Share

Kabanata 222

Isang liko pa matapos ang mahabang pathway, natanaw ko na ang malaking karatulang nakasabit sa isang puno na nagsasabing nasa bukana na kami ng sentro. Wala pang isang minuto'y nakapasok na ang sasakyan sa magandang entrance. Napalilibutan ng mga ligaw na baging ang karatula dala ng mahabang paglipas ng panahon. It looked like a mystical place. Nagmistula itong isang islang ngayon pa lamang madidiskubre.

Nang malagpasan namin ang mga punong pinanggagalingan ng mga nakaladlad na baging, tuluyan na kaming nakapasok sa isla.

Ang asul at malawak na karagatan ang sunod na bumungad. Sa huling pagkakataon ay lumiko ang sasakyan at napasinghap ako nang masilayan ang isang malaking vacation house, nakatayo sa hindi kalayuan. Sa gilid nito'y mayroon ding malawak at malaking garahe na mukhang sadyang pinagawa para sa mga Clausen. Nakahilera na roon ang apat na sasakyan. Ipinarke ni Russel ang sasakyan sa tabi ng kay Daimler.

“Dahan-dahan ka, Usher,” paalala ni Nanay nang nagmamadali itong bumaba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status