Share

Kabanata 1

Author: Inbluence
last update Huling Na-update: 2021-09-07 15:39:12

Nanatili akong nakatingin sa salamin habang dinadampot ang face powder sa study table na nakapuwesto sa gilid ng aking higaan. Doon din nakapatong ang mga libro ko at ilang sketchpad. Naglagay ako ng kaunting pulbos sa mukha at pinahiran ng kaunting liptint ang maninipis kong labi. Marahan kong sinuklay ang aking buhok at pagkatapos ay itinali iyon.

Sa harap ay kumikinang ang repleksyon ng suot kong hikaw. Simpleng white pearls lang ang mga iyon na bumagay sa pink kong dress. Hiniram ko lang ito kay Venus dahil lahat ng bestida ko ay luma na. Ayoko namang humarap sa mga bisita na ganoon ang suot.

Umupo ako sa dulo ng kama para maisuot ang sandalyas na kabibili ko lang din kahapon. Sinuwerte ako sa sinalihan kong art competition kaya't nagkaroon ako ng sapat na pambili ng mga gusto ko at yung iba ay ibinigay ko kay Nanay.

Nagawi ang tingin ko sa naka-frame na sketch sa aking study table. Halos tatlong taon na rin ang nakalipas magmula nung iginuhit ko siya at hanggang ngayon ay walang nagbago sa nararamdaman ko. Totoo nga talagang nangyayari ang love at first sight. Napapailing na lang ako sa tuwing naiisip ko yung nakatatawang nangyari noon.

Now I wonder, would he still recognize me kung sakaling magkita kami muli? Would he still remember the girl who messed up with his car's window years ago? Hindi ko alam. Pero alin man sa dalawang iyan, tiyak lalamunin na naman ako ng lupa sa kahihiyan.

Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago magpasyang lumabas na ng aking silid.

“Mabuti naman at nakagayak ka na. Tulungan mo ako rito,” bungad ng nanay ko. Nag-aayos na siya ng mga plato at iba pang kagamitan sa hapag-kainan.

Nagtungo ako sa kusina para kunin ang mga pagkaing ihahain sa mesa. Isa-isa kong ipinuwesto ang mga iyon sa maayos na pagkakahilera. Si Nanay ang nagluto ng mga putahe samantalang ako naman ang nagluto ng spaghetti at sopas.

Ipagdiriwang namin ngayon ang pagtatapos ko ng High School. Pagkatapos nito, hindi ko alam kung makapagpapatuloy pa ako sa kolehiyo dahil sigurado akong mas mahihirapan lang si Nanay. Kung magpupursige man ako hanggang kolehiyo ay sarili ko na lang ang pwede kong asahan.

Sa ngayon ay malabo pa sa akin ang susunod kong gagawin dahil wala pa akong malinaw na plano. Posible ring magtrabaho na muna ako para makapag-ipon.

“Nariyan na ang mga Clausen.” Pumasok si Tiyo Banny upang ibalita iyon.

Lumabas sila ni Nanay para salubungin ang mga bisita.

Lumapit ako sa pinto para makita rin sila. Dalawang magkasunod na kotse ang pumasok sa loob ng bakuran namin. Ang isa ay gray at ang isa ay itim. Mula sa gray na kotse ay bumaba ang isang babae. May suot siyang brown na shades. Pinarisan niya ng pulang heels ang suot na bodycon dress. Sa tingin ko'y nasa mid 40's na siya. Sa katabi niya'y isang lalaking nakasuot ng formal attire.

Sumunod na bumaba ang isang binata at isang dalagita mula sa itim na kotse. Sa kabuuang bilang ay apat lang sila ngunit naging mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Bukod sa ito ang unang beses na makikilala ko ang pamilya Clausen na silang may-ari ng lupaing pinagtatrabahuhan ng magulang ko ay masyado akong namamangha sa taas ng kanilang antas. Tuloy ay iniisip ko rin kung magugustuhan kaya nila ang mga pagkaing inihanda namin.

Nang tuluyan na silang nakapasok sa bahay namin ay hindi ko alam ang gagawin.

“Magandang araw po,” maingat kong bati.

“You're Allisa's daughter, right?” Ibinaba ng ginang ang kaniyang shades at tiningnan ako.

