"Kami na muna ang magbabantay sa kanya. Masyado mo nang inaabuso ang iyong sarili," rinig kong sabi ni Miranda.
"Hihintayin ko siyang magising," tugon ni Lino kaya napangiti ako at unti-unting minulat ang mga mata. Hindi gaanong maliwanag pero nakita ko pa rin si Lino na nakatingin din pala sa'kin. Gulat na gulat siya nang makita ako. Nanghihina pa rin ang buo kong katawan. May tali ang kanang braso ko. "Liwan," sambit niya sabay lapit sa'kin at tiningnan lang ako, parang hindi siya makapaniwalang nagising ako. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya pero bago pa man iyon tumulo ay niyakap niya na ako kaya napadaing ako sa sakit. 'Yung braso ko. "Pasensya na. Nananabik lamang ako sa iyo," naiiyak na sabi niya habang nakangiti. "Uminom ka muna ng tubig," aniya sabay abot sa'kin ng baso ng tubig. Tinulungan niya akong makaupo at saka ako uminom. Alam niya bang nanunuyo ang lalamunan ko? Oo nga pala, he's a Doctor.
Pero hindi siya ang doktor ko ngayon. Kinausap ako ng
"Bakit hindi mo na lamang sinabi sa kanya na maaari ka niyang dalawin?" tanong ng Gobernador-Heneral Dela Trinidad. Huminga ako nang malalim kahit ang lamig sa kinaroroonan namin. Nakasakay kami sa barko papuntang Maynila. Sobrang tagal ng byahe. Tatlong araw? Hindi ko na rin namamalayan dahil palagi akong nakakulong sa inukupang silid ng Tito ni Liwan. Hindi ko nga napansin na iyon pala ang pinakamahal na k'warto sa barkong ito dahil palagi ko lang naman iyon iniiyakan. Mababaliw yata ako rito. "Mahal ka ng Doktor Fuentes na iyon, nakikita ko," dagdag niya nang hindi ako sumagot. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa kalawakan ng dagat na nakapaligid sa barko. Gusto kong isipin na nasa Titanic ako kasi ngayon lang yata ako nakasakay sa barko na ganito katagal ang byahe pero wala naman ang Jack ko. Wala si Lino..."Sapat na po bang rason na mahal ko siya para hindi siya iwan?" tanong ko. Napangiti siya at huminga rin nang malalim. Hindi niya ako tiningnan.
Ilang araw ang lumipas na nakakulong lang ako sa k'warto ko. Ni hindi ako lumalabas. Sinubukan kong basahin iyong mga librong wikang Kastila at tungkol sa mga batas militar, kasaysayan ng Espanya sa Pilipinas, kung paano nila isinulat doon kung gaano kaganda ang pamamalakad dito. Kung ano ang kanilang mga naitulong. Lalong sumasakit ang ulo ko. Puro kasinungalingan. Hindi nakalagay kung gaano kasakit at karumaldumal ang dinaranas namin dito.Hindi nakalagay kung paano nila itrato ang mga tao rito. Ang iba, pinagtatratabho ng walang bayad, hayop kung ituring, ginagawang parausan, pinapatay ng walang pakundangan, hindi pantay ang edukasyon. Kapag mahirap, hindi nakakapasok sa eskwelahan. Hindi marunong magbasa ang ibang Pilipino. Iyong mga bata, dapat nasa school sila at nag-aaral pero hindi. Nagtatrabaho na sila sa murang edad nila. Ginagawa iyon ng pamahalaan dahil takot silang maging edukado ang mga Pilipino. Takot sila sa matalinong mamamayan. Dahil kung matalino ang mamama
"Kahit ano, Lux. Nais kong makatulong. Sabihin niyo lamang," excited na sabi niya. Humugot muna ako ng lakas bago ko sinabi sa kanya ang lahat. Mukhang gusto niya biglang umatras."Baka ikapahamak niyo," bulong niya habang nakaupo na ngayon sa tabi ko at nandito kami sa loob ng karwahe. Hindi hinihigpitan ng Gobernador-Heneral ang mga nakabantay sa'kin. Actually, gusto niya nga akong lumabas sa silid ko at magliwaliw naman. Naaawa na yata siya sa'kin."Hindi ako magtatagal," sabi ko at saktong tumigil na ang karwahe malapit sa bahay nina Lino. Tahimik na ang lugar, wala ng katao-tao sa paligid at malamig na rin ang simoy ng hangin. Summer na kasi. Mainit sa umaga pero malamig kapag gabi."Lux, baka mahuli tayo," sabi niya pa pero hindi ko na siya inintindi. Kailangan niya lang namang sumunod sa plano kung ayaw niyang mahuli kami. Sinabi ko sa kanya na hindi ako p'wedeng magpakita sa Tatay at Ninong ni Lino. Si Lino lang ang gusto kong makita. Pero hindi ko sinab
