Kung gaano kabilis ang oras ay ganoon din kabilis ang mga pangyayari. Kinabukasan ay pumutok na lang ang balitang kailangan munang ipasara ang farm dahil sa imbestigasyon. Nang araw ding iyon ay aligaga kami ni Nanay sa pag-iimpake ng mga damit. Hindi ko mapigilan ang pamamasa ng mga mata ko habang pinanonood na isakay ang mga gamit namin sa truck.
Katulong namin ang ilang mga katrabaho ni Nanay pati na rin sina Venus at Tiyo Banny.
“Saan ang punta niyo niyan?” nabusangot na anas ni Venus.
“Hindi ko pa alam, Venus. Masyadong biglaan.”
Mahigpit niya akong niyakap.
“Kahit mapalayo pa kayo, pupuntahan kita! Laging available ang tricycle ni Tiyo Banny!”
Natawa na lang ako habang sinusuklian ang yakap niya.
“It's okay! Hindi naman siguro kami mapapalayo. Maraming house for rent diyan sa tabi-tabi.”
Marahan kaming kumalas sa isa't isa.
Kahit pala paghandaan ang isang bagay, kapag nandiyan na, hindi pa rin maiiwasan ang pagkabigla. Nasa imahinasyon ko na ito. Bago pa ito mangyari ay alam ko nang malaki ang posibilidad na darating kami sa ganitong punto.
Tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag.
“Alliyah, nasaan na kayo?”
“Nandito pa kami, Ruan. Paalis pa lang—”
Mukhang may umagaw ng cellphone kaya naputol ang sasabihin ko.
“Stay still.”
Hindi agad ako nakapagsalita nang marinig ang boses na iyon.
Hanggang sa namatay na ang tawag ay nakatingin pa rin ako sa screen ng cellphone ko, nakakunot ang aking noo.
“Anong sabi?” usisa ni Venus. Nakaunat ang kaniyang leeg na tila sinisilip ang cellphone ko pero patay na ang screen light doon.
“Papunta na raw sila,” kabado kong sabi.
“Sino?”
“Sila Ruan.”
Dumako ang tingin ko sa gate. Natanaw ko ang iba naming kasamahan na kagaya namin ay naghahanda na rin sa pag-alis.
“Sinong kasama ni Ruan?”
“H-hindi ko alam...”
Hindi ko alam—hindi ako sigurado. Parang imposible namang siya iyon. Bakit naman siya pupunta rito? Wala naman siyang koneksyon sa akin.
“Alliyah, tara na. Magpaalam ka na kay Venus.” Lumapit sa amin si Nanay.
Saglit niyang niyakap si Venus at nginitian ito. “Magpapakabait ka rito, hija. Hayaan mo, dadalawin ka ni Alliyah rito kapag may oras.”
Lalong bumakas ang lungkot sa mukha ng kaibigan ko. Madrama itong nagmaktol. “Mamimiss ko po kayo!”
“Ikaw rin hija. Pero 'wag kang mag-alala, magkikita pa naman tayong lahat,” paniniguro ni Nanay.
“Tatawagan kita kapag nakarating na kami sa aming lilipatan,” saad ko.
“Handa na ba ang lahat? Wala nang naiwan?” boses iyon ni Tiyo Banny.
“Wala na. Tara na, Alliyah.”
Habang papalapit sa gate ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko.
Natigil ang pagsakay ni Nanay sa truck nang dumating ang pamilyar na sasakyan.
Nakumpirma kong siya nga iyon. Nagmamadaling bumaba mula roon si Ruan at sumunod si Russel.
Dalawa silang naglalakad patungo sa amin pero sa isa lang ako nakatitig. Tuwid siyang naglalakad, hindi alintana ang putik na nagmamantsa sa kaniyang sapatos. Maging ang lahat ay natigil dahil sa pagdating nila.
“Sir!” gulat na saad ni Tiyo Banny.
Tiim-bagang na inilibot ni Russel ang paningin sa aming bahay... at pagkatapos ay tumigil ang kaniyang mga mata sa akin.
Binati siya ni Nanay pero nanatili ang tingin niya sa akin.
“Allisa! Matagal pa ba?” inip na sigaw ng driver ng truck.
Nilingon iyon ni Russel.
Ang ilan naming kasama ay nauna nang umalis.
“Heto na, sandali lang! Hijo, mauuna na kami.”