“Opo.” Ngumiti ako nang bahagya.

“Maupo na kayo.” Iginiya sila ni Nanay sa mesa.

“I like the preparations, Allissa. You all made these?”

“Kaming dalawa ni Alliyah, Ma'am Navi.”

Tahimik naming sinimulan ang pagkain.

“So... this is our first meeting, right? I am Navillie Clausen and this is my husband, Ridley Clausen. My son, Daimler, and my daughter, Madeley,” panimula ni Ma'am Navi.

“Alliyah po. Nice meeting you all po,” anas ko at isa-isa silang tiningnan ngunit tanging ang mag-asawa lang ang tumango sa akin.

Tumikhim si Sir Ridley. “Oh, I forgot. Congratulations, hija. Anong kukunin mong kurso sa college?”

“Hindi ko pa po alam,” nahihiyang sagot ko.

“Ah, sa ngayon kasi ay kapos kami. Pero kung papalarin, baka tumuloy siya sa pag-aaral,” sabi ni Nanay.

Sa sulok ng mga mata ko'y tahimik lang na kumakain ang magkapatid na Clausen. Ganito rin siguro sila kailap sa ibang tao. Tanging ang ingay ng nagbubungguang kubyertos ang naririnig ko.

“Oh, I see. Ilang taon ka na ba, Alliyah?” muling baling sa akin ni Ma'am Navi.

“Eighteen po.”

“Daimler is eighteen too but he's in third year college now. Why is that?”

“Natigil po kasi ako nang dalawang taon dahil na-ospital si Nanay.”

“Uhm, sayang naman kung hindi ka magpapatuloy,” saglit na tumigil si Sir Ridley at nilingon ang binatang anak. “Nasaan nga pala ang kuya mo, Daimler? Wala raw siya sa opisina niya.”

Iyon pa lang ang unang beses na nag-angat ng tingin ang anak nilang lalaki. “I don't know. Maybe he's in the condo.”

“He has no interest at all. Sinabihan ko siyang sumama sa amin dito pero ayaw niya,” may bahid ng paumanhin na sabi ni Sir Ridley.

“Naku, ayos lang, Sir. Sobra na po iyong pagpunta ninyo rito. Maraming salamat,” nakangiting tugon ni Nanay.

“Anyways, hija, kung gusto mo, puwede ka naming ilakad sa Clinton University. You can apply for a scholarship there. Daimler is also there to assist you kung kailangan mo ng tulong. Right, son?” She looked at Daimler.

Mula sa seryosong pagkain ay muli namang naabala ang binata. “Sure, 'ma,” tipid na imik nito. Sa tabi niya'y tahimik ding kumakain ang nakababatang kapatid na babae na sa pagkakatanda ko'y Madeley ang pangalan.

Tumikhim ako. “H-hindi po talaga ako sigurado kung magpapatuloy ako.”

Sir Ridley nodded his head. “Basta kung magbago ang isip mo, magsabi ka lang, hija.”

“Salamat po,” nangingiting saad ko at nahihiyang nagyuko. Itinuon ko na lang sa plato ang mga mata ko.

Ang kaninang nakalukunod na kaba ko'y biglang naibsan sa init ng pakikitungo nila. Hindi ko akalaing ganito sila kabait.

“The food's great!” Iyon ang huling narinig ko kay Ma'am Navi sa hapag hanggang sa natapos na kaming lahat sa pagkain.

Nauna nang umuwi ang mga anak nila, samantala nagpasama pa sa amin ang mag-asawa para libutin ang malawak na taniman.

“Gusto kong si Daimler ang mamahala ng lupaing ito pagkatapos niyang mag-aral.”

Naglalakad kami ngayon patungo sa taniman ng mais. Niyaya ni Tiyo Banny si Sir Ridley sa kung saan kaya't ang kasama ko lang ngayon ay sina Nanay at Ma'am Navi na silang nasa unahan ko at nag-uusap.

“Napakasuwerte ni Daimler kung ganoon,” komento ni Nanay.

Nabanggit sa akin ni Nanay na naging batch mate niya noon si Ma'am Navi kaya kahit papaano'y mayroon silang mabuting ugnayan. Anak-mayaman ito kaya naman hindi rin kataka-takang naging priority nito ang pag-aaral at kalaunan ay nakapagtapos at nasungkit ang pinakamataas na rank sa kolehiyo.