"Gaano po ba katagal ang byahe galing Espanya papunta rito?" tanong ko sa Gobernador-Heneral na ngayon ko na naman lang nakausap. Kasalukuyan kaming nagbibreakfast."Nananabik ka na bang makasama sila?" tanong niya kaya tumango ako. Hindi siya palangiti. Ang sungit ng mukha niya pero mas komportable ako dun. Ayoko sa mga lalaking panay ang ngiti. Parang gusto ko silang bangasan ng mukha kasi kinikilabutan ako. "Ilang buwan pa mula ngayon ay makikita mo na sila. Upang hindi ka mainip, mamasyal ka sa labas, pababantayan naman kita sa mga Guardia Civil. Isama mo ang nais mong isama. Puntahan ang nais puntahan. Hindi maganda para sa iyo ang palaging nag-iisa, Lux."Bahagya lang akong tumango at nagpatuloy na sa pagkain. Sinasabi niya lang 'yan kasi iyan din ang mungkahi ni Lino sa kanya. Gusto ko na lang makaalis sa Pilipinas para makalayo na ako kay Lino at tuluyan na siyang makamove on. Mahihirapan na siyang masundan ako sa Espanya. Kung susundan niya ako roon, tiyak na
"Sigurado ka ba rito, Lux?" tanong sa'kin ni Tito GH na kaharap ko na ngayon sa tarangkahan ng Malacañang. Pareho na kaming nakabihis for party pero siya–palagi namang ganyan ang bihis niya. Iba-iba lang ng tabas pero same color. Palagi ring dala ang medals.Tumango ako at huminga nang malalim. Nasa likod ko si Nina na kanina pa ako kinukumbinsi na huwag na raw kaming tumuloy lalo pa't hindi pa maayos ang aking pakiramdam. Nalaman din ni Tito GH ang nangyari kaya sinisigurado niyang hindi ako napipilitan lang. "Sigurado po ako," diretsong sagot ko. Hindi naman ako gagawa ng isang desisyon kung hindi ako sigurado.Wala na silang nagawa kundi maglakad na palabas. Magkaiba ang karwaheng sinakyan namin. Nauna ang karwaheng sinakyan niya. Papalabasin namin na hindi kami magkasama total hindi pa naman ako kilala ng mga tao rito. Hindi naman nila nakita ang mukha ko noong bumaba ako sa barko kasama ang Gobernador-Heneral kaya hindi ako tanyag dito maliban sa pang
Lalong kumunot ang noo niya at hindi siya naniniwala sa mga pinagsasasabi ko. "Kung parte iyon ng plano mo, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa Gobernador-Heneral?" hindi makapaniwalang tanong niya."Nawalan ako ng alaala, Agustino. Tingin mo, kilala ko siya nang makarating ako sa San Adolfo? Ako lang ang meron ako nang mga panahong 'yun kung kaya't kailangan kong maging matalino sa mga desisyon ko. Kung kailangan kong manggamit ng tao, gagawin ko, mabuhay lamang!" habang sinasabi ko ang mga iyon, pasikip nang pasikip naman ang dibdib ko. Sana hindi niya mapansin na hirap na hirap na akong huminga. Sana hindi niya mapansin ang panginginig ng boses ko."Nagsisinungaling ka," mahina at umiiling na sabi niya sabay tawa nang mapait kaya ako ang napangisi kahit malapit na akong umiyak. Kitang-kita ko na nasasaktan siya sa mga pinagsasasabi ko. Pero kailangan ko 'tong gawin para lumayo na sila. Ayoko ng mandamay pa ng tao. Bumalik na sana sila sa dati nilang buhay. H
