“Are you okay?” Lumapit sa akin si Derby. Inayos niya ang upuang nasa harapan ng aking desk at naupo roon. “You look so stressed.”Yes, I am. I'm massaging my temples because I'm having a migraine right now. Napakasakit ng bawat pagtusok ng kirot sa sentido ko. Mariin akong nakapikit. Mas nahihilo kasi ako kapag nagmumulat. “Water? Ikukuha kita,” he insisted.“Yes, please...” I said without opening my eyes. “Alright, give me a second.” Mabilis siyang nawala sa aking harapan.I can't focus on my work because of anxiety. Marahan kong hinawi ang mga papel sa desk ko at ipinalit ang aking cellphone. I've been waiting for Russel's call. He's in a meeting at this hour, I don't know what time will it end. Basta't ang sabi niya'y hintayin ko lang ang tawag nya. Ayaw ko naman syang kulitin at baka makaistorbo lang ako. So this is the reason why I'm feeling this way. Pakiramdam ko'y babaliktad ang sikmura ko anumang oras kapag hindi ko kinaya ang kaba. I badly need updates! Hindi lang pag-aa
These problems have to be solved as soon as possible. Sa bawat paglipas ng minuto ay mga buhay na mas nalalagay sa alanganin, may mga bagay na patuloy na nagbabago at mas lumalaki ang problema.“Calm down, Alliyah! We're on a highway!” natatarantang awat sa akin ni Olive. “Kalmado ako, Olive.”“Bumibilis ang takbo ng sasakyan! Damn it!” Kung wala kami sa gitna ng mga suliranin, baka tinawanan ko sya. Subalit alam naming pareho kung saan kami pupunta, there's no room for jokes especially when we're heading at Callanda Villa where Denise is currently residing. I had series of thoughts last night, thinking how would I solve something without messing up the initials plans and here we go, trusting our guts. Bahala na kung anong mangyari. Binagalan ko ang pagmamaneho nang makarating kami sa bukana ng village. Alerto ang gwardyang naroon, agad kinatok ang bintana ng aking sasakyan. I rolled the window down, exposing my face Upang wala nang maraming tanong, ipinakita ko na sa kanya ang ID
“Thank you so much for coming tonight!” pagtatapos ko sa munting selebrasyon. Natapos ang giveaway ceremony sa masigabong palakpakan. Hindi nawala ang ngiti ko sa mga dumalo hanggang sa unti-unti silang humupa. Napuno ng mga sasakyan ang malawak na parking lot dahil sa dami ng tao. Ngayon kami nagrelease ng giveaway paintings bilang pagdiriwang ng target sales. Sa nakalipas na mahigit isang buwan, pumalo iyon nang higit pa sa inaasahan. “Congratulations, 'cous!” Saglit akong niyakap ni Olive.“Congrats, Alliyah.” Tipid na ngiti ang iginawad sa akin ni Ruan. He's here together with Luke and Slyghen.Marami pa akong natanggap na pagbati at pasasalamat mula sa mga maswerteng nakatanggap ng paintings.“Sana mas umunlad pa ang negosyo mo, Alliyah. I'm rooting for you!”I smiled at Slyghen. “Salamat sa pagpunta.”“Well, sulit na sulit naman!”Hinintay ko lang matapos ang pagpapasalamat ng mga dumalo bago ako nagtungo sa office upang isaayos na ang mga gamit ko. It's past 7pm at kailangan
Tagaktak ang pawis ko pagkatapos ng matagal na pagsusuka. What's making it harder for me is the dizziness. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit ng sikmura ko. Kanina pa ako naduduwal ngunit wala namang lumalabas sa bibig ko. I haven't eaten my breakfast yet. Gusto ko munang ikalma ang katawan ko bago kumain nang sa gayon ay hindi masayang ang pagkaing isusuka ko lang. Ganito kahirap magbuntis.Maagap akong nasambot ni Russel nang bigla akong napaupo, hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.“Damn it! Is this fucking normal?” Kanina pa sya naiinis sa nakikita niya. Akmang papasok na sya sa trabaho nang bigla akong mapasugod sa lababo. Obviously, narito pa rin siya, trenta minutos na ang nakalilipas. Kumukulo ang tiyan ko dahil sa gutom ngunit sumasabay naman ang naduduwal na pakiramdam. Naglalaway rin ako dahil siguro'y napasukan ng lamig ang sikmura ko. Ngayon, hindi ako makapagpasya kung dapat na ba akong kumain o mamaya na lang.“Can I just bring you to the hospital?”I stared at my wo
“May gusto ka bang ipaluto kay Manang?”Seconds had passed, he didn't receive any response from me. Nakatitig lang ako sa puting kisame habang nakahiga sa kama. This is just another day to waste. Nagising na naman akong nasusuka. Ilang minuto akong nasa lababo, wala naman akong inilabas kung 'di tubig lang. Obviously, hindi na naman pumasok si Russel. Habang tumatagal ay mas naaapektuhan na ako ng pagbubuntis ko kaya't mas naaabala sya. Although I'm already expecting this, I still hate the feeling. Sino ba naman ang may gustong manghina ang katawan, mahilo at masuka kada umaga? “Alliyah...” he called out.That's when I decided to speak. “Wala. I will eat whatever is on my plate,” sagot ko nang hindi sya nililingon.“Ang sungit mo na naman.”“I'm not.”“I doubt that. Are you still mad at me?”I sighed. Tumagilid ako paharap sa pader, tinalikuran ko sya. I won't fool myself. Alam kong naiinis na naman ako. Hindi ko nga lang iyan masasabi nang direkta sa kanya. I don't think I can. Bak
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my