Home / Romance / Beyond The Lines / Chapter 221 - Chapter 230

All Chapters of Beyond The Lines: Chapter 221 - Chapter 230

272 Chapters

Kabanata 220

The night before our departure, naipon kaming lahat sa bahay. Iyong mga sasama sa isla kabilang na ang pamilya ni Luke, sina Tiya Marga, si Venus, ang pamilya Clausen, at kami. Halos mapuno ng luggage nila ang parihabang mesa sa sala. Hindi na kami nag-abalang magprepare ng silid para sa mga gamit na ito dahil mamayang madaling araw ay aalis na kami. Before 7am bukas nang umaga, ayon kay Russel, ay nasa isla na kami kung maayos ang daloy ng trapiko. “Who will be staying there for one week?” asked Luke in the middle of their conversation. “I'm up for it,” ani Madeley. There's a slight hint of excitement in her face. Nang dumating sila rito'y siya talaga ang una kong hinanap. Madali ko naman siyang na-approach dahil siya ang unang bumaba ng sasakyan. Isang sasakyan lang ang dala nila. Madeley didn't bring her car. Nang tanungin ni Russel kung bakit, sagot niya'y tinatamad siyang magmaneho at mabobore lang siya kung wala siyang sakay sa byahe. Sa napag-usapang pagiging ilag ni Madeley
Read more

Kabanata 221

Natupad ang hiling kong sana'y maluwag ang kalsada. Bago pa man pumatak ang alas syete nang umaga ay nakarating na kami. Ilang liko at ilang mahahabang lupain ang inikot namin bago tuluyang nakapasok sa bukana ng isla. May daanan ang sasakyan sa paloob na gubat kung saan kami pumasok. Patag ang gubat na nagpoprotekta at nagtatago sa isla kaya hindi mahirap ang daan. Maihahalintulad ko iyon sa isang diretso at mahabang rancho. Sa luwag ng daan ay pwedeng magsabay ang dalawang sasakyan.We were welcomed by different species of plants, tall trees and even some animals. May namataan akong ilang mga unggoy na nagpapalipat-lipat at nagtatalunan sa mga sanga ng puno. Habang mabagal na umuusad ang sasakyan ay tila sinusundan kami ng mga unggoy, naglalayag sila sa hilera ng mga puno.“Look, Mama! There are monkeys!” bulalas ni Alias. Nilingon ko siya sa backseat kung saan magkatabi sila ni Nanay. Naalarma naman ang huli nang biglang tumayo si Alias upang mas matanaw ang mga hayop.“Maupo ka, A
Read more

Kabanata 222

Isang liko pa matapos ang mahabang pathway, natanaw ko na ang malaking karatulang nakasabit sa isang puno na nagsasabing nasa bukana na kami ng sentro. Wala pang isang minuto'y nakapasok na ang sasakyan sa magandang entrance. Napalilibutan ng mga ligaw na baging ang karatula dala ng mahabang paglipas ng panahon. It looked like a mystical place. Nagmistula itong isang islang ngayon pa lamang madidiskubre.Nang malagpasan namin ang mga punong pinanggagalingan ng mga nakaladlad na baging, tuluyan na kaming nakapasok sa isla.Ang asul at malawak na karagatan ang sunod na bumungad. Sa huling pagkakataon ay lumiko ang sasakyan at napasinghap ako nang masilayan ang isang malaking vacation house, nakatayo sa hindi kalayuan. Sa gilid nito'y mayroon ding malawak at malaking garahe na mukhang sadyang pinagawa para sa mga Clausen. Nakahilera na roon ang apat na sasakyan. Ipinarke ni Russel ang sasakyan sa tabi ng kay Daimler.“Dahan-dahan ka, Usher,” paalala ni Nanay nang nagmamadali itong bumaba
Read more

