Home / Romance / Beyond The Lines / Chapter 251 - Chapter 260

All Chapters of Beyond The Lines: Chapter 251 - Chapter 260

272 Chapters

Kabanata 250

Kasisikat pa lang ng araw at ang sinag nito'y bago pa lamang kumakalat sa kalawakan ng bakuran nang mahagip ng mga mata ko ang pagpasok ni Venus mula sa main gate. Bilang matalik kong kaibigan, hindi na rin siya iba sa mga house guard. Agad siyang pinapasok ni Kuya Ekoy nang hindi tinatanong kung anong kailangan niya.Napataas ang kilay ko nang mapansin ang pagmamadali niyang maglakad. Natigil ako sa pagdidilig ng mga halaman sa paso. Hinintay ko syang makatungtong sa terasa.“What brought you here this early?” bungad ko. Bihis na bihis siya. Suot ang kulay beige na ruffled skirt at puting croptop, bumagay din ang itim na boots. She looks like she'll be attending a fashion show. Kulot na kulot ang buhok na hanggang siko ang haba at kapansin-kapansin ang tapang ng hitsura niya sa smoky makeup. Nakataas sa ulo ang paborito niyang aviator. “I'll be attending a meeting with my old manager. Anyways, dumaan talaga ako rito para kausapin ka.” She glanced at her watch before continuing. “Ok
Read more

Kabanata 251

Naging maayos ang takbo ng trabaho ko sa mga nakalipas na araw. Magdadalawang-Linggo pa lamang ang A.M.C Gallery pero inuulan na ng biyaya. Palaging matao sa bawat maghapon at nakakalikom kami ng malaking halagang higit pa sa inaasahan. Nakatulong din ang maayos kong pakiramdam kaya walang naging problema. I am able to entertain visitors and art collectors, talk to them for a moment at the same time. Sa unang tatlong araw ay nahirapan akong mag-adjust sa gampanin ko bilang CEO, manager, ina ni Alias, at asawa ni Russel. Nahirapan akong i-manage ang atensyon ko. Malaking bagay iyong hindi ako masyadong napapagod sa trabaho kaya may sapat na enerhiya pa ako pag-uwi sa bahay. Pinagninilayan ko naman kada gabi ang mga nangyari sa maghapon, at narerealize kong sa bawat araw ay mayroon akong natututunan. Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa akin ang lahat. Pakiramdam ko nga'y nagagahol ako sa oras sa tuwing humihingi ng atensyon si Alias. Don't get me wrong, sapat ang oras na inilalaan ko s
Read more

Kabanata 252

“Alodia's father. Iyon ang pakilala nya,” saad ko. Ramdam ko ang katabangan ng boses ko. Sumeryoso si Russel nang marinig iyon. Bahagya siyang gumalaw sa kanyang kinauupuan, malapit nang mangunot ang noo. “And? What did he say?” aniya sa kuryosong tono. Kung hindi ko lamang pilit ikinakalma ang kalooban ko, baka napapikit na ako nang mariin. I am pissed. I feel insulted and degraded for some reasons. Ang banggitin kay Russel at ikuwento ang senaryong gusto ko na lang kalimutan ay hindi madaling gawin. I had a hard time to sleep thinking about Alodia's father and the words he said. Umuwi akong balisa kahapon at kakatwang nagawa kong itago ang pagkabagabag. Ngunit nang magising ako't bumangon at pagkatapos ay napatulala sa salamin ng banyo, nabisto ako ni Russel nang madatnan ako sa ganoong sitwasyon. He immediately asked what's bothering me as if he's so sure that something is up. Nang sabihin ko namang wala at ayos lang ako, hindi siya naniwala. He didn't stop asking me until I fina
Read more

