Home / All / Beyond The Lines / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Beyond The Lines: Chapter 1 - Chapter 10

272 Chapters

Simula

Sa pangalawang pagkakataon ay tiningnan ko ang relos sa aking palapulsuhan upang makita ang oras doon. Halos kahalating oras na pala ang nakalipas. Kaunti na lang at matatapos ko na ito.   Muli akong nag-angat ng tingin, direkta sa lalaking mag-isang nakaupo sa katabing cottage kung saan ako naroon. Naka-side view siya kaya marahil ay hindi niya ako napapansin at bukod diyan ay seryoso siyang nagbabasa ng libro. Nakapatong naman sa mesa ang sketchpad ko kaya naging madali sa akin na iguhit siya. Pinatungan ko pa ng kaunting shading ang paligid at dinagdagan ng highlight ang kaniyang wavy hair bago muling tinitigan ang kabuuan ng drawing. Isinama ko na rin sa sketch ang cottage.   Habang pinapasadahan ito'y hindi ko maiwasang mamangha, hindi sa sketch kundi sa kaniya mismo. Marami naman na akong nakilalang lalak
last updateLast Updated : 2021-09-07
Read more

Kabanata 1

Nanatili akong nakatingin sa salamin habang dinadampot ang face powder sa study table na nakapuwesto sa gilid ng aking higaan. Doon din nakapatong ang mga libro ko at ilang sketchpad. Naglagay ako ng kaunting pulbos sa mukha at pinahiran ng kaunting liptint ang maninipis kong labi. Marahan kong sinuklay ang aking buhok at pagkatapos ay itinali iyon.Sa harap ay kumikinang ang repleksyon ng suot kong hikaw. Simpleng white pearls lang ang mga iyon na bumagay sa pink kong dress. Hiniram ko lang ito kay Venus dahil lahat ng bestida ko ay luma na. Ayoko namang humarap sa mga bisita na ganoon ang suot.Umupo ako sa dulo ng kama para maisuot ang sandalyas na kabibili ko lang din kahapon. Sinuwerte ako sa sinalihan kong art competition kaya't nagkaroon ako ng sapat na pambili ng mga gusto ko at yung iba ay ibinigay ko kay Nanay.Nagawi ang tingin ko sa naka-frame na sketch sa aking study table. Halos tatlong taon na rin ang nakalipas magmula nung iginuhit ko siya at han
last updateLast Updated : 2021-09-07
Read more

Kabanata 2

  “What is it?”   Bakit ang prangka naman yata niya?    “Sorry, S-sir... ano... thank you sa paghatid nung gift.” Sa ibang direksyon ako nakatingin dahil hindi ko siya kayang tingnan sa mata.    “That's from Ruan. He should be the one you're saying thanks to. Do you have anything else to say?”    Napahiya naman ako roon. Kay Ruan pala. Gusto kong sapukin ang sarili ko.   “Sige, S-sir... magpapasalamat pa rin ako sa kaniya. P-pero ikaw yung naghatid kaya... salamat din.”   Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita. “I'm leaving. I won't grant another favor from your boyfriend again. There'll be no next time.”   “Sir, hindi ko po siya boyfr—”    Tuluyan na siyang nakasakay sa kotse kaya hindi na niya narinig iyon. Nang mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko ay saka lamang
last updateLast Updated : 2021-09-07
Read more

Kabanata 3

Agad nasagot ang pagtataka ko nang iluwal ng asul na kurtina ng stage si Russel... at yung sinasabing Denise na ngayon ay nakakapit sa braso niya.    Kung gaano kaingay ang cheers na naririnig ko ay ganoon din kalakas ang kabog ng d****b ko.  Nilingon ko ang mga kasama ko sa table. Nakikipalakpak din sila gayundin si Ruan na pormal na nakaupo sa tabi ko.    “Napakaganda naman nung kasama niya,” rinig kong sabi ni Venus. Bakas ang totoong pagkamangha roon. Ni hindi niya napapansin ang pagkabalisa ko.   Maganda. Walang-wala ako kumpara sa kaniya. Parehong magkahalong kulay asul at itim ang suot nila. Hapit sa katawan ang suot nung babae dahilan para mas madepina ang hubog ng kaniyang katawan. Mas lalo rin siyang tumangkad sa suot na stilettos. Mukha rin siyang may ibang lahi, sa aura pa lang.    Bagay na bagay sila ni Russel.    Napalunok a
last updateLast Updated : 2021-09-07
Read more

Kabanata 4

  Hinanap ng mga mata ko si Denise pero hindi ko ito nakita. Nagtataka lang akong parang wala siya.    “This is Russel, ang aking panganay,” nakangiting panimula niya habang isa-isa kaming tinitingnan. “Son, they're our most loyal workers kaya inimbitahan ko sila ngayon.”   “Magandang gabi, Sir. Ako ho si Banny. Isa ako sa mga katiwala ng Clausen farm.”    Bahagyang yumuko si Russel para tanggapin ang kamay ni Tiyo Banny. “Russel Clausen. Thank you for coming,” pormal niyang tugon.    “Ilang beses pa lang kitang nakita, hijo. Tawagin mo na lang akong Tita Allissa,” magiliw na sabi ni Nanay.    Sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ni Russel nang magkamay sila. “Nice meeting you again, Tita.”   “Yo, man. Ruan here,” nakangising singit ni Ruan.    “Wala ka yatang balak lumipat ng mesa,” sagot ni Russel
last updateLast Updated : 2021-09-07
Read more

