Nagsimula ang opisyal na pagdiriwang nang kantahan namin si Usher. Suot ang ternong polo at maong pants na pinormahan ng puting sapatos, lumapit siya sa amin, saka siya napalibutan at sinimulang kantahan. Simula pa kaninang umaga nang magising kami't bumati sa kaniya ay hindi nawala ang ngiti niyang nakaguhit. Sapat na sa akin ang makita siyang masaya. What makes this even more special is the fact that this is his first time celebrating his birthday together with his complete family. Bonus pang narito ang ibang mga Clausen na pamilya ng kaniyang ama. Gaya niya'y wala ring mapaglagyan ang tuwa ni Russel. Hindi man niya sabihin ay ramdam ko. The way he looked at our son shows so much admiration, satisfaction, and happiness. Tila ba sa puntong ito'y natupad na ang isa mga minimithi niya. Ang kagustuhan niyang mapunan ang mga pagkukulang niya sa aming anak ay matagal nang nagsimula—noong araw na sabik niyang tinanggap si Usher sa buhay niya at kalaunan ay tuluyan akong pinatawad. Hindi n
“Welcome back, dude!” salubong ni Daimler kay Ruan. Pagbalik ni Russel sa loob ay kasama na niya ito. He's earlier than I expected. Akala ko'y isang oras pa bago siya makarating dito. Kaming lahat ay napabaling sa kanila, partikular sa balikbayang si Ruan. Si Olive na kumakanta ay napatigil at halos maibagsak na ang microphone. Venus who's beside her shot her brow up while giving her a playful and meaningful stare. “Yo, man! Mas lalo kang pumuti, mukha ka nang labanos!” Natawa ako sa sinabi ni Luke. Pinagmasdan ko si Ruan nang ilang sandali. Ganoon pa rin ang hitsura niya, gaya ng huling kita ko sa kaniya. Kulay brown ang magulong buhok, mas pumuti, at may hikaw sa labi. He literally looks like a Korean. Sa unang tingin ay aakalain ng kahit sino na ganoon siya. He looks more foreign than a Filipino. Nasapawan na ng kutis niya ang pinagmulang lahi. Ang balat niyang dati'y moreno ay talagang namuti na ngayon. Hindi ako nag-abalang kumilos at makisabay sa mga Clausen sa pagsalubong s
Marapat lamang siguro na batiin ko ang Senior nang siya ang bumungad sa akin umagang-umaga. Ang tuyo kong lalamunan ay mas lalong natuyo. Hindi lang iyan, ang mas gumulat sa akin ay ang kasama niyang si Alodia. Kung alam ko lang na ang presensya nila ang bubungad sa akin ngayong umaga, hindi na muna sana ako bumaba at tiniis na lamang ang pagkalam ng sikmura.“Magandang umaga, Ma'am—” Natigil si Aling Nita nang makita ang mga panauhin. Her jaw almost dropped because of shock. “S-Senior! Bigla po kayong napadalaw! M-magandang umaga po!” aligagang aniya. Nang tumingin siya sa akin at nabasa ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, alam kong hindi niya alam ang sunod na gagawin.Ako man ay napako rin sa aking kinatatayuan, sa huling baitang ng hagdan. Humigpit ang hawak ko sa barandilya at napalunok ako sa pangalawang pagkakataon. I woke up with my dry and painful throat for whatever reason. Bumaba ako upang kumuha ng maligamgam na tubig na siyang dapat kong inumin. Bukod sa sensitibo
“What's happening?” Ruan asked as he put the cup of coffee on the table. “Tinanghali ako ng gising. Nakakahiya. Langya kasi, ang daming pinainom sa 'kin ng mga gago,” he murmured.“Galing dito ang Senior kasama si Alodia. Mas mabuti na ring hindi mo sila nakita. Baka nawala ka rin sa mood gaya namin,” matabang kong saad.“Oh. Nasaan na sila?”“I don't know. Bigla na lang silang nawala. Hindi ko alam kung umuwi na o may pinuntahan lang.”“I see. What's the problem?” tanong niya bago humigop ng kape. Pagkatapos ay muli nyang inilapag ang tasa sa mesa habang nangungunot ang noo. Hindi ko alam kung dahil sa liwanag o talagang naguguluhan sya.“Well... Ibinenta ng Senior ang islang ito kay Alodia. I don't know. I don't understand.”Nanatiling nakakunot ang kanyang noo, patunay na hindi ito dahil sa liwanag kundi dahil totoong naguguluhan sya. “Why would he do that? Ibinigay na nya sa mga Clausen ito. Pagmamay-ari na ito ng buong angkan nila. Sa kanya pa rin nakapangalan pero hindi lang sya
