Share

Kabanata 223

Kulang ang isang oras na pagtunganga ko sa balkonahe para damhin ang kagandahan ng lugar na ito. Tapos ko nang ilagay sa kabinet ang mga damit na gagamitin pati na rin ang mga anik-anik. Gusto ko pa sanang tumambay sa kwarto at pagsawaan sa balkonahe ang tanawin ngunit kailangan kong kumilos dahil marami kaming gagawin. 'Di bale, isang linggo naman kami rito kaya talagang susulitin ko ang bawat oras.

Kinailangan naming bumaba para ayusin ang mga kagamitan kinahapunan. Sabay-sabay kaming nag-lunch kanina at halos hindi ako nakasabay sa usapan sa hapag.

Pagkatapos magmeryenda, sinimulan na namin ang pagsasalansan ng mga gagamitin. May mga gamit naman dito pero kulang sa gagawing preparasyon. Since ang mga tagapangalaga lang naman ang nananatili rito, walang masyadong gamit, iyong mga pangunahing kagamitan lang sa kusina para sa pang-araw-araw nila. Ang kagandahan talaga ay ang regular nilang paglilinis dito para hindi magluma at manatiling matibay. Kahit walang nakatira, mukhang buhay na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status