Nandito na kami ngayon sa klinika niya at kahit gabi na ay nanggagamot pa rin siya. Nasa labas lang din si Berto na hindi ko pa nakakausap. Kanina sa byahe ay tahimik lang ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi maprocess ng utak ko ang mga nangyari. Masyadong mabilis.
"Saan naman ako mapapahamak?" tanong ni Lino na busy sa sugat ko. Ako naman, panay ngiwi. Naupuan ko kasi nang matumba ako kanina nang sampalin ako ng Gobernador-Heneral. Batid ko namang brutal ang mga tao ngayon lalo na ang mga magulang na minsan, pinaluluhod pa sa beans and salt ang mga anak nila kapag nagkakasala ang mga ito. Buti nga ako, sampal lang ang inabot ko.
"Hindi mo dapat sinagot ang Gobernador-Heneral. Umalis ka na lang sana," sabi ko pa.
Natawa siya nang kaunti at tiningnan ako sa mga mata. "Ano naman ang iyong pakialam kung ako'y mapahamak? Akala ko ba'y wala kang pakialam sa akin."
"Lino... pagod na akong mandamay ng mga tao sa paligid ko. Tumigil ka na sana," sabi ko haban
Ilang araw pa akong nanatili sa palasyo hanggang isang araw, nagising na lang ako na pinag-aayos ako ng Gobernador-Heneral dahil may kailangan daw kaming puntahan. Isoot ko raw ang pinakamaganda kong damit and such pero simpleng damit lang ang sinoot ko. "Saan po ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Kasama ko siya ngayon sa karwahe at madaling araw pa lang."Malalaman mo rin," nakangiting sabi niya."Bakit hindi niyo na lang po sabihin kung malalaman ko rin pala?" tanong ko pa kaya bahagya siyang natawa at sinabihan akong ang kulit ko raw. Maghintay na lang daw ako so hindi na ako nagpumilit hanggang sa makarating kami sa daungan ng mga barko. Ang daming taong naghihintay rito sa barkong papalapit na. Nandito pa ako sa loob ng karwahe pero grabe na ang kaba ko. Alam ko na 'to. Napahawak ako sa dibdib ko sabay tingin sa Gobernador-Heneral na masaya ngayon. "Salamat po," sabi ko na naluluha na ngayon kaya ngumiti lang siya at bahagyang tumango. "Nais niyo po ba akong sa
Ilang araw pa ang lumipas na nanatili kami sa Pilipinas. Akala ko'y makakaalis agad ako rito kapag dumating na sila pero ang dami pa palang errands ng magulang namin ni Ate Lluvia."Ano ba ang pakiramdam na nabuhay ka bilang isang lalaki?" tanong ni Ate Lluvia na inaayusan ako ngayon. Kanina niya pa inaayusan ang maikli kong buhok na kahit papaano ay unti-unti na rin namang humahaba."Mahirap po. May mga nakahalata agad," natatawang sabi ko kaya natawa rin siya."Sapagkat madaling mahalata, Lux. Sa mukhang ito, hindi kaduda-dudang isa kang magandang dilag," tawa niya sabay turo sa mukha ko. Too much compliments na. "Anong ginawa nila nang mahalata nila?"Gusto kong ik'wento iyong kay Lino. Iyong nagustuhan niya ako kahit lalaki ang tingin niya sa'kin. Para siyang napapraning nun tapos ang sungit niya sa'kin palagi. Lagi niya rin akong pinagagalitan at inaaway. Iyon pala'y nagkakaganun siya kasi iniisip niyang may kakaiba sa kanya. Na nagkakagusto siya sa
Ang tagal pa nilang nanatili sa balcony bago nila napagpasyahang umalis... ng magkahawak ang kamay. Sobrang sakit. Napaupo ako sa sahig kasi nanghihina na ang buong pagkatao ko. Tahimik akong umiyak mag-isa para walang makarinig sa'kin. Pakiramdam ko, isa akong kandilang nauupos sa bawat pagluha ko. Pakiramdam ko, isa akong liwanag na unti-unting humihina at namamatay. But I asked for this... I did fucking asked for this! Masaya dapat ako pero ang sakit talaga."Lux!" rinig kong tawag ni Ate Lluvia at agad niya akong nilapitan dito sa kinauupuan kong sahig. "Ano't umiiyak ka? Anong nangyari?" alalang tanong niya.Imbis na sumagot, hinatak ko siya palapit sa'kin at niyakap. Doon na ako humagulhol sa balikat niya. Hindi ko na kaya rito. Gusto ko na lang makalimutan ang lahat. Kung panaginip man 'to, sana magising na ako kasi ang sakit-sakit na. Ayokong maalala lahat ng ito. "G-gusto ko nang umuwi," umiiyak na sabi ko. Gusto ko nang umuwi sa panahon ko. Kahit nahihirapan
