Share

Kabanata 250

Kasisikat pa lang ng araw at ang sinag nito'y bago pa lamang kumakalat sa kalawakan ng bakuran nang mahagip ng mga mata ko ang pagpasok ni Venus mula sa main gate. Bilang matalik kong kaibigan, hindi na rin siya iba sa mga house guard. Agad siyang pinapasok ni Kuya Ekoy nang hindi tinatanong kung anong kailangan niya.

Napataas ang kilay ko nang mapansin ang pagmamadali niyang maglakad. Natigil ako sa pagdidilig ng mga halaman sa paso. Hinintay ko syang makatungtong sa terasa.

“What brought you here this early?” bungad ko.

Bihis na bihis siya. Suot ang kulay beige na ruffled skirt at puting croptop, bumagay din ang itim na boots. She looks like she'll be attending a fashion show. Kulot na kulot ang buhok na hanggang siko ang haba at kapansin-kapansin ang tapang ng hitsura niya sa smoky makeup. Nakataas sa ulo ang paborito niyang aviator.

“I'll be attending a meeting with my old manager. Anyways, dumaan talaga ako rito para kausapin ka.” She glanced at her watch before continuing. “Ok
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status