Home / Romance / Beyond The Lines / Chapter 231 - Chapter 240

All Chapters of Beyond The Lines: Chapter 231 - Chapter 240

272 Chapters

Kabanata 230

“What's happening?” Ruan asked as he put the cup of coffee on the table. “Tinanghali ako ng gising. Nakakahiya. Langya kasi, ang daming pinainom sa 'kin ng mga gago,” he murmured.“Galing dito ang Senior kasama si Alodia. Mas mabuti na ring hindi mo sila nakita. Baka nawala ka rin sa mood gaya namin,” matabang kong saad.“Oh. Nasaan na sila?”“I don't know. Bigla na lang silang nawala. Hindi ko alam kung umuwi na o may pinuntahan lang.”“I see. What's the problem?” tanong niya bago humigop ng kape. Pagkatapos ay muli nyang inilapag ang tasa sa mesa habang nangungunot ang noo. Hindi ko alam kung dahil sa liwanag o talagang naguguluhan sya.“Well... Ibinenta ng Senior ang islang ito kay Alodia. I don't know. I don't understand.”Nanatiling nakakunot ang kanyang noo, patunay na hindi ito dahil sa liwanag kundi dahil totoong naguguluhan sya. “Why would he do that? Ibinigay na nya sa mga Clausen ito. Pagmamay-ari na ito ng buong angkan nila. Sa kanya pa rin nakapangalan pero hindi lang sya
last updateLast Updated : 2022-06-22
Read more

Kabanata 231

Nagbago ang isip ko nang makalabas kami. Imbis na maglangoy ay mas nangibabaw ang kagustuhan kong magpinta. Pagtungtong ko pa lamang sa buhangin ay inimbita agad ako ng tawag ng kalikasan. Kalmadong gumagalaw ang dagat dala ng mahinahong alon nito. Kakatwang agad ring binubura ng alon ang mga iniiwan nitong bakas sa tuwing humahampas sa mga bato. Sa hindi kalayuan ay tanaw ang isang malaking rock formation. Parang gusto kong magtungo roon. Sa dami ng pwedeng gawin, hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko. Mayroong magandang spot dito kung saan ko pwedeng ipwesto ang canvas. I'm really thorned between painting, swimming and sailing the sea. Idagdag pa riyan ang napakagandang panahon, sumasabay sa kalayaan naming lahat. Nanatili akong nakatayo sa pampang habang pinanonood sina Venus. Nag-uumpisa na silang magtampisaw sa dagat. Magkadikit sila ni Olive. Malapit sa kanila sina Nanay at Tiya Marga. Ma'am Navi and Sir Ridley seemed happy too with Madeley on their side. Nagkukulitan an
last updateLast Updated : 2022-06-23
Read more

Kabanata 232

Nakabalik na kami, nag-iinit pa rin ang mukha ko. Sabay-sabay na nag-angat ng tingin at lumingon sa amin ang mga naglalangoy na tabing dagat. From sailing the sea to going down from the canoe, the way Russel kissed me earlier is still circulating inside my head. I can still feel the warmth of his lips on mine and my heart is still racing fast. I cannot just remove away the effect of his kiss from my system. Well, I mean, that's too romantic! Naramdaman ko ulit kanina ang nakalulunod na kabang idinulot sa akin ng kasal namin, partikular sa puntong hinalikan niya ako sa harap ng lahat. Nakadagdag pa ng epekto ang mahahabang litanya niya bago ako hinalikan. It feels like he just married me for the second time. Ang kaibahan lang, sa gitna iyon ng kawalan kung saan ang dagat at ang mga bato ang nagsilbing saksi sa muli naming pag-iisang dibdib. “How's the date?” Ruan smirked at us. Sila na lang nina Luke ang naglalangoy pa rin. Nakaahon na ang mga babae.“It's fine,” mapaglaro ring sagot n
last updateLast Updated : 2022-06-24
Read more