Nagbago ang isip ko nang makalabas kami. Imbis na maglangoy ay mas nangibabaw ang kagustuhan kong magpinta. Pagtungtong ko pa lamang sa buhangin ay inimbita agad ako ng tawag ng kalikasan. Kalmadong gumagalaw ang dagat dala ng mahinahong alon nito. Kakatwang agad ring binubura ng alon ang mga iniiwan nitong bakas sa tuwing humahampas sa mga bato. Sa hindi kalayuan ay tanaw ang isang malaking rock formation. Parang gusto kong magtungo roon. Sa dami ng pwedeng gawin, hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko. Mayroong magandang spot dito kung saan ko pwedeng ipwesto ang canvas. I'm really thorned between painting, swimming and sailing the sea. Idagdag pa riyan ang napakagandang panahon, sumasabay sa kalayaan naming lahat. Nanatili akong nakatayo sa pampang habang pinanonood sina Venus. Nag-uumpisa na silang magtampisaw sa dagat. Magkadikit sila ni Olive. Malapit sa kanila sina Nanay at Tiya Marga. Ma'am Navi and Sir Ridley seemed happy too with Madeley on their side. Nagkukulitan an
Nakabalik na kami, nag-iinit pa rin ang mukha ko. Sabay-sabay na nag-angat ng tingin at lumingon sa amin ang mga naglalangoy na tabing dagat. From sailing the sea to going down from the canoe, the way Russel kissed me earlier is still circulating inside my head. I can still feel the warmth of his lips on mine and my heart is still racing fast. I cannot just remove away the effect of his kiss from my system. Well, I mean, that's too romantic! Naramdaman ko ulit kanina ang nakalulunod na kabang idinulot sa akin ng kasal namin, partikular sa puntong hinalikan niya ako sa harap ng lahat. Nakadagdag pa ng epekto ang mahahabang litanya niya bago ako hinalikan. It feels like he just married me for the second time. Ang kaibahan lang, sa gitna iyon ng kawalan kung saan ang dagat at ang mga bato ang nagsilbing saksi sa muli naming pag-iisang dibdib. “How's the date?” Ruan smirked at us. Sila na lang nina Luke ang naglalangoy pa rin. Nakaahon na ang mga babae.“It's fine,” mapaglaro ring sagot n
“What do you want?” I remained calm trying to act fine. Alodia is standing in front of me, flashing her silky fitted red dress and pair of slingback heels. I am relaxing here in the seashore alone when she approached me with a resting face. Nagpasya akong lumabas nang magkasagutan kami ng Senior. Napahiya ako nang husto sa harap ng mga Clausen. Although they were silently cheering me up, I politely excused myself to breathe. I need to calm my nerves. Balak pa sana akong sundan ni Russel pero nakiusap akong hayaan nya muna ako. Alam ko namang susunod na rin 'yon maya-maya. May usapan kami na kahit anong mangyari'y hindi niya babastusin ang lolo niya. At isa pa, pinaghandaan ko naman ang tagpong iyon kaya hindi na ako nagulat. “I came here to see you,” Alodia said in a flat tone.“To check if I'm crying or not?” I chuckled. There's a hint of sarcasm in my tone. “I'm fine, Alodia. If you think I would breakdown, here's the proof that you're wrong. You can go now.”She looked at me unbe
Walang lingon akong umalis doon. Venus and Olive followed me inside. Inignora ko ang pagtawag nila sa akin at tila wala sa sariling umakyat ako sa taas. Maging sina Slyghen at Madeley ay hindi ko nagawang tanguan man lang nang makasalubong ko sila. “Wait...” Slyghen stopped me. “Are you okay? Bakit basa ka? Naglangoy ka mag-isa?” I gave her a dry smile. “Uh, sort of. Nilalamig na ako actually.”“Oh, I see. Sige, magbihis ka na. Baka sipunin ka pa nyan. Dapat niyaya mo kami,” natatawang wika niyaHindi na ako nag-abalang sumagot. I politely excused myself. Saglit pa kaming nagkatinginan ni Madeley at kita ko ang kuryosidad niya. Tila may nais pa siyang sabihin ngunit naunahan siya ng pagdadalawang-isip. “What happened?” rinig kong tanong ni Ma'am Navi. Hindi man ako tumingin ay alam kong boses niya iyon. Nasundan pa ng sunod-sunod na tanong mula sa mga taong nasa baba dahilan para tuluyan na akong nakaiwas kina Venus at Olive na balak sumunod sa akin.Pagbukas ko ng pinto ng kwarto,