Nandito ako sa bintana, nakadungaw, naghihintay sa pagbabalik ni Lino. Araw-araw ko pa rin siyang inaabangan at araw-araw pa rin siyang nag-papadala ng sulat. Agad akong nagtago sa malaking pulang kurtina nang makita ko na ang karwahe niyang paparating. Ang lakas na naman ng kaba ko nang bumaba siya roon. Si Berto rin ang nagmamaneho ng karwahe.Sa totoo lang, lalong gumagwapo si Lino lalo na kapag nakaputi siyang damit. Ang linis niyang tingnan. Ang bango niyang tingnan. Minsan na akong sumilip sa klinika niya at nakita kong maraming tao roon. May mga nakakatulong naman siya sa trabaho niya kaya napanatag na ang loob ko. Lalaki ang mga nandun. Mukhang puro kalalakihan lang talaga ang hinahanap nilang aplikante. Tsk!Hindi ko maiwasang mapangiti kapag nakikita ko si Lino pero nasasaktan din ako kasi hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Miss ko na ang mga ngiti niya. Kailan ko kaya iyon muling masasaksihan?Hindi nagtagal si Lino. Agad din siyang naglakad pabalik
Pagkarating namin sa bahay este Palasyo ay nagpalit ako ng mas simpleng damit kaso magaganda pa rin ito e. Dapat pala, naging attentive ako noong bumibili kami ng mga damit ni Nina. Nang mga panahon kasing iyon ay kakarating ko lang sa Maynila at sobrang bigat pa ng kalooban ko."Mapapagalitan po tayo," sabi ni Nina nang sabihin kong gusto kong bawasan ang mga Guardiang pinapasama ni Tito GH. From 8, gusto kong bumaba ito sa dalawa lang."Sundin mo na lang ako. Ako na ang bahalang magpaliwanag," sabi ko habang pinapaalis ang anim na Guardiang nasa labas ko at nandito na kami sa labas ng gusali."Mawalang galang na po, Señorita Lux," singit ng mayordoma na siyang humahandle sa mga kasambahay dito at sa iba pang tauhan ng Malacañang maliban sa may matataas na posisyon. "Ngunit kami naman ang mapaparusahan kung hindi namin siya susundin," dagdag niya. Matanda na siya. Siguro nasa 50 plus? Namumuti na rin ang ilang hibla ng buhok niya pero bakas pa rin
"You told me to ask about Lucio Dela Sierra," ani Fourth kaya napatingin ako sa kanya.Parehong namumuo ang mga luha namin. Ako, pabigat nang pabigat ang dibdib ko."He's one of our grandparents and he's the owner of that ring. I called Lolo, Dad's father, and I asked him about Lucio Dela Sierra. How did you know about him?" he asked me.Napangiti lang ako at umiling. Muntik ko nang paghiwalayin sina Miranda at Lucio kasi akala ko, sila talaga ni Lino ang nakatakda. Kung nagkataon, sina Third pala ang mawawala."Why are you giving that ring to Lemon if that belongs to Lolo Lucio?" Lui asked.Ngumiti ulit ako habang si Fourth ay naguguluhan na. "Binigay 'to ng isang babae kay Lucio, tama ba?" tanong ko na tinanguan ni Fourth."Liwan?" tanong ni Fourth pero hindi ako kumibo. "That's her name, according to Lolo but how did you know?""Bakit sinabi mong akin 'to?" tanong ko pa sabay punas ng luha."Actually, pinasangla raw 'yan nun
Nagpaalam ko kay Mama na pupunta ako sa bahay nina Third kasi gusto ko na talaga siyang madalaw. Ang dami kong kuwento sa kanya kahit alam kong hindi niya naman na ako maririnig. Naninibago rin ako sa labas kasi ngayon lang ulit ako makakalabas matapos ang ilang buwang pagkukulong sa bahay."What are you doing here?" tanong ko nang makasalubong ko si Lui papasok ng bahay nina Fourth. Nagulat pa siya nang makita ako.Siguro kasi, mukha na akong zombie sa laki ng eyebags ko. Because I can't sleep while thinking a lot of things. Kailangan ko pang magtake ng sleeping pills."To see you too?" Lui said, confused. "Seriously, we miss you, Lemon," nakangiting sabi niya pa kaya bahagya akong natawa."Palagi kang tumatawag. 'Di ka ba nag-sasawa?" nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok at sinalubong kami ng ilang kasambahay. For sure, panay kulit lang sa'kin si Lui dahil ganun naman si Third, binibilin niya ako sa mga kaibigan niya."Who would, though? Ang s
