Share

Chapter 38

Pagkababa ko ay hinila na ako ni Ate Lluvia para makasakay na kami sa barko. Ang daming tao. Pagkaakyat namin, tiningnan ko muna ang mga tao sa baba. Maraming kumakaway gamit ang mga panyo nila. Hinanap ko ang karwahe ni Tito GH pero iba ang nakita ko.

"Lino..." mahinang sambit ko. Nakatingin din siya sa'kin mula sa malayo at nakasakay siya sa kabayo niya. Mukhang nagmadali pa siyang pumunta rito. Pero hindi na kami nagkausap pa. Mabuti na rin iyon. Baka magbago pa ang isip ko at masaktan lang namin ang isa't-isa.

"Hali ka na, Lux," tawag sa'kin ni Ate Lluvia kaya umiwas na ako kay Lino at pasimpleng nagpunas ng luha. Pilit din akong ngumiti kasi nakatingin silang tatlo ngayon sa'kin. Nasasaktan din sila sa nangyayari sa'kin pero hindi sila nagtatanong. Naghihintay lang sila na magk'wento ako.

Simula nang lumayag ang barko, nakakulong lang ako sa k'warto namin ni Ate Lluvia. Nasa kabila naman ang Ama at Ina namin. Ang ganda ng room na ito. Mas maganda pa ito doo

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status