Pagkababa ko ay hinila na ako ni Ate Lluvia para makasakay na kami sa barko. Ang daming tao. Pagkaakyat namin, tiningnan ko muna ang mga tao sa baba. Maraming kumakaway gamit ang mga panyo nila. Hinanap ko ang karwahe ni Tito GH pero iba ang nakita ko."Lino..." mahinang sambit ko. Nakatingin din siya sa'kin mula sa malayo at nakasakay siya sa kabayo niya. Mukhang nagmadali pa siyang pumunta rito. Pero hindi na kami nagkausap pa. Mabuti na rin iyon. Baka magbago pa ang isip ko at masaktan lang namin ang isa't-isa."Hali ka na, Lux," tawag sa'kin ni Ate Lluvia kaya umiwas na ako kay Lino at pasimpleng nagpunas ng luha. Pilit din akong ngumiti kasi nakatingin silang tatlo ngayon sa'kin. Nasasaktan din sila sa nangyayari sa'kin pero hindi sila nagtatanong. Naghihintay lang sila na magk'wento ako.Simula nang lumayag ang barko, nakakulong lang ako sa k'warto namin ni Ate Lluvia. Nasa kabila naman ang Ama at Ina namin. Ang ganda ng room na ito. Mas maganda pa ito doo
Nginitian ko ang sarili ko bago lumabas ng silid ko. Malaki ang bahay na ito na tila ba nakatira ako sa isang mansyon. Alam ko na kung bakit umalis si Liwan–ayaw niya ng napakarangyang pamumuhay. Parang lahat ay isusubo na lang sa kanya. Noong mga unang taon ko kasi rito, lahat ng hilingin ko, binibigay nila. I want piano, they bought me one. I want guitar, they bought me too. I said I want to have a business that I could run, binigyan nila ako. Everything! Para bang isusubo na lang sa'kin ang lahat. Mayaman kasi ang family ni Liwan. May sarili rin silang malaking ospital dito at doon talaga nakatoon ang pansin nila.Dumiretso ako sa Light Resto na siyang pinatayo ng parents ni Liwan for me. Tinutulungan ako rito nina Ate Lluvia lalo pa't may alam din sa negosyo si Kuya Quen; asawa niya. Doktor iyon na nagtatrabaho sa ospital namin. Namin? Ospital nina Liwan."Señora," sambit ng manager ng resto pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa pinto ng restaurant. M
"Lux?" tawag sa'kin ng aking Ina kaya natigil ako sa paggigitara at napatingin sa kanya. Nandito ako sa sala ng bahay, nagpapalipas ng oras para antukin na. "Hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya pa sabay upo sa sofa dito sa tabi ko. Ang laki ng bahay pero sobrang tahimik kaya tumutugtog ako para magkaroon man lang ng musika rito."Nagpapaantok lang po. Kayo?" we usually speak in Tagalog because I used to it and I really wanted to feel at home whenever I'm home. I just wanted to be comfortable and they gave that to me. Nag-adjust sila para sa'kin."Matutulog na rin. Nakita mo na ba ang liham ng iyong Tiyo?" Tumango ako. "Nais mo bang bumalik?""Hindi ko pa po alam," sabay strum ng gitara para mabaling na sa iba ang usapan namin. For sure, pipilitin niya rin akong bumalik dun. Ayoko pa rin.Ilang araw rin nila akong pinasisimplehang piliting pumunta sa Pilipinas pero hindi nila sinasabi sa'kin ng direkta. Kinokonsensya nila ako na kawawa naman daw si Tito
Nagtungo ako sa gilid ng barko, sa may railings. Gabi na at sobrang hangin din kaya nilalamig ako lalo pa't nasa gitna pa rin kami ng karagatan."Hindi niya talaga ako nakilala?" hindi makapaniwalang tanong ko. Samantalang siya, kahit malaki ang pinagbago niya, mukha na talaga siyang daddy tingnan, nakilala ko pa rin siya. Lumaki ang katawan niya at nagmature lahat sa kanya pero ang gwapo niya pa rin. I mean, ang hot pa rin. At may anak na sila. Ang laki na. Wow! Bakit ang bilis? Teka, bakit hindi niya ako nakilala? Malaki na rin ba ang pinagbago ko? Sabagay, mahaba na kasi ang buhok ko at malaki rin ang pinagbago ng mukha ko.O baka talagang nakalimutan niya na ako nang tuluyan...Dapat ay maging masaya ako dahil nakalimut na siya. Bumalik na sa tamang takbo ng tadhana ang lahat pero heto na ako, kumuha ng wine at nagmumukmok na naman sa isang gilid ng barko kung saan walang dumadaang mga tao.Namimiss ko na si Lino. Araw-araw siyang sumasagi sa isipan k
"Bakit po itim? Baka magalit ang Gobernador-Heneral," sabi ni Nina na tinutulungan akong isoot itong damit. I don't have a choice but to wear this dress kasi wala akong nabili kahapon. Natakot ako na baka makasalubong ko pa si Lino at ma-snob na naman ako. Baka lalo akong maawa sa sarili ko kapag si Miranda pa ang nagpaalala kay Lino na ako si Liwan. Aist! "Ayos lang po ba kayo?" tanong pa ni Nina kasi hindi ako nagsasalita. Kanina pa masama ang tingin ko sa sarili ko dito sa salamin. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip kina Miranda at Lino. Naiimagine ko tuloy na twice sila nagsex. Gosh!"Ninaaa!" ngawa ko sabay upo sa kama. Naiiyak na naman ako. Ang tanda-tanda ko na, naiiyak pa rin ako kakaoverthink. Hanggang ngayon, overthinker pa rin ako."Bakit, Lux? Ano ba talaga ang iyong problema?" kinakabahang tanong niya.Huminga ako nang malalim at muling tumayo para ayusin ang damit kong itim. "May asawa ka na ba?" tanong ko kaya bahagya siyang ngumiti a