Kabanata 223

Kulang ang isang oras na pagtunganga ko sa balkonahe para damhin ang kagandahan ng lugar na ito. Tapos ko nang ilagay sa kabinet ang mga damit na gagamitin pati na rin ang mga anik-anik. Gusto ko pa sanang tumambay sa kwarto at pagsawaan sa balkonahe ang tanawin ngunit kailangan kong kumilos dahil marami kaming gagawin. 'Di bale, isang linggo naman kami rito kaya talagang susulitin ko ang bawat oras.Kinailangan naming bumaba para ayusin ang mga kagamitan kinahapunan. Sabay-sabay kaming nag-lunch kanina at halos hindi ako nakasabay sa usapan sa hapag.Pagkatapos magmeryenda, sinimulan na namin ang pagsasalansan ng mga gagamitin. May mga gamit naman dito pero kulang sa gagawing preparasyon. Since ang mga tagapangalaga lang naman ang nananatili rito, walang masyadong gamit, iyong mga pangunahing kagamitan lang sa kusina para sa pang-araw-araw nila. Ang kagandahan talaga ay ang regular nilang paglilinis dito para hindi magluma at manatiling matibay. Kahit walang nakatira, mukhang buhay na
Read more

Kabanata 224

Isang araw bago ang opisyal na pagganap ng selebrasyon, inilaan namin ang buong maghapon sa paglibot sa isla. Ang mga kalalakihang sina Luke, Daimler, at Russel kasama ng dalawang hardinero ay sumama sa laot para dagdagan ang mga isdang lulutuin bukas at kami namang mga kababaihan ay gumala sa kagubatan upang tingnan ang mga alagang hayop nila rito. Namamangha pa rin ako sa tuwing naaalalang si Senior Clausen ang nagpalagay ng mga hayop rito upang mas mabuhay ang kagubatan.Sina Sir Ridley, Ma'am Navi, Madeley, Tiya Marga, si Nanay at Alias ang mga naiwan sa bahay. Naroon din ang dalawang katiwala. Hindi ko talaga pinasama si Alias kahit gustong-gusto niya sanang sumama. Bukod sa hindi rin sya pinayagan ni Russel, naisip kong delikado kung isasama namin siya. Bagama't malinis ang daan ng gubat at katamtaman lang ang taas ng mga damo, mas maiging kaming matatanda na lang ang maglayag dito.However, napapayag ni Lionel ang parents niya kaya heto, kasama namin nya. Ilang minuto na kaming
Read more

Kabanata 225

The night before Alias' birthday, we spend the time preparing everything. We prioritize the food and beverages since these would be the main thing. Kung tutuusin ay kaunti lang naman kaming magdiriwang. Walang inimbitang ibang tao ni isa sa amin kaya ang nangyari'y doble ang dami ng pagkain kaysa sa mga kakain.“There are people in the next island. Can't we invite them?” Nakatanaw si Madeley sa dagat, nakakrus ag mga braso.“Hindi ko alam kung papayag si Russel. We will ask him,” I answered. Rinig na rinig ang boses kong pumailanlang sa katahimikan. Tinalo ng liwanag ng buwan ang mga ilaw rito sa terasa. Kumikintab ang tubig at sumasabay ito sa banayad na alon ng dagat. Tanaw ko't kitang-kita ang linaw ng tubig sa tulong ng liwanag ng buwan. Tahimik ang kapaligiran. Tanging ang ligaw na huni ng mga insekto at ibon ang nauulinigan kong nagmumula sa kagubatan. Bagama't maliwanag ang paligid ay hindi ko na maaninag ang nasa parteng malayo. We're having a coffee break here in the terrac
Read more

Kabanata 226

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Sumalubong sa paningin ko ang liwanag mula sa glass doors. Humuhuni ang mga ibon sa labas at kita ko ang pagsasayawan ng mga dahon sa mabining haplos ng hangin. Kinusot ko ang mga mata ko upang mabawasan ang panlalabo ng paningin. I glanced at my wristwatch and the clock says it's 6 in the morning. Saglit akong napatitig sa kisame at nang maalala kung gaano kaespesyal ang araw na ito'y unti-unti akong napangiti. Sunod ay bumagsak ang tingin ko sa matipunong brasong nakayakap sa aking tiyan. Nang gumalaw ako nang kaunti'y mas lalo lang itong bumigat. Nilingon ko si Russel at nakitang mahimbing pa rin ang tulog na tila ayaw pang magpa-istorbo. His pouty lips is the first thing I noticed. Next is his long curvy thick eyelashes.“Wake up, Russel. The Sun is rising,” mahinang saad ko habang marahang tinatapik ang kaniyang mukha. Kasabay ng pag-ungot niya ang pagkunot ng kanyang noo ngunit hindi naman siya nagising. Sa halip ay lalo siyang nagsumiksik
Read more