Akmang sasakay na si Nanay pero nagsalita si Russel.
“I am here to fetch you two,” seryosong saad niya habang matalim ang tingin sa akin na para bang may ginawa akong mali.
Geez! Anong problema ng lalaking ito?
“Tita, sa amin na po kayo sumakay, para mas safe.”
Litong-lito man si Nanay ay wala siyang nagawa nang igiya siya ni Ruan sa sasakyan.
Umandar na ang truck at narinig ko na lang ang saad ng driver na susunod siya sa amin.
“Let's go,” malamig na wika ni Russel.
Napapalunok ako habang nakasunod sa kaniya, ang mga mata ko'y naghahanap ng sagot sa malapad niyang likod.
Teka, ano bang nangyayari? Hindi ko ito maintindihan!
Sa kabila ng kalituhan ay nagawa ko pa ring kawayan sa huling pagkakataon sina Venus at Tiyo Banny. Ang nakangiti nilang mukha ang babaunin ko sa pag-alis.
“Nakakahiya naman sa inyo, mga hijo. Nag-abala pa kayo. Sanay kami ni Alliyah sumakay sa truck.”
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Russel hanggang sa nakasakay na kaming lahat.
Maging ako'y gustong mapailing sa dahilan ni Nanay. Seryoso.
Magkatabi sina Russel at Ruan sa front seat samantalang kami ni Nanay ang nasa likod.
“It's okay po, Tita. Mas safe kasi kung sa amin kayo sasabay kaysa sa lumang truck na iyon,” si Ruan ang sumagot.
“In that old truck, beside that random man,” mariing bulong ni Russel na mukhang ako lang ang nakarinig.
What?
Diretso ang tingin niya sa daan hanggang sa makalabas kami ng farm.
Patuloy na nakasunod sa amin ang truck na kargado ng aming mga gamit.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang mansion.
“Hijo, may dadaanan ka ba sa bahay niyo?” takang turan ni Nanay.
Lumingon sa amin si Russel. “Tita, dito muna kayo titira.”
Napasinghap ako. Ano ulit?
Dito?
Paanong...
“Ha? Sigurado ka ba hijo?”
“Yeah.”
Tulala akong bumaba ng sasakyan. Nang bumukas ang malaking gate ng mansion ay saka lang tuluyang nagsink-in sa akin ang sinabi ni Russel.
Ang nakangiting si Ma'am Navi ang bumungad doon. Sa likod niya'y nakahalukipkip si Madeley. Hindi naman siya mukhang galit. Kagaya lang ng kuya niya na masyadong seryoso na akala mo'y pinag-aaralan ang bawat bagay.
“Nakalimutan kong sabihin sa iyo na rito na kayo dumiretso. Good thing, umuwi rito si Russel kaya napakiusapan ko siyang sunduin kayo.”
“Ma'am Navi, nakakahiya naman sa inyo. Ayos lang kung mangupahan kami ni Alliyah.”
“No. Gusto kong dito na muna kayo. Pero bago ang lahat, ayusin muna natin ang mga gamit niyo.”
At ganoon nga ang nangyari. Sa tulong ng guards ay mabilis na naibaba at naipasok ang mga gamit namin sa loob ng mansion. At isa pa'y hindi naman ganoon karami iyon kaya mabilis silang natapos.
Sa pag-aakalang may natira pang gamit sa truck ay bumalik ako sa labas. Ngunit ang naabutan ko lang doon ay si Russel na nag-aabot ng pera sa driver.
Tumigil ako.
Sa ganoong posisyon ako nakita ni Russel. Lumapit siya sa akin ngunit ang tingin ko'y nasa papalayong truck.
“M-magkano po ang ibinayad niyo, Sir?”
“Russel. Just Russel and quit calling me sir,” diretsong saad niya.
Napakamot ako, hindi alam ang susunod na sasabihin.
“Uhm, it doesn't matter.”
Dahil sa hiya ay tumango na lang ako at tinalikuran siya. Ngunit nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso at muling iharap sa kaniya.
“Fine. Five thousand,” balewalang saad niya.
Namilog ang mga mata ko. “F-five? Isang libo lang ang pera namin.”
Kahit ang pagkunot ng noo niya'y magandang pagmasdan. Geez! Nababaliw ka na, Alliyah!
“So?”
“Huh? Syempre babayaran namin iyon—”
“Tss. Really? Forget about it then.”
