrist ko. "Anong gagawin mo? Baka mapahamak ka---""Tumulong tayo! Bilis!" sabi ko sabay tingin dun sa dalawang Guardia na nakatayo lang sa tabi ng karwahe. Tsk! Tinawag ko sila at pinatulong sa pagpatay ng apoy. We need a lot of people here kasi malayo ang balon na igiban ng tubig."'Yung anak ko, nasa loob pa!" humahagulhol na sigaw ng ginang at parang mawawalan---nawalan na nga siya ng malay. Fuck!"Nasa loob 'yung anak niya! May pumasok na ba?" tanong ko dun sa mga kalalakihang abala sa pagbuhos ng tubig. Wala namang nangyayari
"Galit ka ba?" tanong ko kay Lino na nilalagyan ng something iyong sugat. Malamig iyon sa pakiramdam kaso mahapdi pa rin lalo na kapag natatamaan ng hangin."Ako? Galit?" kunot-noong tanong niya nang tingalain niya ako kaya tumango ako. "Hindi. Kahit kailan, hindi ako magagalit sa iyo. Maiinis, oo," aniya.Tumaas ang kilay ko pero agad din akong napangiwi. "Dahan-dahan lang, Lino," mahinang sabi ko at gusto ko sanang hawakan ang kamay niya para ilayo iyon pero pinigilan ko. Kung makaano naman kasi siya sa sugat ko, parang may galit siya sa'kin. Well, naiintindihan ko naman if he's mad at me."Pasensya na. Kung p'wede ko lamang kunin ang sakit nang hindi ka nasasaktan ngayon..." mahinang sabi niya na parang siya pa itong nahihirapan sa kalagayan ko. Sinaktan ko na nga siya nang sobra for almost a month pero ako pa rin ang inaalala niya.Nang matapos niyang linisin at gamutin ang sugat ko, lumabas na muna siya at ilang sandali pa ay bumalik din siya. Binigy
"N-nagkaayos na kayo?" nauutal na tanong ni Catalina habang tinuturo kaming dalawa ni Lino. Shemay! Ang dami nila! Bakit sila nandito?"Nais ka sana naming dalawin ngunit tila mali ang pagkakataon," ani Agustino na nakangisi ngayon at si Miranda naman ay bigla na lang umalis kasi nakita kong bumagsak ang mga luha niya. Anong ginawa ko? Okay na sana. Unti-unti na silang lumalayo."Hindi ba kayo marunong kumatok?" nakapoker face na tanong ni Lino pero bago pa sila sumagot, tinawag ko na si Nina para alalayan niya akong maglakad. "Sandali, Liwan," sabi pa ni Lino pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang hindi tinitingan sina Agustino at Catalina."Mon, anong nangyari?" tanong ni Catalina na mukhang nag-aalala sa'kin."Nabalitaan namin na ikaw raw ay nandito. Alam mo namang kapag tungkol sa pamangkin ng Gobernador-Heneral, madaling kumalat ang balita. Iniisip nila'y naghihimagsik na ang mga rebelde at ikaw ay nadamay na," sabi naman ni Agustino."Al
Nang matapos siya ay nabawasan kahit papaano ang sakit at hapdi. Nakakatawa. Ginagamot niya ako para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko habang siya, patuloy kong sinasaktan at pinalalaki ang sugat na meron siya."Sigurado ka bang hindi mo nais na manatili muna ako rito? Nang sa gayon ay matugunan ko agad ang iyong tawag," sabi niya habang inaayos naman ang mga gamit."Mukhang makakatulog naman na ako nito," sabi ko kaya bahagya siyang tumango at tiningnan ako."Bukas, maaaring sumakit na naman iyan tulad ngayon. Huwag kang masyadong maglalakad at gumalaw. Ipatawag mo agad ako at huwag ka nang mag-alinlangan, maaari ba 'yun?" nag-aalalang tanong niya."May doktor naman dito," sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya."Maaari mo siyang tawagin kung ano ang makabubuti sa iyo. Ngunit tiyak na ako lamang ang may kakayahang gawin ito sa iyo."Napatingin ako sa kanya habang nakakunot-noo at siya naman ay nakangiti. "Ang alin?"Nagkibit-bal
Nandito na kami ngayon sa klinika niya at kahit gabi na ay nanggagamot pa rin siya. Nasa labas lang din si Berto na hindi ko pa nakakausap. Kanina sa byahe ay tahimik lang ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi maprocess ng utak ko ang mga nangyari. Masyadong mabilis. "Saan naman ako mapapahamak?" tanong ni Lino na busy sa sugat ko. Ako naman, panay ngiwi. Naupuan ko kasi nang matumba ako kanina nang sampalin ako ng Gobernador-Heneral. Batid ko namang brutal ang mga tao ngayon lalo na ang mga magulang na minsan, pinaluluhod pa sa beans and salt ang mga anak nila kapag nagkakasala ang mga ito. Buti nga ako, sampal lang ang inabot ko. "Hindi mo dapat sinagot ang Gobernador-Heneral. Umalis ka na lang sana," sabi ko pa. Natawa siya nang kaunti at tiningnan ako sa mga mata. "Ano naman ang iyong pakialam kung ako'y mapahamak? Akala ko ba'y wala kang pakialam sa akin." "Lino... pagod na akong mandamay ng mga tao sa paligid ko. Tumigil ka na sana," sabi ko haban