Share

Kabanata 241

Marami akong nagawa sa mga natirang araw namin sa isla. Nakatapos ako ng dalawang painting bago dumating ang huling dalawang araw. Nakapag-bake kami ng kung ano-anong meryenda, nakapaglangoy sa dagat, at nakabalik sa gubat para bisitahin ang mga hayop. Saglit lang kaming nagtungo roon at nagpakain lang ng mga unggoy. Hindi ko na lang binanggit kay Alias ang tungkol sa mga unggoy dahil siguradong maiinggit na naman iyon at baka magyaya pang dalhin sya roon. Kung marami akong nagawa, marami ring naipong larawan si Lionel. Talagang kinulit nya ang kanyang amang si Luke para payagan siyang sumama. Samantala, si Alias ay masyado pang bata para isama sa ganitong klase ng aktibidad kaya't naiwan sya sa bahay.

“Wala bang pahingahan na kubo rito o silungan man lang? Kapag may naligaw rito, yung mansyon lang talaga ang pag-asa nila?” I don't know why Venus suddenly asked that.

“May nippa house malapit sa lawa,” si Daimler ang sumagot.

“Huh? May lawa rin dito?” Nagulantang si Olive.

“Uhuh. Y
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status