Kabanata 227

Nagsimula ang opisyal na pagdiriwang nang kantahan namin si Usher. Suot ang ternong polo at maong pants na pinormahan ng puting sapatos, lumapit siya sa amin, saka siya napalibutan at sinimulang kantahan. Simula pa kaninang umaga nang magising kami't bumati sa kaniya ay hindi nawala ang ngiti niyang nakaguhit. Sapat na sa akin ang makita siyang masaya. What makes this even more special is the fact that this is his first time celebrating his birthday together with his complete family. Bonus pang narito ang ibang mga Clausen na pamilya ng kaniyang ama. Gaya niya'y wala ring mapaglagyan ang tuwa ni Russel. Hindi man niya sabihin ay ramdam ko. The way he looked at our son shows so much admiration, satisfaction, and happiness. Tila ba sa puntong ito'y natupad na ang isa mga minimithi niya. Ang kagustuhan niyang mapunan ang mga pagkukulang niya sa aming anak ay matagal nang nagsimula—noong araw na sabik niyang tinanggap si Usher sa buhay niya at kalaunan ay tuluyan akong pinatawad. Hindi n
Read more

Kabanata 228

“Welcome back, dude!” salubong ni Daimler kay Ruan. Pagbalik ni Russel sa loob ay kasama na niya ito. He's earlier than I expected. Akala ko'y isang oras pa bago siya makarating dito. Kaming lahat ay napabaling sa kanila, partikular sa balikbayang si Ruan. Si Olive na kumakanta ay napatigil at halos maibagsak na ang microphone. Venus who's beside her shot her brow up while giving her a playful and meaningful stare. “Yo, man! Mas lalo kang pumuti, mukha ka nang labanos!” Natawa ako sa sinabi ni Luke. Pinagmasdan ko si Ruan nang ilang sandali. Ganoon pa rin ang hitsura niya, gaya ng huling kita ko sa kaniya. Kulay brown ang magulong buhok, mas pumuti, at may hikaw sa labi. He literally looks like a Korean. Sa unang tingin ay aakalain ng kahit sino na ganoon siya. He looks more foreign than a Filipino. Nasapawan na ng kutis niya ang pinagmulang lahi. Ang balat niyang dati'y moreno ay talagang namuti na ngayon. Hindi ako nag-abalang kumilos at makisabay sa mga Clausen sa pagsalubong s
Read more

Kabanata 229

Marapat lamang siguro na batiin ko ang Senior nang siya ang bumungad sa akin umagang-umaga. Ang tuyo kong lalamunan ay mas lalong natuyo. Hindi lang iyan, ang mas gumulat sa akin ay ang kasama niyang si Alodia. Kung alam ko lang na ang presensya nila ang bubungad sa akin ngayong umaga, hindi na muna sana ako bumaba at tiniis na lamang ang pagkalam ng sikmura.“Magandang umaga, Ma'am—” Natigil si Aling Nita nang makita ang mga panauhin. Her jaw almost dropped because of shock. “S-Senior! Bigla po kayong napadalaw! M-magandang umaga po!” aligagang aniya. Nang tumingin siya sa akin at nabasa ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, alam kong hindi niya alam ang sunod na gagawin.Ako man ay napako rin sa aking kinatatayuan, sa huling baitang ng hagdan. Humigpit ang hawak ko sa barandilya at napalunok ako sa pangalawang pagkakataon. I woke up with my dry and painful throat for whatever reason. Bumaba ako upang kumuha ng maligamgam na tubig na siyang dapat kong inumin. Bukod sa sensitibo
Read more
PREV
1
...
2122232425
...
28
DMCA.com Protection Status