“Kung hindi lang matigas ang ulo ni Russel ay siya ngayon ang naririto kasama ninyo, hindi ang asawa kong si Ridley. That's why magmula noong nasa legal age na siya ay isinalang na siya sa training ng ama niya. Now, after years of training, he has successfully passed it. And oh! Bukas nga pala ay may event sa bahay. Sana makapunta kayo,” mahabang litanya ni Ma'am Navi.

Russel...

Para akong kakapusin ng hininga nang marinig ko ang pangalang iyon.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga para mabawasan ang biglang pagbigat ng pakiramdam ko.

“Ganoon talaga kapag lumalaki ang mga bata. Nagkakaroon din ng sariling interests,” natatawang sagot ni Nanay. “Susubukan naming pumunta,” pahabol pa niya.

“You're right. Good thing, Daimler agreed to my offer. Besides, kung hindi pa siya papayag, mapipilitan kaming ibenta ito. Malapit na ang pagbalik namin ni Ridley sa Britain at gusto ring sumama ni Madeley dahil gusto niyang doon mag-take ng course niya.”

Nakalulungkot isiping posible palang mawala sa kanila ang lupain. Ilang taon na kaming namumuhay rito. At isa pa, hindi ko alam kung makakaya ba naming mangupahan ni Nanay gayong libre kaming nakatitira rito kapalit ng pangangalaga ng farm.

Pagbalik namin sa bakuran ay naghihintay na roon si Sir Ridley. Hindi na niya kasama si Tiyo Banny. Malamang ay bumalik na rin iyon sa trabaho.

“Let's go?” Inalalayan niya ang asawa papasok sa kanilang sasakyan.

“We're leaving, Allissa. Nice meeting you, hija.”

Kinawayan sila ni Nanay hanggang sa makalabas na sila ng main gate.

Nang kinahapunan ay nagsidagsaan na yung mga katrabaho ni Nanay sa farm upang ipagpatuloy ang munting selebrasyon. Ang totoo ay kaunti lang ang ginastos namin dahil ang karamihan ay mula sa ambag ng aming mga kabaryo. Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa kanila.

“Alliyah, gumising ka.”

Naistorbo ang tulog ko nang magising ako sa tapik ni Nanay. Agad napagawi ang tingin ko sa alarm clock at nalamang alas otso na ng gabi. Napagod ako sa paglilinis kanina kaya ang bilis kong nakatulog.

“Inay naman,” reklamo ko habang mas dinadama ang lambot ng kumot sa balat ko.

“Bumangon ka riyan at may bisita ka.”

“Gabing-gabi na, 'nay. Pauwiin niyo na po,” tamad na tamad kong sabi. Bumaling ako sa kabilang side.

Ngunit naramdaman ko na lang ang pagsakit ng tainga ko nang pingutin iyon ni Nanay.

“Aba! Kailangan mong harapin ang panganay na Clausen, kung hindi ay magagalit sa iyo si Ma'am Navi! Bilisan mo at naghihintay iyon!” pananakot niya sa akin sa pabirong paraan.

Awtomatiko akong napabangon sa gulat. Kinusot ko ang mga mata ko habang ang mga kilay ko'y nangungunot. “Anong ibig mong sabihin, 'nay?” kabado kong turan.

“Si Russel kako, pumunta rito ngayong gabi. Kaya pumaroon ka na!”

Agad umakyat ang init sa buong mukha ko. Mas lalo akong nataranta nang lumabas na si Nanay at sinabing sumunod na lang ako.

Gusto kong matulala pero nasasapawan ako ng halo-halong nararamdaman. Parang kanina lang ay iniisip ko siya tapos ngayon ay narito na siya sa bahay! At bakit naman siya pumunta? Does he even know me? Hindi kaya pinapunta siya rito ng mom niya o ni Sir Ridley? But for what?

Makailang-beses akong huminga nang malalim bago suklayin ang magulo kong buhok. Hindi gaya ng nakasanayan ko'y hindi ko magawang ngumiti sa salamin. Bahagya ring nanginginig ang kamay ko sa hindi malamang dahilan! Bakit? Bakit ngayon pa? Hindi ako handa!