“P-pero—”
“I'm serious. Don't make me repeat it, Alliyah.”
Muli na naman akong nagulat nang banggitin niya ang pangalan ko. Para akong tinatangay ng tinig niya. Pakiramdam ko'y namumula na naman ang mukha ko ngayon sa kahihiyan!
Kailan ba ako masasanay?
“Son, babalik ka na ba sa opisina?” boses iyon ni Ma'am Navi.
Napaatras ako.
“Yeah, marami pa akong gagawin.”
“Okay. Take care! Let's go inside, hija.”
Gulantang pa rin ako. Ni hindi man lang napangalahatian ng mga gamit namin ang napakalaking guest room. Kahit nung tapos na kami sa paglilinis ay pinoproseso ko pa rin ang nangyari. Mula sa farm, para bang isang kurap lang at narito na kami sa mansion.
Ngunit kahit pa ganito ang kinahinatnan ay hindi ko pa rin magawang matuwa. Posible pala talagang mas magkalapit pa kami ni Russel gaano man kalala ang pag-iwas ko. Malaking problema nga ito.
“Kakain na raw, Alliyah.” Bahagyang binuksan ni Nanay ang pinto para sabihin iyon.
“Susunod na po ako.”
Muli kong nilibot ang paningin sa kabuuan ng silid bago ako tuluyang bumaba. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Naabutan ko sa parihabang mesa ang mag-asawang Clausen at ang magkapatid na sina Daimler at Madeley, sabay-sabay nang kumakain.
Sa sobrang busy namin kanina ay hindi ko namalayang gabi na pala at dinner na ngayon. Naalala kong hindi ko pa napapasalamatan si Ruan sa pagtulong niya.
“Kain na, hija,” nakangiting yaya ni Ma'am Navi.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Daimler. Nag-angat ito ng tingin, nakaangat ang sulok ng labi.
“What a world,” aniya sa pagitan ng pagnguya.
Tiningnan ko siya at nginitian. “Hi, Daimler.”
Dapat ko yatang parangalan ang sarili ko dahil nagagawa kong umakto nang maayos kahit sa loob ko'y hindi ako kumportable.
Nilagyan ni Nanay ng kanin at ulam ang plato ko. Tahimik akong kumain.
“Gusto ko ulit magpasalamat dahil pinatuloy niyo kami rito,” marahang wika ni Nanay.
“It's so fine, Allisa. Actually, gusto ko rin sanang makiusap sa 'yo. Aalis kami ni Ridley sa isang araw. Hindi kami sigurado kung kailan ang balik namin kaya naisip kong makisuyo sa 'yo. Baka puwede mo munang bantayan ang mga bata?”
“Walang problema. Maliit na bagay lang iyon kumpara sa naitulong niyo sa amin.”
“Salamat, hindi kasi namin puwedeng iwan ang dalawang bata rito,” turan ni Sir Ridley.
“Dad, I'm no longer a kid,” giit naman ni Daimler.
Nagtaas ng kilay ang kaniyang ama. “Hangga't hindi mo kayang bantayan ang kapatid mo ay bata ka pa rin, Daimler.”
“Dad, she's no longer my problem. She's just a brat!”
Gusto kong matawa pero pinigilan ko. I can also say that Madeley is a bit spoiled. Halata iyon sa kung paano siya umakto.
“Madeley, puwede bang kumain ka muna?” iritadong puna ni Sir Ridley.
Gaya ni Russel, ang mga mata nito'y madilim na animo'y maaaring makasugat sa tititigan nito.
Magkakadugo nga sila.
Matapos ang buntong-hininga ay umikot ang mata ni Madeley bago muling nagsalita pero nanatili ang atensyon sa kaniyang cellphone. “Kuya Russel is bothering me. Blame him, Dad.”
Tumaas ang kilay ni Sir Ridley.
“At kailan pa siya natutong mangulit?”“Ngayon lang, Dad. He's asking me so many things about—”
“Madeley.”
Napunta ang lahat ng atensyon namin sa biglang pagpasok ng lalaking kababanggit lang ni Madeley. Tanging ang pang-ilalim na polo na lang ang kaniyang suot dahil nakasampay sa kaniyang balikat ang makapal na coat. Ang isang kamay ay nakahawak doon samantalang ang isa'y nasa bulsa ng kaniyang slacks.
Napamura ako sa isip ko. Bakit ang guwapo niya?