Kabanata 233

“What do you want?” I remained calm trying to act fine. Alodia is standing in front of me, flashing her silky fitted red dress and pair of slingback heels. I am relaxing here in the seashore alone when she approached me with a resting face. Nagpasya akong lumabas nang magkasagutan kami ng Senior. Napahiya ako nang husto sa harap ng mga Clausen. Although they were silently cheering me up, I politely excused myself to breathe. I need to calm my nerves. Balak pa sana akong sundan ni Russel pero nakiusap akong hayaan nya muna ako. Alam ko namang susunod na rin 'yon maya-maya. May usapan kami na kahit anong mangyari'y hindi niya babastusin ang lolo niya. At isa pa, pinaghandaan ko naman ang tagpong iyon kaya hindi na ako nagulat. “I came here to see you,” Alodia said in a flat tone.“To check if I'm crying or not?” I chuckled. There's a hint of sarcasm in my tone. “I'm fine, Alodia. If you think I would breakdown, here's the proof that you're wrong. You can go now.”She looked at me unbe
last updateLast Updated : 2022-06-25
Read more

Kabanata 234

Walang lingon akong umalis doon. Venus and Olive followed me inside. Inignora ko ang pagtawag nila sa akin at tila wala sa sariling umakyat ako sa taas. Maging sina Slyghen at Madeley ay hindi ko nagawang tanguan man lang nang makasalubong ko sila. “Wait...” Slyghen stopped me. “Are you okay? Bakit basa ka? Naglangoy ka mag-isa?” I gave her a dry smile. “Uh, sort of. Nilalamig na ako actually.”“Oh, I see. Sige, magbihis ka na. Baka sipunin ka pa nyan. Dapat niyaya mo kami,” natatawang wika niyaHindi na ako nag-abalang sumagot. I politely excused myself. Saglit pa kaming nagkatinginan ni Madeley at kita ko ang kuryosidad niya. Tila may nais pa siyang sabihin ngunit naunahan siya ng pagdadalawang-isip. “What happened?” rinig kong tanong ni Ma'am Navi. Hindi man ako tumingin ay alam kong boses niya iyon. Nasundan pa ng sunod-sunod na tanong mula sa mga taong nasa baba dahilan para tuluyan na akong nakaiwas kina Venus at Olive na balak sumunod sa akin.Pagbukas ko ng pinto ng kwarto,
last updateLast Updated : 2022-06-26
Read more

Kabanata 235

Tahimik akong bumaba sa hagdan. Iniiwasan kong makagawa ng kahit anong ingay. It's just four in the morning, nagising ako nang makaramdam ng gutom. Dahan-dahan lang din akong umalis mula sa kama upang hindi magising si Russel. Malakas kasi ang pakiramdam ng isang iyon. Iniwan ko silang mag-ama roon kaysa magpasama pa ako. Kaya ko namang magluto mag-isa.Maliwanag sa baba. Hindi talaga sila nagpapatay ng ilaw sa gabi dahil may mga kasama kami. Bago pa man ako makaliko patungo sa kusina ay napansin ko agad ang nakabukas na pinto sa kanang bahagi ng living room. Diretso ang daang iyon sa garahe, bukod pa ang daan sa likod ng kusina. Sino naman kaya ang lumabas nang ganto kaaga at bakit?Dahil sa tawag ng kuryosidad, sumilip ako sa siwang ng pinto. Sinalubong ng malamig na simoy ng hangin ang mukha ko. Nang wala akong makitang tao ay hindi ako nakuntento. Binuksan ko nang mas malaki ang pinto at tumayo sa pintuan. Inilibot ko ang aking paningin sa malawak na buhanginan sa harap. Wala nama
last updateLast Updated : 2022-06-27
Read more

Kabanata 236

“Sigurado kang ayos ka lang, hija? Pasensya na talaga. Nahihiya na kami sa 'yo dahil sa inaasal ni Papa.” Ma'am Navi, right now, is looking at me with concern. Nang matapos kami ni Olive sa pagkain, hindi namin inasahang bababa rin nang ganoong oras si Ma'am Navi upang uminom ng maligamgam na tubig. Walang water dispenser sa kwarto nila kaya naman heto, kaming tatlo ay narito sa kusina. She's wearing a silky robe. Ang hanggang balikat na buhok ay nakalugay at medyo magulo. Bakas na bakas sa kanyang mga mata na kagigising nya lang. She's prettier in the morning. Ilang beses ko na syang nakitang bagong gising at hindi maitatago ang likas na kagandahan niya. Hindi na kataka-takang maganda rin si Madeley. Idagdag pang may dugong Clausen sya. “Okay na po talaga ako. Pasensya na rin po sa gulo namin ni Alodia...” nahihiyang sagot ko. “Mabuti at naabutan kita rito. Gusto rin talaga kitang makausap tungkol kay Alodia.”Bahagya akong kinabahan. Ramdam ko sa kaseryosohan ng boses niya ang im
last updateLast Updated : 2022-06-28
Read more

