Share

Kabanata 248

Bago dumating ang araw ng pagbubukas ng art gallery ay nagtungo kami roon para magsaayos ng mga gamit. Inabot kami ng maghapon sa pagsasabit pa lang ng mga painting. Katulong ko sina Olive at Venus kasama ng mga piling artist na nag-apply. Itong mga pasado sa akin ay dumaan din kay Russel. Of course, sa malalaking ganap sa buhay ko, hindi pwedeng mawala ang opinyon niya.

“Wow! Perfect!” ani Venus habang nagpapagpag ng mga kamay.

Sa sobrang abala namin ay dito na kami kumain sa loob. Nalinis naman na ang sahig, wala nang alikabok. Inuna namin iyon bago pa namin ipinasok ang mga gamit. Sabik na akong matapos 'to kaya hindi na kami nag-abalang kumain sa labas. Hindi na rin kami kumuha ng karagdagang organizers. Gusto kong mapagod at damahin ang effort dahil akin ito. Gusto kong ako mismo ang makakita ng resulta. Hindi lang iyan, ako mismo ang nagsabit ng ibang painting. Ang saya sa pakiramdam. I'm sure this will be all worth it.

Ang ilan sa mga muwebles na narito'y bigay ni Ma'am Navi,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status