Ilang araw ang lumipas na nakakulong lang ako sa k'warto ko. Ni hindi ako lumalabas. Sinubukan kong basahin iyong mga librong wikang Kastila at tungkol sa mga batas militar, kasaysayan ng Espanya sa Pilipinas, kung paano nila isinulat doon kung gaano kaganda ang pamamalakad dito. Kung ano ang kanilang mga naitulong. Lalong sumasakit ang ulo ko. Puro kasinungalingan. Hindi nakalagay kung gaano kasakit at karumaldumal ang dinaranas namin dito.Hindi nakalagay kung paano nila itrato ang mga tao rito. Ang iba, pinagtatratabho ng walang bayad, hayop kung ituring, ginagawang parausan, pinapatay ng walang pakundangan, hindi pantay ang edukasyon. Kapag mahirap, hindi nakakapasok sa eskwelahan. Hindi marunong magbasa ang ibang Pilipino. Iyong mga bata, dapat nasa school sila at nag-aaral pero hindi. Nagtatrabaho na sila sa murang edad nila. Ginagawa iyon ng pamahalaan dahil takot silang maging edukado ang mga Pilipino. Takot sila sa matalinong mamamayan. Dahil kung matalino ang mamama
Last Updated : 2022-01-29 Read more