Ang dami kong tanong at hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero sa tingin ko, mas mapapabilis ako kung hahanapin ko muna si Tito GH online. Of course, he will be part of the Philippine history at gulat na gulat ako nang malamang totoo nga siya. Pero buhay niya lang ang nalaman ko.Walang tungkol kay Liwan o Lux.Hindi ba ako totoo? Gosh!Tumigil lang ako sa pagreresearch nang makipagvideo call naman sa'kin si Lolo, tatay ni Papa and he's in Spain."Hi, Lolo!" bati ko nang sagutin ko ito. Sumandal ako sa swivel chair ko at pilit na ngumiti. He's nice naman pero hindi kami ganun kaclose.Ngumiti siya at kumaway. Matanda na si Lolo pero nakakalakad pa naman. Bibihira lang ito makatawag sa'min. Kung tatawag man, para lang mangulit na doon na kami tumira sa Spain. Wala kasing mamamahala ng ospital dun na maiiwan niya kundi si Papa. E, I prefer to stay here pa naman. At si Mama, nandito rin ang trabaho niya."Hi, Lemon! How are you there?" he
"Anyway, magsisimula na," pagbabago ng usapan ni Misty kasi nahalata niya yatang hindi ako komportable. Day by day, nagiging matalas ang pandama ni Misty sa mga kaibigan niya."Oh? Napanood ko na 'yan e," natatawang sabi ni Jack nang mag-simula na ang palabas. U and Me 4ever ni Torn. Hindi ko pa 'yan natapos. Usapan namin ni Third, sabay naming tatapusin iyan bilang suporta na rin kay Torn. Pero wala na siya. Parang hindi ko kayang tapusin."Maganda 'yan. Natapos mo na, Lemon?" tanong sa'kin ni Ate Aida kaya umiling ako habang nakatingin sa screen.Iba pa rito ang itsura ni Torn. Mas naging macho siya tingnan ngayon kaysa noon. Nakita ko kasi siya noong nagvideo call kami."Panoorin mo. Nakakakilig daw. Hindi ko pa natapos," dagdag ni Ate Aida.Pilit akong ngumiti at tumango kahit na nagfaflash back sa'kin ang moment namin ni Third noong sinabayan namin sina Torn sumayaw then we turned off the TV and began dancing with our background music moon riv
Nandito ako sa sala, nakaupo sa couch habang nakataas ang dalawang paa. Tinawagan ko si Torn pero matagal bago niya sinagot. Busy siguro. Nagulat pa siya nang makita ako. Nakikita ko sa likod niyang maraming tao. Fans ba 'yun? Nakafacemask and faceshield silang lahat."Lemon! Is this real?" gulat niyang tanong. Malamang, nagtataka siya kung bakit ilang buwan ko siyang hindi tinawagan. Alam niya na kaya ang nangyari kay Third?Pilit akong ngumiti at tumango. "How are you? I think you're busy there," sabi ko kasi ang daming tao sa bandang likod niya. Ayoko namang makaabala."Not that much. So how are you? You were not sending me any message for months," natatawang sabi niya. Mukhang wala nga siyang alam sa nangyayari."I'm sorry. There's a lot of happenings these past few months," napapakunot-noong sabi ko na lang. Tumayo ako at naglakad papunta sa pool area because I need to breath. "This is weird but if you're busy, just tell me. I can---""Say it,