Natabig ko ang pulbos dahil sa kabang nararamdaman. Nalaglag iyon sa sahig ngunit hindi ko na iyon nagawang pulutin pa. Nang masigurong maayos na ang hitsura ko ay nagtungo na ako sa pintuan. Hindi ko kaagad naihakbang ang mga paa ko palabas dahil para akong maduduwal sa kaba. Minasahe ko ang aking mga kamay para pakalmahin iyon saka tuluyang lumabas ng silid.

Nakayuko akong naglalakad patungo sa sala. Hindi ko yata siya kayang makita.

“Ano iyang ginagawa mo, Alliyah?” sita ni Nanay nang mabunggo ko siya.

Nakayuko lang ako't pinag-iisipan kung anong sasabihin ko. Ano nga ba? At dahil nakikita ko na yung pula naming carpet ay alam kong nasa sala na nga ako and worse... baka nasa harapan ko lang siya.

“Tss. What took you so long?” Ang boses na iyon ang tuluyang nagpahurumentado sa puso ko.

Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha. Sa galaw kong iyon ay nagtagpo ang aming mga mata. Iyong mga matang itim na itim na minsan ko na ring nakita ay hindi ko kailanman inasahang masisilayan kong muli at ganito pa kalapit ngayon.

Napalunok ako. Para bang naipon ang hangin sa dibdib ko at hindi ko na alam kung paano hihinga nang maayos. Naghalo-halo na yung mga iniisip ko.

Hindi na siya nagtagal sa kinauupuan. Tumayo siya dahilan para mapatingala ako. Napagtanto kong ganoon din pala siya katangkad.

“I just came here to give you this.” Kinuha niya iyong pulang kahong nakapatong sa upuang kahoy at diretsong iniabot sa akin. Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kaniya. Ganito pala talaga siya kaguwapo!

Nang walang nakuhang sagot sa akin ay tumaas-baba ang Adam's apple niya. “Just... accept it already. I still have load of things to do,” bakas ang inip na sabi niya.

Tila nahimasmasan ako. “S-sorry. Pasensya na po sa abala.” Iniwasan kong maglapat ang aming mga kamay. Dali-dali ko iyong kinuha sa kaniya.

“I'm going,” suplado niyang paalam.

“Naku, hindi ka man lang ba kakain, hijo?” pigil ni Nanay.

“I'm fine, Tita. Thanks.” Tipid siyang ngumiti, hindi sa akin kundi kay Nanay.

Palihim akong napanguso. Bakit sa akin ay nagsusungit siya?

“Kung ganoon ay mag-iingat ka,” habilin ni Nanay.

Tumango lang siya bilang sagot. Nakalabas na siya ng pinto pero hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

What? Ganoon lang iyon? Ni hindi man lang niya ako tiningnan nang matagal!

“At ano namang hinihintay mo, Alliyah? Ihatid mo siya sa gate,” mariing utos ni Nanay habang tinutulak ang balikat ko.

“Inay naman, ano naman ang sasabihin ko?”

“Naku! Hindi puwede ang ganiyang asta, Alliyah! Dapat lang na maging maasikaso tayo sa bisita. Sige na, sundan mo na nang makapagpasalamat ka nang maayos!”

Wala na akong nagawa nang dalhin ako ng mga paa ko sa labas ng bahay. Saktong papasok na siya sa kaniyang sasakyan nang mapansin niya ako.

Kaugnay na kabanata

  • Beyond The Lines   Kabanata 2

    “What is it?” Bakit ang prangka naman yata niya? “Sorry, S-sir... ano... thank you sa paghatid nung gift.” Sa ibang direksyon ako nakatingin dahil hindi ko siya kayang tingnan sa mata. “That's from Ruan. He should be the one you're saying thanks to. Do you have anything else to say?” Napahiya naman ako roon. Kay Ruan pala. Gusto kong sapukin ang sarili ko. “Sige, S-sir... magpapasalamat pa rin ako sa kaniya. P-pero ikaw yung naghatid kaya... salamat din.” Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita. “I'm leaving. I won't grant another favor from your boyfriend again. There'll be no next time.” “Sir, hindi ko po siya boyfr—” Tuluyan na siyang nakasakay sa kotse kaya hindi na niya narinig iyon. Nang mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko ay saka lamang