Kabanata 253

Tulala ako habang nag-aalmusal. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko at halos humalo na iyon sa pagkain. Agad ko iyong pinalis bago pa ako mahuli ni Nanay. Tiyak na pagagalitan ako no'n.“Y-you want more?” sinikap kong magsalita sa kabila ng panunuyo ng lalamunan. Akmang susubuan kong muli si Alias nang tanggihan niya iyon. Naibaba ko ang kutsara.“Why are you crying, Mama?”Napalunok ako. Oo nga pala. Hindi lang si Nanay ang marunong makiramdam. Oo nga pala, malaki na ang aking anak. He became smarter now. Day by day, I can notice his progress. Aside from that, he's also observant. Imposibleng maitago ko sa kanya ang lungkot ko. I don't think I can alibi.“I'm okay, baby. Let's just eat, okay?” I smiled, wiping the falling tears. No matter how hard I hold them, they keep on escaping.“I'm full, Mama,” my son said, shaking his head. “Alright.” Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Pinainom ko na lang siya ng tubig subalit hindi nawala ang makahulugang tingin niya sa aki
Read more

Kabanata 254

Nagtatalo ang isip at puso ko kung tama ba itong gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa manibela dulot ng kaba. Kagat-kagat ko ang labi ko nang iparke ang sasakyan sa malawak na parking lot ng sementeryo. Ilang segundo muna akong hindi gumalaw, natatakot akong lumabas. Hindi ko alam... Walang-wala sa plano ko ang sundan si Russel. Maayos akong nagpasya. Pinag-isipan ko nang maayos ang sitwasyon at wala akong balak manghimasok sa kanila. Ngayong narito na ako ay parang gusto kong bumalik sa Kalibero. I know this isn't right. I should not meddle. Gusto kong sisihin ang ama ni Alodia. Hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa mga sinabi niya. He provoked me at inaamin kong nadala ako ng pride ko.Ilang beses akong nagbuntong-hininga bago magpasyang lumabas ng sasakyan. Habang naglalakad sa itinurong lugar ng ama ni Alodia ay nagsisirko sa isip ko ang naging pag-uusap namin sa opisina ko. “Diretsuhin niyo po ako kung may gusto kayong sabihin. Huwag na po tayong magpaiko
Read more

Kabanata 255

Umuuga ang mga balikat ko habang umiiyak. Yakap ko ang unan na nagsilbing kakampi ko sa mga sandaling ito. Wala akong pakialam kung mabasa man ito ng mga luha ko, ang mahalaga'y makapaglabas ako ng sama ng loob.“Ano bang nangyari?” Nasa likuran ko si Nanay, nakaupo sa gilid ng kama. Kanina pa siya nariyan, sinasamahan ako rito. Nang makita nya akong umiiyak pag-uwi ko'y agad niya akong sinundan at hindi na umalis pa sa tabi ko. “Aba't kanina ka pa iyak nang iyak riyan, Alliyah!” Iritado na sya dahil hindi ako nagsasalita. “Sabihin mo nga sa akin kung anong iniiyak mo. Si Russel ba? Anong ginawa sa 'yo ng asawa mo?” Humikbi ako't malalim na huminga. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko nang magsalita ako. “'Nay... M-may anak si Russel kay Alodia.”“Ano kamo?” gulat niyang tanong. “Paanong may anak sila?”“N-nabuntis ni Russel si Alodia noon pero hiwalay na sila nang malaman ni Alodia. Bago pa nya masabi kay Russel ay nakunan sya. Hindi na nya ipinaalam pa...”“At kanino mo naman nalam
Read more

Kabanata 256

“Welcome po sa A.M.C!” rinig kong bati ni Gil sa mga bagong dating na visitors.Matatapos na ang work hours pero may mga humahabol pa rin. Nagliligpit na rin ako ng mga gamit bilang paghahanda sa pag-alis. Natapos ko nang isalansan ang mga form at document, malinis na ang aking mesa. Balak kong mag-early out dahil pupuntahan ko si Venus. Ilang araw na syang hindi nagpaparamdam sa akin at nag-aalala na ako nang husto. Ang huling balita nya'y tatlong araw na raw buhat nang makalabas ng hospital si Tiyo Banny. Ang sabi pa niya ay sa dating bahay nila nakatira ngayon si Tiyo Banny, malapit sa farm.Ang ipinag-aalala ko lang ay kung nasaan si Venus ngayon. Ilang araw ko na syang kinukulit sa text ngunit wala syang ni isang tugon. She missed all my calls these past few days. Hanggang ngayon ay wala syang paramdam.Nang makuntento sa nakikitang hitsura ng aking opisina'y nagpasya na akong umalis. Mabilis lang ako nagpaalam sa mga kasama ko. Tinapik ko si Gil na kasalukuyang naglilinis din n
Read more