Seryoso itong nakatingin sa kaniyang kapatid na para bang nagbabanta.
Napapikit ako. Nandito na naman siya.
“Well...” mapang-asar na bulong ni Daimler. Nakangisi ito sa akin na para bang marami siyang nalalaman!
Nakagat ko ang labi ko dahil sa napagtanto.
Malamang, Alliyah. Simula ngayon ay madalas mo nang makikita si Russel dahil bahay nila 'yan!
Gamit ang libre kong kamay ay muli kong tinipon sa isang side ang ilang hibla ng buhok kong kumakawala dahil sa hangin. Nagpatuloy ako sa pagguhit. Bukod sa preskong hangin ay malaking tulong ang katahimikan para makapag-relax ako. Sa Clausen farm naman ay sariwa rin ang hangin pero hindi kasing-tahimik ng lugar na ito. Palibhasa'y pare-parehong wala rito ang mag-anak. Nasa paaralan sina Daimler at Madeley at may pinuntahan din ang mag-asawa. Si Nanay naman ay namalengke. Hindi na rin niya ako pinasama dahil may inatasang driver naman na makakasama niya roon kaya ako lang mag-isa ang narito.Nakanguso ako habang tinatapos ang drawing. Dapat ay kahapon ko pa ito sinimulan pero kasi, nananantya pa rin ako. Hindi madaling maging komportable nang ganoon kabilis sa mansion. Yesterday, I spent almost my whole day talking to Venus on the phone. Inilahad ko sa kaniya isa-isa ang mga nangyari, hindi kasama roon ang personal kong nararamdaman. Kung kah
Dali-dali akong bumaba mula sa kwarto kahit magulo pa ang buhok. Nag-iiwan ng ingay ang bawat hakbang ko sa hagdan dahil mabibigat iyon.Nilagpasan ko si Nanay na kasalukuyang naghahanda ng almusal. Ang sabi ni Ma'am Navi ay pare-parehong nasa bakasyon ang maids nila at dalawang hardinero. Sakto rin namang nangyari iyon sa farm at napalipat kami rito nang wala sa oras. Kahit papaano'y makatutulong kami sa mga gawaing bahay, wala mang sabihin ang mga Clausen.Narinig ko pa ang tanong ni Nanay kung bakit ako nagmamadali pero hindi ko na iyon nagawang sagutin.Dumiretso ako sala at agad tiningnan ang bilog na mesa pero wala na roon ang sketchpad ko. Sigurado akong dito ko iyon naiwan kahapon!Bumalik ako sa kusina.“Nay? Yung sketchpad ko?”“Jusko kang bata ka. Sketchpad agad hinahanap mo, eh tingnan mo nga
Ang bawat sandali ng paglalakad ko sa mahabang carpet ay iginuguhit ko na sa aking isipan. Kung anong mayroon ngayong araw, naipaliwanag iyon ng mga malalabong imaheng nadaraanan ko. Bakas ang mga ngiting agad ring nagiging malabo sa paningin ko, ang bawat isa'y tumatango na tila masayang-masaya para sa akin. Hawak ang gilid ng aking saya habang nakatapat sa dibdib ang bungkos ng bulaklak sa isa kong kamay, nagpapadala lang ako sa kakaibang pakiramdam na ito. Kulang ang isang libong salita para makumpleto ko ang munting sandali.At sa oras na iyon, kung saan ang matagal ko nang pangarap ay naghihintay sa akin, naroon din ang lalaking ang mga mata'y sa akin nakapako. Tumulo ang luha ko nang ilahad niya sa akin ang kaniyang kamay, nakangiti kong hinawakan iyon. Ngunit kasabay ng paglalapit namin ay ang biglang pag-alon ng imaheng niya, naputol ang aking panaginip.Sinalubong ng kisame ang mulat na mulat kong mga mata.
