Home / Romance / Beyond The Lines / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Beyond The Lines: Chapter 11 - Chapter 20

272 Chapters

Kabanata 10

Ang bawat sandali ng paglalakad ko sa mahabang carpet ay iginuguhit ko na sa aking isipan. Kung anong mayroon ngayong araw, naipaliwanag iyon ng mga malalabong imaheng nadaraanan ko. Bakas ang mga ngiting agad ring nagiging malabo sa paningin ko, ang bawat isa'y tumatango na tila masayang-masaya para sa akin. Hawak ang gilid ng aking saya habang nakatapat sa dibdib ang bungkos ng bulaklak sa isa kong kamay, nagpapadala lang ako sa kakaibang pakiramdam na ito. Kulang ang isang libong salita para makumpleto ko ang munting sandali. At sa oras na iyon, kung saan ang matagal ko nang pangarap ay naghihintay sa akin, naroon din ang lalaking ang mga mata'y sa akin nakapako. Tumulo ang luha ko nang ilahad niya sa akin ang kaniyang kamay, nakangiti kong hinawakan iyon. Ngunit kasabay ng paglalapit namin ay ang biglang pag-alon ng imaheng niya, naputol ang aking panaginip.  Sinalubong ng kisame ang mulat na mulat kong mga mata. 
Read more

Kabanata 11

 Habang nasa biyahe ay tumawag si Nanay, nagtanong kung nasaan ako. Nasapo ko ang aking noo. Nakalimutan kong magpaalam!   Humaplos ang kamay ni Russel sa aking kamay kung saan hawak ko ang cellphone. Without asking my permission, marahan niya iyong kinuha mula sa akin. Wala na rin akong nagawa, ipinaubaya ko sa kaniya iyon.    “Don't worry, Tita. She's with me.”   Umalon ang sasakyan dahil sa bako-bakong daan. Narating na namin ang lupaing nakakonekta sa farm. Isa itong mahabang papasok kung saan madaraanan ang napakalawak na palibot ng farm. Inasahan ko nang walang katao-tao roon.    “Alright. I'll take care of her.”   Ibinalik sa akin ni Russel ang cellphone ko. Ibinaba na rin ni Nanay ang linya bago ko pa iyon muling maidikit sa tenga ko.   “Anong sabi?” Sinipat ko ang mga mata niya pero tanging ang isa lang ang nakikita ko dahil naka-s
Read more

Kabanata 12

 Sa huli, ipinagpasalamat kong nakalayo ako kay Russel ngunit imbes na yakap at tuwa ang maabutan ko, ang umiiyak na si Venus ang nadatnan ko sa likod ng bahay nila. Nakapanghihinayang na hindi pala ako makakapagkuwento sa kaniya ngayon. “Nag-away kami ni Daimler.” Bakas na bakas ang lungkot sa mukha niya.  Speaking of Daimler, oo nga pala. Ganoon yata talaga kabilis ang oras. Parang kahapon lang, sinabi niya sa akin na crush niya si Daimler tapos umabot na agad sila sa awayan! “Kailan?” Ang unang pumasok sa isip ko.  “K-kanina lang. Nagtalo kami. Tinawagan ko siya. Nakiusap kasi ako na baka puwedeng... 'wag nilang ipakulong si Tiyo Banny.” I sighed. Of course, kahit ako, gusto kong makiusap kay Russel pero alam kong magiging abusado na kami kung gagawin ko 'yon. Kami na nga yung nakapinsala, kami pa yung hihingi ng pabor
Read more

Kabanata 13

Sa ilang araw kong pananatili sa hospital ay nagkaroon kami ng oras ni Venus para pag-usapan ang mga nangyari. Mula sa pag-alis namin sa farm, unang encounter niya kay Daimler, hanggang sa pagtakas ni Tiyo Banny. Wala akong pinalampas na detalye.  “Ginawa mo talaga 'yon?” manghang sabi ko. Ano kayang naging reaksyon nung guwardiya nang hingiin niya ang number ni Daimler? “Oo nga! I was so eager to talk to him. Ilang beses akong sumubok na lapitan siya but he kept ignoring me! Kaya naman sa guard na ako lumapit...” “Buti ibinigay nung guard?”  “Psh. Hindi naman na raw bago 'yon. Marami talagang nanghihingi sa kaniya ng number ni Daimler!”  “Oh, affected ka naman?” pabiro ko siyang tinaasan ng kilay.  “H-hindi!” I chuckled.
Read more

Kabanata 14

 Alright. I am really nothing compared to this goddess woman. Gaya ni Russel, kahit siguro saang bagay siya itapat ay magmumukha siyang modelo.  Napalunok ako, pinag-iisipan pa kung ituturo ko sa kaniya o hindi. Kasabay no'n ang pagtataka kung bakit hindi niya alam kung saan ang kwarto ni Russel. Minsan lang siguro siya magawi rito. At teka, akala ko ba magkasama na sila sa isang bubong? Napagtanto kong mas madalas pa rin umuwi si Russel dito.  Nilagpasan niya ako. Dumiretso siya sa paanan ng hagdan. Swabeng isinampay ang makinis niyang kamay sa barandilya. “Where? Hurry up!” Nataranta ako. Ngunit bago pa ako magpatiuna sa kaniya ay sumulpot si Madeley sa taas. Nakahalukipkip ito habang mabagal na humahakbang pababa. “Kuya Russel is still sleeping,” walang ganang wika niya.  “It doesn't matter, sweety. I'm your brother's w
Read more