    Huling Na-update : 2021-09-07
  • Beyond The Lines   Kabanata 3

    Agad nasagot ang pagtataka ko nang iluwal ng asul na kurtina ng stage si Russel... at yung sinasabing Denise na ngayon ay nakakapit sa braso niya. Kung gaano kaingay ang cheers na naririnig ko ay ganoon din kalakas ang kabog ng d****b ko. Nilingon ko ang mga kasama ko sa table. Nakikipalakpak din sila gayundin si Ruan na pormal na nakaupo sa tabi ko. “Napakaganda naman nung kasama niya,” rinig kong sabi ni Venus. Bakas ang totoong pagkamangha roon. Ni hindi niya napapansin ang pagkabalisa ko. Maganda. Walang-wala ako kumpara sa kaniya. Parehong magkahalong kulay asul at itim ang suot nila. Hapit sa katawan ang suot nung babae dahilan para mas madepina ang hubog ng kaniyang katawan. Mas lalo rin siyang tumangkad sa suot na stilettos. Mukha rin siyang may ibang lahi, sa aura pa lang. Bagay na bagay sila ni Russel. Napalunok a

    Huling Na-update : 2021-09-07
  • Beyond The Lines   Kabanata 4

    Hinanap ng mga mata ko si Denise pero hindi ko ito nakita. Nagtataka lang akong parang wala siya. “This is Russel, ang aking panganay,” nakangiting panimula niya habang isa-isa kaming tinitingnan. “Son, they're our most loyal workers kaya inimbitahan ko sila ngayon.” “Magandang gabi, Sir. Ako ho si Banny. Isa ako sa mga katiwala ng Clausen farm.” Bahagyang yumuko si Russel para tanggapin ang kamay ni Tiyo Banny. “Russel Clausen. Thank you for coming,” pormal niyang tugon. “Ilang beses pa lang kitang nakita, hijo. Tawagin mo na lang akong Tita Allissa,” magiliw na sabi ni Nanay. Sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ni Russel nang magkamay sila. “Nice meeting you again, Tita.” “Yo, man. Ruan here,” nakangising singit ni Ruan. “Wala ka yatang balak lumipat ng mesa,” sagot ni Russel

    Huling Na-update : 2021-09-07
  • Beyond The Lines   Kabanata 5

    Nakapagtatakang nagkakagulo sa bahay nang umuwi kami ni Venus. Nagtipon sa aming bakuran ang ilang farmers. “What's happening, Tiyo?” kunot-noong anas ni Venus. Iniwan ko na silang dalawa roon sa labas ng gate. Agad kong nilapitan si nanay na ngayon ay maluha-luhang nakikipag-usap sa kaniyang mga kasama. Napalingon silang lahat sa akin. “Ano pong nangyayari?” “Alliyah, halos kalahati lang ng kabuuang ani ang naisalba mula sa mga peste. Mas marami ang hindi na mapakikinabangan.” Bigla akong nilukob ng kaba. Pinagmasdan ko ang mga naroon. Bakas ang pagod sa kanilang lahat na sinasabayan pa ng kaguluhan. Muling nagsalita si nanay nang hindi agad ako nakaimik. “Ngayon lang nangyari ito. Sa ilang taon naming pagtatra

    Huling Na-update : 2021-09-07
  • Beyond The Lines   Kabanata 6

    Tipid akong ngumiti at inabot ang kaniyang kamay. “Alliyah Martinez po, Sir.” Dumapo ang tingin nito sa aking case nang ilapag ko iyon sa mesa. “You look familiar,” diretsang saad nito. Ikaw rin, pamilyar...pero hindi ko maalala kung saan kita nakita... Hindi ko iyon maisatinig. “I bet you have already seen her somewhere,” ani Ruan. “After all, we're living in the same planet,” biro pa niya. “I know.” Ngumisi ang lalaki. “By the way, Alliyah, just call me Luke. I preferred that,” nakangiting turan nito sa akin. Ibang-iba ang aura niya kay Russel. Pareho silang pormal pero magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. “Matagal ka nang gumuguhit?” “Since I was 10.” “Cool, can I see your wor

