Share

Chapter 36

Ilang araw pa ang lumipas na nanatili kami sa Pilipinas. Akala ko'y makakaalis agad ako rito kapag dumating na sila pero ang dami pa palang errands ng magulang namin ni Ate Lluvia.

"Ano ba ang pakiramdam na nabuhay ka bilang isang lalaki?" tanong ni Ate Lluvia na inaayusan ako ngayon. Kanina niya pa inaayusan ang maikli kong buhok na kahit papaano ay unti-unti na rin namang humahaba.

"Mahirap po. May mga nakahalata agad," natatawang sabi ko kaya natawa rin siya.

"Sapagkat madaling mahalata, Lux. Sa mukhang ito, hindi kaduda-dudang isa kang magandang dilag," tawa niya sabay turo sa mukha ko. Too much compliments na. "Anong ginawa nila nang mahalata nila?"

Gusto kong ik'wento iyong kay Lino. Iyong nagustuhan niya ako kahit lalaki ang tingin niya sa'kin. Para siyang napapraning nun tapos ang sungit niya sa'kin palagi. Lagi niya rin akong pinagagalitan at inaaway. Iyon pala'y nagkakaganun siya kasi iniisip niyang may kakaiba sa kanya. Na nagkakagusto siya sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status