Kabanata 5

  Nakapagtatakang nagkakagulo sa bahay nang umuwi kami ni Venus. Nagtipon sa aming bakuran ang ilang farmers.    “What's happening, Tiyo?” kunot-noong anas ni Venus.    Iniwan ko na silang dalawa roon sa labas ng gate. Agad kong nilapitan si nanay na ngayon ay maluha-luhang nakikipag-usap sa kaniyang mga kasama.    Napalingon silang lahat sa akin.    “Ano pong nangyayari?”    “Alliyah, halos kalahati lang ng kabuuang ani ang naisalba mula sa mga peste. Mas marami ang hindi na mapakikinabangan.”    Bigla akong nilukob ng kaba.    Pinagmasdan ko ang mga naroon. Bakas ang pagod sa kanilang lahat na sinasabayan pa ng kaguluhan.    Muling nagsalita si nanay nang hindi agad ako nakaimik.    “Ngayon lang nangyari ito. Sa ilang taon naming pagtatra
last updateLast Updated : 2021-09-07
Read more

Kabanata 6

  Tipid akong ngumiti at inabot ang kaniyang kamay. “Alliyah Martinez po, Sir.”   Dumapo ang tingin nito sa aking case nang ilapag ko iyon sa mesa.    “You look familiar,” diretsang saad nito.    Ikaw rin, pamilyar...pero hindi ko maalala kung saan kita nakita...   Hindi ko iyon maisatinig.    “I bet you have already seen her somewhere,” ani Ruan. “After all, we're living in the same planet,” biro pa niya.    “I know.” Ngumisi ang lalaki.   “By the way, Alliyah, just call me Luke. I preferred that,” nakangiting turan nito sa akin.    Ibang-iba ang aura niya kay Russel. Pareho silang pormal pero magaan ang pakiramdam ko sa kaniya.    “Matagal ka nang gumuguhit?”    “Since I was 10.”   “Cool, can I see your wor
last updateLast Updated : 2021-09-11
Read more

Kabanata 7

 Kung gaano kabilis ang oras ay ganoon din kabilis ang mga pangyayari. Kinabukasan ay pumutok na lang ang balitang kailangan munang ipasara ang farm dahil sa imbestigasyon. Nang araw ding iyon ay aligaga kami ni Nanay sa pag-iimpake ng mga damit. Hindi ko mapigilan ang pamamasa ng mga mata ko habang pinanonood na isakay ang mga gamit namin sa truck. Katulong namin ang ilang mga katrabaho ni Nanay pati na rin sina Venus at Tiyo Banny. “Saan ang punta niyo niyan?” nabusangot na anas ni Venus. “Hindi ko pa alam, Venus. Masyadong biglaan.” Mahigpit niya akong niyakap. “Kahit mapalayo pa kayo, pupuntahan kita! Laging available ang tricycle ni Tiyo Banny!” Natawa na lang ako habang sinusuklian ang yakap niya. “It's okay! Hindi naman siguro kami mapapalayo. Maraming house for rent diyan sa t
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

Kabanata 8

 Gamit ang libre kong kamay ay muli kong tinipon sa isang side ang ilang hibla ng buhok kong kumakawala dahil sa hangin. Nagpatuloy ako sa pagguhit. Bukod sa preskong hangin ay malaking tulong ang katahimikan para makapag-relax ako. Sa Clausen farm naman ay sariwa rin ang hangin pero hindi kasing-tahimik ng lugar na ito. Palibhasa'y pare-parehong wala rito ang mag-anak. Nasa paaralan sina Daimler at Madeley at may pinuntahan din ang mag-asawa. Si Nanay naman ay namalengke. Hindi na rin niya ako pinasama dahil may inatasang driver naman na makakasama niya roon kaya ako lang mag-isa ang narito.  Nakanguso ako habang tinatapos ang drawing. Dapat ay kahapon ko pa ito sinimulan pero kasi, nananantya pa rin ako. Hindi madaling maging komportable nang ganoon kabilis sa mansion. Yesterday, I spent almost my whole day talking to Venus on the phone. Inilahad ko sa kaniya isa-isa ang mga nangyari, hindi kasama roon ang personal kong nararamdaman. Kung kah
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

Kabanata 9

 Dali-dali akong bumaba mula sa kwarto kahit magulo pa ang buhok. Nag-iiwan ng ingay ang bawat hakbang ko sa hagdan dahil mabibigat iyon. Nilagpasan ko si Nanay na kasalukuyang naghahanda ng almusal. Ang sabi ni Ma'am Navi ay pare-parehong nasa bakasyon ang maids nila at dalawang hardinero. Sakto rin namang nangyari iyon sa farm at napalipat kami rito nang wala sa oras. Kahit papaano'y makatutulong kami sa mga gawaing bahay, wala mang sabihin ang mga Clausen.  Narinig ko pa ang tanong ni Nanay kung bakit ako nagmamadali pero hindi ko na iyon nagawang sagutin.  Dumiretso ako sala at agad tiningnan ang bilog na mesa pero wala na roon ang sketchpad ko. Sigurado akong dito ko iyon naiwan kahapon!  Bumalik ako sa kusina.  “Nay? Yung sketchpad ko?” “Jusko kang bata ka. Sketchpad agad hinahanap mo, eh tingnan mo nga
last updateLast Updated : 2021-09-19
Read more
PREV
123456
...
28
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status