“Sigurado kang ayos ka lang, hija? Pasensya na talaga. Nahihiya na kami sa 'yo dahil sa inaasal ni Papa.” Ma'am Navi, right now, is looking at me with concern. Nang matapos kami ni Olive sa pagkain, hindi namin inasahang bababa rin nang ganoong oras si Ma'am Navi upang uminom ng maligamgam na tubig. Walang water dispenser sa kwarto nila kaya naman heto, kaming tatlo ay narito sa kusina. She's wearing a silky robe. Ang hanggang balikat na buhok ay nakalugay at medyo magulo. Bakas na bakas sa kanyang mga mata na kagigising nya lang. She's prettier in the morning. Ilang beses ko na syang nakitang bagong gising at hindi maitatago ang likas na kagandahan niya. Hindi na kataka-takang maganda rin si Madeley. Idagdag pang may dugong Clausen sya. “Okay na po talaga ako. Pasensya na rin po sa gulo namin ni Alodia...” nahihiyang sagot ko. “Mabuti at naabutan kita rito. Gusto rin talaga kitang makausap tungkol kay Alodia.”Bahagya akong kinabahan. Ramdam ko sa kaseryosohan ng boses niya ang im
Naulit pa nang naulit ang mga paliwanag ko sa dami ng nagtanong kung ayos lang ako. Wala namang problema, alam kong hindi nila ako huhusgahan. Although it's kinda hard for me to explain everything in the simplest way, nagawa ko rin naman. May kanya-kanya silang reaksyon. May mga disappointed, shocked, at may mga nagalit din gaya ni Venus. “The nerve of that woman! Kung alam ko lang, uuwing lumpo 'yon! Sana sumigaw ka kahapon para narinig namin! Eh, kung isinama mo na lang ako sa pagsesenti mo, hindi ka sana nasaktan ng bruhang iyon! Ang sarap nilang pag-untugin ni Denise!” walang prenong palatak niya. “Sana mas nilunod mo pa, 'no! Kaya ayaw nun magpatulong sa 'yo ay para mailigtas sya ni Kuya Russel!” “I agree. Napakabait naman kasi ni Alliyah, naisipan pang tulungan ang malantod na 'yon!” segunda ni Olive. “Do you expect me to just watch and let her die without doing anything? I can't kill her, okay? Kumalma na kayo dahil tapos na iyon. Besides, alam ni Alodia na paparating si Rus
I'm at least 60% done with the painting when I paused for lunch. Ganoon kabilis ang progress. Actually, hindi naman ako ganito kabilis noon. Malaki ang naitulong sa akin ng ilang taong pagpapatuloy kaya mas gamay ko na ang pagpipinta. Pero kinailangan ko na ring tumigil muna dahil tirik na ang araw at mainit na sa pwesto ko. Walang silungan doon na magsisilbing panangga ko sa init ng araw. Bukod sa masakit sa balat ang init ay nakasisilaw sa mata ang sinag nito. Kung sipagin ako ay mamayang hapon ko na lang itutuloy at pwede rin namang sa kwarto ko na lamang tapusin dahil sapat na ang nagawa ko. Hindi naman gaanong komplikado ang mga kulay dahil simple't kaunti lang. Mula sa makinang na dagat, maliwanag na kalangitan, maberdeng kagubatan, maiitim na tipak ng bato, at malinis na buhangin. Mabilis kong nakabisado ang mga iyon. Kahit dumungaw na lang ako sa balkonahe ay matatapos ko ito. “Green clouds are cool but dangerous. There are scientific explanations about that,” pagbibigay opin
“Anong sabi? Bakit parang galit na galit na naman?” Naunahan akong magtanong ni Olive. Paano ba naman kasi, naulinigan namin ang sigaw ni Tita Chime sa cellphone habang kausap si Venus. Nakahinga ako nang maluwag nang maputol na ang tawag. “Pinauuwi na ako dahil may kailangan daw syang asikasuhin. Walang magbabantay kay Tiyo Banny...” saad ni Venus sa dismayadong tono. “Sinasabi ko na nga ba, hindi makakatiis si Mama, tatawagan at pagagalitan nya ako kapag feeling niya, lugi na naman sya.”“Nagpaalam ka ba? Alam ba nyang nandito ka ngayon?” muling tanong ni Olive.“Yes. Nagpaalam naman ako sa kanya at ang sagot nya, wala syang pakialam sa mga gusto kong gawin. Tapos ngayon, tatawag-tawag sya para lang mang-istorbo!”“Baka naman namimiss ka rin ni Tita Chime kahit papaano. She's still your mother, after all,” nasabi ko na lang.“May namimiss bang gano'n? Bulyaw ang bungad sa 'kin.”“Pwede rin naman. May mga magulang na idinadaan sa gano'n ang concern sa anak. Sa laki ng hidwaan niyon