"Ako na diyan, Lemon," rinig kong sabi ni Ate Aida at hindi na rin ako kumontra pa.Hinayaan ko na lang siyang ipagtimpla ako ng gatas. Kami lang ang nandito sa kusina. Si Ate Amy kasi, umuwi na muna noong nagkaroon ng balik-probinsya program at nag-paiwan si Ate Aida at Kuya Leo."Buti naman, nakalabas ka na," sabi ni Ate Aida sabay abot sa'kin ng basong may gatas. Naupo ako sa mataas na upuan at pilit na ngumiti. "Kamusta?" tanong niya pa.Napayuko ako at nagkibit-balikat. Ilang araw na rin pala akong nagkukulong sa k'warto ko kasi hindi ko matanggap ang nangyayari. Wala talaga si Third. Nakausap ko ulit si Doctor Montelibano na Doctor pala sa ospital nina Fourth. Tinawagan niya ito noong gabing nagbreak down ako sa harap nila ni Lui.Sabi ni Doc, normal lang naman daw na magbreak down ako pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko sa mga impormasyong nakukuha ko para hindi ako nabibigla lalo pa't kakagising ko lang. But what can I do?I asked f
May mga bagay na akala natin, nagtapos na. Iyon pala'y panibagong simula na naman ang kahaharapin natin. Minsan, nakakapagod na rin ang paulit-ulit pero may pagpipilian naman tayo kung gusto nating ituloy, baguhin o tapusin ang bagay na iyon.Habol hininga ako nang tuluyan akong magising. Pakiramdam ko, sobrang tagal kong hindi huminga. Napaubo pa ako at gusto ko man maupo, hindi ko magawa dahil sobrang nanghihina ang buong katawan ko. Parang ngayon lang ako nagkaroon ulit ng buhay matapos ang napakahabang pagkakahimlay."Miss Lemon!" sambit ng isang babae na hindi ko na napagmasdan nang maayos kasi nanlalabo pa rin ang paningin ko at muli na naman akong nakatulog.Nang magising ulit ako, kalmado na ang heartbeat ko, parang maayos na ulit. Wala na iyong maiingay na tunog kanina na nagmumula yata sa mga makina."Lemon," sambit na naman ng isang babae. Matagal ko siyang tinitigan kasi nanlalabo pa ang paningin ko. "My God, you're now finally awake," nag-aal
"¿Crees que soy estúpida?" (Do you think I'm stupid?) galit na tanong ko kaya napapikit na naman siya. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Vino sa kamay ko. "Bitawan mo 'ko, Vino," mahinang sabi ko nang hindi inaalis sa lalaki ang mga tingin ko."Hindi magugustuhan ni Lino kapag nadungisan ng dugo ang mga kamay mo," pagpapakalma niya sa'kin."Wala siya rito. Kaya gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin," sabi ko pa. "Ahora dime, ¿fue Romano?" (Now tell me, was it Romano?) pansin kong natigilan iyong lalaki pero bumalik pa rin siya sa pag-arte. Imposibleng si Kuya Quen kasi si Romano ang nakakasama niya. "Ayaw mo talagang magsalita ha. Napipikon na ako sa'yo," inis na sabi ko kaya ididiin ko sana iyong bote sa panga niya pero tumingala siya."¡Bien bien! Te diré. ¡Es Romano! ¡Solo prométeme que nos protegerás a mí y a mi mamá!" (Okay, okay! I'll tell you. It's Roman
Hindi ko na namalayan na sa paglipas ng mga araw at patagal nang patagal ang paghahanap namin ni Vino sa pumatay kay Lino, tuluyan ko na ring nakikilala sina Kuya Quen at Romano. Napapadalas din ako sa pagsama kay Ama sa ospital.Ang palusot ko, gusto kong gawing busy ang sarili ko pero ang totoo, kailangan kong pagmasdan ang kilos nina Kuya Quen at Romano na nandun din pala sa ospital namin nagtrabaho. Doon na siya nalipat.Hindi kasi alam nina Ama at Quen kung bakit ko sinuntok noon si Romano.Dahil sa ginagawa ko, nagiging close na kami ni Ama. Para niya na akong assistant doon pero hindi regular because I need to go to my resto. Nakilala ko na rin si Kuya Quen na mukhang pure ang pinakikita sa'min.Si Romano, ewan ko ba pero parang nilalapit niya ang sarili niya sa'kin. Parang sinasamantala niyang wala na si Lino. Kaya nagdududa talaga ako sa kanya. Umpisa pa lang, duda na ako sa kanya. Noon pa man, madalas na siya sa resto ko. Parang stalker but I ch