Habang nasa biyahe ay tumawag si Nanay, nagtanong kung nasaan ako. Nasapo ko ang aking noo. Nakalimutan kong magpaalam! Humaplos ang kamay ni Russel sa aking kamay kung saan hawak ko ang cellphone. Without asking my permission, marahan niya iyong kinuha mula sa akin. Wala na rin akong nagawa, ipinaubaya ko sa kaniya iyon. “Don't worry, Tita. She's with me.” Umalon ang sasakyan dahil sa bako-bakong daan. Narating na namin ang lupaing nakakonekta sa farm. Isa itong mahabang papasok kung saan madaraanan ang napakalawak na palibot ng farm. Inasahan ko nang walang katao-tao roon. “Alright. I'll take care of her.” Ibinalik sa akin ni Russel ang cellphone ko. Ibinaba na rin ni Nanay ang linya bago ko pa iyon muling maidikit sa tenga ko. “Anong sabi?” Sinipat ko ang mga mata niya pero tanging ang isa lang ang nakikita ko dahil naka-s
Sa huli, ipinagpasalamat kong nakalayo ako kay Russel ngunit imbes na yakap at tuwa ang maabutan ko, ang umiiyak na si Venus ang nadatnan ko sa likod ng bahay nila. Nakapanghihinayang na hindi pala ako makakapagkuwento sa kaniya ngayon.“Nag-away kami ni Daimler.” Bakas na bakas ang lungkot sa mukha niya.Speaking of Daimler, oo nga pala. Ganoon yata talaga kabilis ang oras. Parang kahapon lang, sinabi niya sa akin na crush niya si Daimler tapos umabot na agad sila sa awayan!“Kailan?” Ang unang pumasok sa isip ko.“K-kanina lang. Nagtalo kami. Tinawagan ko siya. Nakiusap kasi ako na baka puwedeng... 'wag nilang ipakulong si Tiyo Banny.”I sighed. Of course, kahit ako, gusto kong makiusap kay Russel pero alam kong magiging abusado na kami kung gagawin ko 'yon. Kami na nga yung nakapinsala, kami pa yung hihingi ng pabor
Sa ilang araw kong pananatili sa hospital ay nagkaroon kami ng oras ni Venus para pag-usapan ang mga nangyari. Mula sa pag-alis namin sa farm, unang encounter niya kay Daimler, hanggang sa pagtakas ni Tiyo Banny. Wala akong pinalampas na detalye.“Ginawa mo talaga 'yon?” manghang sabi ko.Ano kayang naging reaksyon nung guwardiya nang hingiin niya ang number ni Daimler?“Oo nga! I was so eager to talk to him. Ilang beses akong sumubok na lapitan siya but he kept ignoring me! Kaya naman sa guard na ako lumapit...”“Buti ibinigay nung guard?”“Psh. Hindi naman na raw bago 'yon. Marami talagang nanghihingi sa kaniya ng number ni Daimler!”“Oh, affected ka naman?” pabiro ko siyang tinaasan ng kilay.“H-hindi!”I chuckled.
Alright. I am really nothing compared to this goddess woman. Gaya ni Russel, kahit siguro saang bagay siya itapat ay magmumukha siyang modelo.Napalunok ako, pinag-iisipan pa kung ituturo ko sa kaniya o hindi. Kasabay no'n ang pagtataka kung bakit hindi niya alam kung saan ang kwarto ni Russel. Minsan lang siguro siya magawi rito. At teka, akala ko ba magkasama na sila sa isang bubong? Napagtanto kong mas madalas pa rin umuwi si Russel dito.Nilagpasan niya ako. Dumiretso siya sa paanan ng hagdan. Swabeng isinampay ang makinis niyang kamay sa barandilya. “Where? Hurry up!”Nataranta ako. Ngunit bago pa ako magpatiuna sa kaniya ay sumulpot si Madeley sa taas. Nakahalukipkip ito habang mabagal na humahakbang pababa.“Kuya Russel is still sleeping,” walang ganang wika niya.“It doesn't matter, sweety. I'm your brother's w
“Marunong ka bang maglagay nito?” I awkwardly showed him the band-aid, cotton and bandage.Ang ngisi niya ay napalitan ng maaliwalas na mukha. Iyong concern na madalas kong makita sa kaniya. “Oh, sure. Bakit ngayon mo lang sinabi?”Sa tuwa ay nginitian ko siya. Down to Earth talaga ang lalaking ito!Pumuwesto ako nang maayos sa harap niya para matapos na rin ito at makabalik na ako sa loob.“Hindi ka nagdala ng alcohol,” aniya. Maingat niyang itinapal ang bulak at sunod na inilagay ang band-aid.“A-ayoko no'n. Naligo naman ako kaya malinis na 'yan.”He chuckled. “Ang sabihin mo, takot ka sa alcohol.”He's right. I almost lost my consciousness those times that the nurse was cleaning my wounds.“M-may dugo pa ba?” s
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik