Isang liko pa matapos ang mahabang pathway, natanaw ko na ang malaking karatulang nakasabit sa isang puno na nagsasabing nasa bukana na kami ng sentro. Wala pang isang minuto'y nakapasok na ang sasakyan sa magandang entrance. Napalilibutan ng mga ligaw na baging ang karatula dala ng mahabang paglipas ng panahon. It looked like a mystical place. Nagmistula itong isang islang ngayon pa lamang madidiskubre.Nang malagpasan namin ang mga punong pinanggagalingan ng mga nakaladlad na baging, tuluyan na kaming nakapasok sa isla.Ang asul at malawak na karagatan ang sunod na bumungad. Sa huling pagkakataon ay lumiko ang sasakyan at napasinghap ako nang masilayan ang isang malaking vacation house, nakatayo sa hindi kalayuan. Sa gilid nito'y mayroon ding malawak at malaking garahe na mukhang sadyang pinagawa para sa mga Clausen. Nakahilera na roon ang apat na sasakyan. Ipinarke ni Russel ang sasakyan sa tabi ng kay Daimler.“Dahan-dahan ka, Usher,” paalala ni Nanay nang nagmamadali itong bumaba
Kulang ang isang oras na pagtunganga ko sa balkonahe para damhin ang kagandahan ng lugar na ito. Tapos ko nang ilagay sa kabinet ang mga damit na gagamitin pati na rin ang mga anik-anik. Gusto ko pa sanang tumambay sa kwarto at pagsawaan sa balkonahe ang tanawin ngunit kailangan kong kumilos dahil marami kaming gagawin. 'Di bale, isang linggo naman kami rito kaya talagang susulitin ko ang bawat oras.Kinailangan naming bumaba para ayusin ang mga kagamitan kinahapunan. Sabay-sabay kaming nag-lunch kanina at halos hindi ako nakasabay sa usapan sa hapag.Pagkatapos magmeryenda, sinimulan na namin ang pagsasalansan ng mga gagamitin. May mga gamit naman dito pero kulang sa gagawing preparasyon. Since ang mga tagapangalaga lang naman ang nananatili rito, walang masyadong gamit, iyong mga pangunahing kagamitan lang sa kusina para sa pang-araw-araw nila. Ang kagandahan talaga ay ang regular nilang paglilinis dito para hindi magluma at manatiling matibay. Kahit walang nakatira, mukhang buhay na
Isang araw bago ang opisyal na pagganap ng selebrasyon, inilaan namin ang buong maghapon sa paglibot sa isla. Ang mga kalalakihang sina Luke, Daimler, at Russel kasama ng dalawang hardinero ay sumama sa laot para dagdagan ang mga isdang lulutuin bukas at kami namang mga kababaihan ay gumala sa kagubatan upang tingnan ang mga alagang hayop nila rito. Namamangha pa rin ako sa tuwing naaalalang si Senior Clausen ang nagpalagay ng mga hayop rito upang mas mabuhay ang kagubatan.Sina Sir Ridley, Ma'am Navi, Madeley, Tiya Marga, si Nanay at Alias ang mga naiwan sa bahay. Naroon din ang dalawang katiwala. Hindi ko talaga pinasama si Alias kahit gustong-gusto niya sanang sumama. Bukod sa hindi rin sya pinayagan ni Russel, naisip kong delikado kung isasama namin siya. Bagama't malinis ang daan ng gubat at katamtaman lang ang taas ng mga damo, mas maiging kaming matatanda na lang ang maglayag dito.However, napapayag ni Lionel ang parents niya kaya heto, kasama namin nya. Ilang minuto na kaming
The night before Alias' birthday, we spend the time preparing everything. We prioritize the food and beverages since these would be the main thing. Kung tutuusin ay kaunti lang naman kaming magdiriwang. Walang inimbitang ibang tao ni isa sa amin kaya ang nangyari'y doble ang dami ng pagkain kaysa sa mga kakain.“There are people in the next island. Can't we invite them?” Nakatanaw si Madeley sa dagat, nakakrus ag mga braso.“Hindi ko alam kung papayag si Russel. We will ask him,” I answered. Rinig na rinig ang boses kong pumailanlang sa katahimikan. Tinalo ng liwanag ng buwan ang mga ilaw rito sa terasa. Kumikintab ang tubig at sumasabay ito sa banayad na alon ng dagat. Tanaw ko't kitang-kita ang linaw ng tubig sa tulong ng liwanag ng buwan. Tahimik ang kapaligiran. Tanging ang ligaw na huni ng mga insekto at ibon ang nauulinigan kong nagmumula sa kagubatan. Bagama't maliwanag ang paligid ay hindi ko na maaninag ang nasa parteng malayo. We're having a coffee break here in the terrac