[Disclaimer: Sensitive. You can skip this part for your peace of mind.]Hindi ko na magawang magmulat sa walang tigil na pagpapalitan namin ng halik. Ang mga braso ko'y nakasabit sa batok niya habang ang mga kamay niya'y naglalakbay sa katawan ko. Mas tumingkayad ako upang habulin ang mga labi niya. I can't contain the needy feeling he has made me consume. Halos mawalan na ako ng balanse sa pag-aangkin niya sa akin, wala nang ni katiting na espasyong natira sa pagitan ng mga katawan namin. “Fuck it,” he murmured in between our kisses. Mas naging agresibo pa siya nang kumawala ang impit na boses sa bibig ko. I parted my mouth to let his tongue enter it. Wala akong ibang naririnig maliban sa malalim naming paghinga, mga munting kaluskos sa paggalaw namin, at ang tunog ng magkalapat naming mga labi. Hindi ko na namalayang nasa tapat na kami ng kama. Napamulat ako nang maramdaman ko ang pagbasak ko. Napasinghap ako sa gulat. Hindi pa man ako nakakabawi ng paghinga ay mabilis niya akong
Marami akong nagawa sa mga natirang araw namin sa isla. Nakatapos ako ng dalawang painting bago dumating ang huling dalawang araw. Nakapag-bake kami ng kung ano-anong meryenda, nakapaglangoy sa dagat, at nakabalik sa gubat para bisitahin ang mga hayop. Saglit lang kaming nagtungo roon at nagpakain lang ng mga unggoy. Hindi ko na lang binanggit kay Alias ang tungkol sa mga unggoy dahil siguradong maiinggit na naman iyon at baka magyaya pang dalhin sya roon. Kung marami akong nagawa, marami ring naipong larawan si Lionel. Talagang kinulit nya ang kanyang amang si Luke para payagan siyang sumama. Samantala, si Alias ay masyado pang bata para isama sa ganitong klase ng aktibidad kaya't naiwan sya sa bahay. “Wala bang pahingahan na kubo rito o silungan man lang? Kapag may naligaw rito, yung mansyon lang talaga ang pag-asa nila?” I don't know why Venus suddenly asked that. “May nippa house malapit sa lawa,” si Daimler ang sumagot. “Huh? May lawa rin dito?” Nagulantang si Olive. “Uhuh. Y
Sa nalalapit naming pag-alis, hindi ko napigilang balikan ang mga alaala. I used to do this whenever I stare at the nothingness. Mamimiss ko ang kagandahan ng lugar na ito. Kung makababalik ulit kami rito o hindi na... ay hindi ko masasabi. Sa bagay na iyan ay wala akong kontrol. Kapag natuloy ang plano ng Senior, wala akong magagawa. Sa ganda ng lugar na ito'y nanaisin ko nang manirahan dito ngunit syempre, namimiss ko na rin ang bahay na iniwan namin. I miss our balcony and garden. I miss our front and backyard where I also use to paint.Sa isang ihip ng hangin, nilipad nito ang ilang hibla ng aking buhok. May mga bagay akong naalala.“Kaunti lang ang makakain ko. I'm on a diet...” anas ko habang isa-isang tinitingnan ang mga pagkain. Pinili ko lamang ang hindi masyadong mabigat sa tiyan. “I can see that,” he said as he looked at me. Kita ko rin ang pagbaba ng mga mata niya sa katawan ko. Tumikhim ako. “Kulang ako sa exercise,” dahilan ko. “Let's exercise then. May trabaho ka buk
Hindi roon natatapos ang pagmumuni-muni ko. Kahit noong sundan ako ni Russel sa tabi ng dagat at dinaldal ako, naglalakbay sa isip ko ang mga alaala naming dalawa. “You're so silent,” puna niya sa pananahimik ko.I just grinned at him. Mabilis kong hinalikan ang pisngi niya. He's a bit stunned, tiningnan niya ako nang may pagtataka. “W-what's wrong?” I stuttered.“You're really asking me that...” mapanuyang sagot niya. “Ako ang dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo, hindi ba? I told you to stay away from that bastard! Pero anong ginawa mo? Nag-book kayo ng isang gabi sa hotel? Tapos ganoon pa ang naabutan ko!”I weakly shook my head. “T-that's not true!”“Damn it! You're still denying it in my face! Really!”Nangunot ang noo ko. “Saan ka ba nanggagaling, Russel? Makinig ka muna at magpapaliwanag ako!”Iyon ang isa sa mga pinakamasasakit na away namin, sunod ay ang pagtakas ko sa kanya noong buntis ako kay Alias. Denise planned my breakdown. The Lewishams didn't care about the lives the