Kabanata 15

 “Marunong ka bang maglagay nito?” I awkwardly showed him the band-aid, cotton and bandage. Ang ngisi niya ay napalitan ng maaliwalas na mukha. Iyong concern na madalas kong makita sa kaniya. “Oh, sure. Bakit ngayon mo lang sinabi?” Sa tuwa ay nginitian ko siya. Down to Earth talaga ang lalaking ito!   Pumuwesto ako nang maayos sa harap niya para matapos na rin ito at makabalik na ako sa loob. “Hindi ka nagdala ng alcohol,” aniya. Maingat niyang itinapal ang bulak at sunod na inilagay ang band-aid. “A-ayoko no'n. Naligo naman ako kaya malinis na 'yan.” He chuckled. “Ang sabihin mo, takot ka sa alcohol.” He's right. I almost lost my consciousness those times that the nurse was cleaning my wounds. “M-may dugo pa ba?” s
Read more

Kabanata 16

“Aakyat na ako. May gagawin ka pa ba rito?” I asked. He looked at me with the same dark expression which I really can't understand. “Akala ko ba... hindi mo boyfriend si Ruan?” Nagulat ako. Ang sagot ko'y nauwi sa paglunok. “Tell me,” muling anas niya. Napasandal ako sa lababo nang magkaharap kami. “H-hindi nga. Hindi ko siya boyfriend.” His presence intimidates me so much that I need to compose myself from time to time.  “Really? I saw you flirting with him,” nanunuya niyang saad. Pinanliitan ko siya ng mata para ipakita ang inis ko. “At ano naman sa 'yo?” The next moment, he looked problematic. Nakapamaywang siyang tumingala, bumuntong-hininga at pagkatapos ay itinuon ang kunot-noong reaksyon sa akin. “Alright. I should stay out
Read more

Kabanata 17

Napansin yata ni Russel na panay ang buntong-hininga ko sa tabi niya, he looked at me worriedly. Nalagpasan na namin ang naglalakihang buildings, bagay na mas nakapagpakaba sa akin. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng matayog na gusali. Agad kong nabasa ang nakatatak na CMC sa mahabang pader.  Malaki ang ngiti ng guwardiya nang makita si Russel at pagkatapos ay bahagyang nabawasan iyon nang bumaling siya sa akin. Tinanguan lang siya ni Russel nang batiin niya ito.  Kung kanina'y wala akong ideya sa hitsura ng CMC, ngayon nama'y tila nalulunod ako sa ganda, lawak at elegante nito. Ginapangan ako ng hiya nang makita kung gaano rin kagaganda yung staff. They're all wearing heels and sexy skirts! Labis ang pagkailang ko habang nilalabanan ang mga tingin nila. May mga babaeng halatang-halata ang tuwa at paghanga sa lalaking kasama ko. Napapaiwas ako ng tingin sa tuwing sinusuri nila ako. Nagmistula akong batang hindi s
Read more

Kabanata 18

Hindi rin nagtagal ay natanaw ko na ang matikas na pigura ni Ruan mula sa front area. Tama si Glendal, he seemed close sa lahat dahil panay ang pansin at bati niya pabalik sa kanila. Malayong-malayo sa pagiging suplado ni Russel. I shook my head, trying to erase that man in my mind. Bago pa makalapit sa pwesto ko si Ruan ay naayos ko na ang lutang kong isip.  “Seriously, is this happening for real?” Umupo siya sa silyang nasa tabi ko.  Napangiti ako, hindi maitago ang tuwa dahil maski ako'y hindi pa rin makapaniwalang narito na ako ngayon sa CMC.  “Buti nga pinagbigyan ako ni Rus– S-sir Russel.” Nakurot ko ang sarili.  “Oh. Kung nagsabi ka kaagad, matagal ka na ring nandito. Russel won't surely reject you.” Sa halip na sagutin ang sinabi niya, I gave him a surprised look even it's kinda late to rea
Read more

Kabanata 19

Wala na akong sinayang na sandali bagama't hindi naman ako nagmadali sa pag-alis. May ilang employees akong nakasabay sa elevator na gaya ko ay maaga ring nag-out. Pagdating ko sa exit, hinarang ako ng guard.  “Bago ka rito, hija?”   “Opo,” maagap kong sagot.  Mabilis niyang itinuro sa akin ang logbook. “Hangga't wala ka pang ID, kailangan mong pumirma sa logbook sa tuwing papasok at lalabas ka.” Sinunod ko ang sinabi niya. Napansin kong marami-rami rin pala ang bagong employees na kapapasok lang ngayong araw.  Nang tuluyan akong makalabas, agad hinanap ng mga mata ko ang lokasyong binanggit ni Glen. Naglakad lang ako para makatipid, hindi ko man alam kung gaano kalayo iyon. Mabuti na lang at walang hirap kong nahanap ang ice cream shop na kulay dilaw. Sa tabi no'n ay ang art store na sadya ko. 
Read more
PREV
123456
...
28
DMCA.com Protection Status