Kabanata 257

Nabulabog ang lahat nang tuluyang kumalat ang balitang nawawala si Venus. Hindi ko alam kung paano nabalitaan ni Olive pero nadatnan ko sya sa sala pagbaba ko, umagang-umaga. Kasama niya si Kleen na mukhang inistorbo niya para magdrive ng auto.Napatayo siya bago pa man ako makababa ng hagdan. “What the hell is happening? Bakit nawawala si Venus?” Iyon ang bungad niya sa akin.“Hindi ko rin alam. We already contacted Daimler. Hindi rin nya mahanap si Venus.”“Jesus! Naitanong mo na ba sa agency nya?”“No. Ngayon pa lang ako pupunta roon.”“Sasama ako! Let's go!”“Ate, may trabaho pa ako.” Napakamot sa ulo si Kleen.“Oh, sige, umuwi ka na. Sasama ako kay Alliyah. Sabihin ko kay Mama mabilis lang ako.”“Ihahatid ko na lang ang ate mo pauwi, Kleen.”Kausap ko si Russel habang nagmamaneho. Umaalingawngaw ang boses niya sa bluetooth speaker ng aking sasakyan.“Nasaan kayo?” I asked.“Hindi ko alam kung saan papunta si Daimler. I'm just following his car.”“Mag-ingat kayo. Si Arcel, kasama b
Read more

Kabanata 258

“Are you okay?” Lumapit sa akin si Derby. Inayos niya ang upuang nasa harapan ng aking desk at naupo roon. “You look so stressed.”Yes, I am. I'm massaging my temples because I'm having a migraine right now. Napakasakit ng bawat pagtusok ng kirot sa sentido ko. Mariin akong nakapikit. Mas nahihilo kasi ako kapag nagmumulat. “Water? Ikukuha kita,” he insisted.“Yes, please...” I said without opening my eyes. “Alright, give me a second.” Mabilis siyang nawala sa aking harapan.I can't focus on my work because of anxiety. Marahan kong hinawi ang mga papel sa desk ko at ipinalit ang aking cellphone. I've been waiting for Russel's call. He's in a meeting at this hour, I don't know what time will it end. Basta't ang sabi niya'y hintayin ko lang ang tawag nya. Ayaw ko naman syang kulitin at baka makaistorbo lang ako. So this is the reason why I'm feeling this way. Pakiramdam ko'y babaliktad ang sikmura ko anumang oras kapag hindi ko kinaya ang kaba. I badly need updates! Hindi lang pag-aa
Read more

Kabanata 259

These problems have to be solved as soon as possible. Sa bawat paglipas ng minuto ay mga buhay na mas nalalagay sa alanganin, may mga bagay na patuloy na nagbabago at mas lumalaki ang problema.“Calm down, Alliyah! We're on a highway!” natatarantang awat sa akin ni Olive. “Kalmado ako, Olive.”“Bumibilis ang takbo ng sasakyan! Damn it!” Kung wala kami sa gitna ng mga suliranin, baka tinawanan ko sya. Subalit alam naming pareho kung saan kami pupunta, there's no room for jokes especially when we're heading at Callanda Villa where Denise is currently residing. I had series of thoughts last night, thinking how would I solve something without messing up the initials plans and here we go, trusting our guts. Bahala na kung anong mangyari. Binagalan ko ang pagmamaneho nang makarating kami sa bukana ng village. Alerto ang gwardyang naroon, agad kinatok ang bintana ng aking sasakyan. I rolled the window down, exposing my face Upang wala nang maraming tanong, ipinakita ko na sa kanya ang ID
Read more
PREV
1
...
232425262728
DMCA.com Protection Status