    Huling Na-update : 2021-09-11
  • Beyond The Lines   Kabanata 7

    Kung gaano kabilis ang oras ay ganoon din kabilis ang mga pangyayari. Kinabukasan ay pumutok na lang ang balitang kailangan munang ipasara ang farm dahil sa imbestigasyon. Nang araw ding iyon ay aligaga kami ni Nanay sa pag-iimpake ng mga damit. Hindi ko mapigilan ang pamamasa ng mga mata ko habang pinanonood na isakay ang mga gamit namin sa truck.Katulong namin ang ilang mga katrabaho ni Nanay pati na rin sina Venus at Tiyo Banny.“Saan ang punta niyo niyan?” nabusangot na anas ni Venus.“Hindi ko pa alam, Venus. Masyadong biglaan.”Mahigpit niya akong niyakap.“Kahit mapalayo pa kayo, pupuntahan kita! Laging available ang tricycle ni Tiyo Banny!”Natawa na lang ako habang sinusuklian ang yakap niya.“It's okay! Hindi naman siguro kami mapapalayo. Maraming house for rent diyan sa t

    Huling Na-update : 2021-09-14
  • Beyond The Lines   Kabanata 8

    Gamit ang libre kong kamay ay muli kong tinipon sa isang side ang ilang hibla ng buhok kong kumakawala dahil sa hangin. Nagpatuloy ako sa pagguhit. Bukod sa preskong hangin ay malaking tulong ang katahimikan para makapag-relax ako. Sa Clausen farm naman ay sariwa rin ang hangin pero hindi kasing-tahimik ng lugar na ito. Palibhasa'y pare-parehong wala rito ang mag-anak. Nasa paaralan sina Daimler at Madeley at may pinuntahan din ang mag-asawa. Si Nanay naman ay namalengke. Hindi na rin niya ako pinasama dahil may inatasang driver naman na makakasama niya roon kaya ako lang mag-isa ang narito.Nakanguso ako habang tinatapos ang drawing. Dapat ay kahapon ko pa ito sinimulan pero kasi, nananantya pa rin ako. Hindi madaling maging komportable nang ganoon kabilis sa mansion. Yesterday, I spent almost my whole day talking to Venus on the phone. Inilahad ko sa kaniya isa-isa ang mga nangyari, hindi kasama roon ang personal kong nararamdaman. Kung kah

    Huling Na-update : 2021-09-14
  • Beyond The Lines   Kabanata 9

    Dali-dali akong bumaba mula sa kwarto kahit magulo pa ang buhok. Nag-iiwan ng ingay ang bawat hakbang ko sa hagdan dahil mabibigat iyon.Nilagpasan ko si Nanay na kasalukuyang naghahanda ng almusal. Ang sabi ni Ma'am Navi ay pare-parehong nasa bakasyon ang maids nila at dalawang hardinero. Sakto rin namang nangyari iyon sa farm at napalipat kami rito nang wala sa oras. Kahit papaano'y makatutulong kami sa mga gawaing bahay, wala mang sabihin ang mga Clausen.Narinig ko pa ang tanong ni Nanay kung bakit ako nagmamadali pero hindi ko na iyon nagawang sagutin.Dumiretso ako sala at agad tiningnan ang bilog na mesa pero wala na roon ang sketchpad ko. Sigurado akong dito ko iyon naiwan kahapon!Bumalik ako sa kusina.“Nay? Yung sketchpad ko?”“Jusko kang bata ka. Sketchpad agad hinahanap mo, eh tingnan mo nga

    Huling Na-update : 2021-09-19

Pinakabagong kabanata

  • Beyond The Lines   Wakas

    Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s

  • Beyond The Lines   Kabanata 270

    “Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng

  • Beyond The Lines   Kabanata 269

    “Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan

  • Beyond The Lines   Kabanata 268

    Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin

  • Beyond The Lines   Kabanata 267

    I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the

  • Beyond The Lines   Kabanata 266

    “Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami

  • Beyond The Lines   Kabanata 265

    “Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my

  • Beyond The Lines   Kabanata 264

    “Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad

  • Beyond The Lines   Kabanata 263

    “Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik

DMCA.com Protection Status