Kabanata 237

Naulit pa nang naulit ang mga paliwanag ko sa dami ng nagtanong kung ayos lang ako. Wala namang problema, alam kong hindi nila ako huhusgahan. Although it's kinda hard for me to explain everything in the simplest way, nagawa ko rin naman. May kanya-kanya silang reaksyon. May mga disappointed, shocked, at may mga nagalit din gaya ni Venus. “The nerve of that woman! Kung alam ko lang, uuwing lumpo 'yon! Sana sumigaw ka kahapon para narinig namin! Eh, kung isinama mo na lang ako sa pagsesenti mo, hindi ka sana nasaktan ng bruhang iyon! Ang sarap nilang pag-untugin ni Denise!” walang prenong palatak niya. “Sana mas nilunod mo pa, 'no! Kaya ayaw nun magpatulong sa 'yo ay para mailigtas sya ni Kuya Russel!” “I agree. Napakabait naman kasi ni Alliyah, naisipan pang tulungan ang malantod na 'yon!” segunda ni Olive. “Do you expect me to just watch and let her die without doing anything? I can't kill her, okay? Kumalma na kayo dahil tapos na iyon. Besides, alam ni Alodia na paparating si Rus
last updateLast Updated : 2022-06-28
Read more

Kabanata 238

I'm at least 60% done with the painting when I paused for lunch. Ganoon kabilis ang progress. Actually, hindi naman ako ganito kabilis noon. Malaki ang naitulong sa akin ng ilang taong pagpapatuloy kaya mas gamay ko na ang pagpipinta. Pero kinailangan ko na ring tumigil muna dahil tirik na ang araw at mainit na sa pwesto ko. Walang silungan doon na magsisilbing panangga ko sa init ng araw. Bukod sa masakit sa balat ang init ay nakasisilaw sa mata ang sinag nito. Kung sipagin ako ay mamayang hapon ko na lang itutuloy at pwede rin namang sa kwarto ko na lamang tapusin dahil sapat na ang nagawa ko. Hindi naman gaanong komplikado ang mga kulay dahil simple't kaunti lang. Mula sa makinang na dagat, maliwanag na kalangitan, maberdeng kagubatan, maiitim na tipak ng bato, at malinis na buhangin. Mabilis kong nakabisado ang mga iyon. Kahit dumungaw na lang ako sa balkonahe ay matatapos ko ito. “Green clouds are cool but dangerous. There are scientific explanations about that,” pagbibigay opin
last updateLast Updated : 2022-06-29
Read more

Kabanata 239

“Anong sabi? Bakit parang galit na galit na naman?” Naunahan akong magtanong ni Olive. Paano ba naman kasi, naulinigan namin ang sigaw ni Tita Chime sa cellphone habang kausap si Venus. Nakahinga ako nang maluwag nang maputol na ang tawag. “Pinauuwi na ako dahil may kailangan daw syang asikasuhin. Walang magbabantay kay Tiyo Banny...” saad ni Venus sa dismayadong tono. “Sinasabi ko na nga ba, hindi makakatiis si Mama, tatawagan at pagagalitan nya ako kapag feeling niya, lugi na naman sya.”“Nagpaalam ka ba? Alam ba nyang nandito ka ngayon?” muling tanong ni Olive.“Yes. Nagpaalam naman ako sa kanya at ang sagot nya, wala syang pakialam sa mga gusto kong gawin. Tapos ngayon, tatawag-tawag sya para lang mang-istorbo!”“Baka naman namimiss ka rin ni Tita Chime kahit papaano. She's still your mother, after all,” nasabi ko na lang.“May namimiss bang gano'n? Bulyaw ang bungad sa 'kin.”“Pwede rin naman. May mga magulang na idinadaan sa gano'n ang concern sa anak. Sa laki ng hidwaan niyon
last updateLast Updated : 2022-06-29
Read more
PREV
1
...
2223242526
...
28
DMCA.com Protection Status