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Sumalubong sa paningin ko ang liwanag mula sa glass doors. Humuhuni ang mga ibon sa labas at kita ko ang pagsasayawan ng mga dahon sa mabining haplos ng hangin. Kinusot ko ang mga mata ko upang mabawasan ang panlalabo ng paningin. I glanced at my wristwatch and the clock says it's 6 in the morning. Saglit akong napatitig sa kisame at nang maalala kung gaano kaespesyal ang araw na ito'y unti-unti akong napangiti. Sunod ay bumagsak ang tingin ko sa matipunong brasong nakayakap sa aking tiyan. Nang gumalaw ako nang kaunti'y mas lalo lang itong bumigat. Nilingon ko si Russel at nakitang mahimbing pa rin ang tulog na tila ayaw pang magpa-istorbo. His pouty lips is the first thing I noticed. Next is his long curvy thick eyelashes.“Wake up, Russel. The Sun is rising,” mahinang saad ko habang marahang tinatapik ang kaniyang mukha. Kasabay ng pag-ungot niya ang pagkunot ng kanyang noo ngunit hindi naman siya nagising. Sa halip ay lalo siyang nagsumiksik
Nagsimula ang opisyal na pagdiriwang nang kantahan namin si Usher. Suot ang ternong polo at maong pants na pinormahan ng puting sapatos, lumapit siya sa amin, saka siya napalibutan at sinimulang kantahan. Simula pa kaninang umaga nang magising kami't bumati sa kaniya ay hindi nawala ang ngiti niyang nakaguhit. Sapat na sa akin ang makita siyang masaya. What makes this even more special is the fact that this is his first time celebrating his birthday together with his complete family. Bonus pang narito ang ibang mga Clausen na pamilya ng kaniyang ama. Gaya niya'y wala ring mapaglagyan ang tuwa ni Russel. Hindi man niya sabihin ay ramdam ko. The way he looked at our son shows so much admiration, satisfaction, and happiness. Tila ba sa puntong ito'y natupad na ang isa mga minimithi niya. Ang kagustuhan niyang mapunan ang mga pagkukulang niya sa aming anak ay matagal nang nagsimula—noong araw na sabik niyang tinanggap si Usher sa buhay niya at kalaunan ay tuluyan akong pinatawad. Hindi n
“Welcome back, dude!” salubong ni Daimler kay Ruan. Pagbalik ni Russel sa loob ay kasama na niya ito. He's earlier than I expected. Akala ko'y isang oras pa bago siya makarating dito. Kaming lahat ay napabaling sa kanila, partikular sa balikbayang si Ruan. Si Olive na kumakanta ay napatigil at halos maibagsak na ang microphone. Venus who's beside her shot her brow up while giving her a playful and meaningful stare. “Yo, man! Mas lalo kang pumuti, mukha ka nang labanos!” Natawa ako sa sinabi ni Luke. Pinagmasdan ko si Ruan nang ilang sandali. Ganoon pa rin ang hitsura niya, gaya ng huling kita ko sa kaniya. Kulay brown ang magulong buhok, mas pumuti, at may hikaw sa labi. He literally looks like a Korean. Sa unang tingin ay aakalain ng kahit sino na ganoon siya. He looks more foreign than a Filipino. Nasapawan na ng kutis niya ang pinagmulang lahi. Ang balat niyang dati'y moreno ay talagang namuti na ngayon. Hindi ako nag-abalang kumilos at makisabay sa mga Clausen sa pagsalubong s
Marapat lamang siguro na batiin ko ang Senior nang siya ang bumungad sa akin umagang-umaga. Ang tuyo kong lalamunan ay mas lalong natuyo. Hindi lang iyan, ang mas gumulat sa akin ay ang kasama niyang si Alodia. Kung alam ko lang na ang presensya nila ang bubungad sa akin ngayong umaga, hindi na muna sana ako bumaba at tiniis na lamang ang pagkalam ng sikmura.“Magandang umaga, Ma'am—” Natigil si Aling Nita nang makita ang mga panauhin. Her jaw almost dropped because of shock. “S-Senior! Bigla po kayong napadalaw! M-magandang umaga po!” aligagang aniya. Nang tumingin siya sa akin at nabasa ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, alam kong hindi niya alam ang sunod na gagawin.Ako man ay napako rin sa aking kinatatayuan, sa huling baitang ng hagdan. Humigpit ang hawak ko sa barandilya at napalunok ako sa pangalawang pagkakataon. I woke up with my dry and painful throat for whatever reason. Bumaba ako upang kumuha ng maligamgam na tubig na siyang dapat kong inumin. Bukod sa sensitibo
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik