Bago dumating ang araw ng pagbubukas ng art gallery ay nagtungo kami roon para magsaayos ng mga gamit. Inabot kami ng maghapon sa pagsasabit pa lang ng mga painting. Katulong ko sina Olive at Venus kasama ng mga piling artist na nag-apply. Itong mga pasado sa akin ay dumaan din kay Russel. Of course, sa malalaking ganap sa buhay ko, hindi pwedeng mawala ang opinyon niya. “Wow! Perfect!” ani Venus habang nagpapagpag ng mga kamay.Sa sobrang abala namin ay dito na kami kumain sa loob. Nalinis naman na ang sahig, wala nang alikabok. Inuna namin iyon bago pa namin ipinasok ang mga gamit. Sabik na akong matapos 'to kaya hindi na kami nag-abalang kumain sa labas. Hindi na rin kami kumuha ng karagdagang organizers. Gusto kong mapagod at damahin ang effort dahil akin ito. Gusto kong ako mismo ang makakita ng resulta. Hindi lang iyan, ako mismo ang nagsabit ng ibang painting. Ang saya sa pakiramdam. I'm sure this will be all worth it. Ang ilan sa mga muwebles na narito'y bigay ni Ma'am Navi,
“You can't work for more than six hours.” My man seriously looking at me as he said that. “The gallery's schedule is fixed. It will be opened at eight in the morning to five in the afternoon. Pero ikaw, papasok ka nang alas otso at uuwi bago mag-alas dos nang hapon. That's final.”Napahikab ako sa antok. Ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko pagkatapos. Inaantok ako habang panay ang pagbibigay ni Russel ng mga paalala, partikular iyong mga dapat at hindi ko dapat gawin habang nagtatrabaho sa art gallery.“Are you listening?” puna niya sa akin. Sa hitsura ko, baka napapalagay niyang wala akong naintindihan sa mga paliwanag niya.Well, I'm so sleepy, to be honest. Hindi ko gustong ganito ako ka-space out habang panay ang pagsasalita ni Russel. Nakikinig naman ako at nasusundan ko sya. Ang hindi ko lang magawa ay tumugon at magbigay ng opinyon kapalit ng mga paalala nya.“I'm listening. Go on...” wika ko sa mahinang boses.He sighed. “I'm done, Alliyah. Nakuha mo ba lahat ng bilin ko?”“
Kasisikat pa lang ng araw at ang sinag nito'y bago pa lamang kumakalat sa kalawakan ng bakuran nang mahagip ng mga mata ko ang pagpasok ni Venus mula sa main gate. Bilang matalik kong kaibigan, hindi na rin siya iba sa mga house guard. Agad siyang pinapasok ni Kuya Ekoy nang hindi tinatanong kung anong kailangan niya.Napataas ang kilay ko nang mapansin ang pagmamadali niyang maglakad. Natigil ako sa pagdidilig ng mga halaman sa paso. Hinintay ko syang makatungtong sa terasa.“What brought you here this early?” bungad ko. Bihis na bihis siya. Suot ang kulay beige na ruffled skirt at puting croptop, bumagay din ang itim na boots. She looks like she'll be attending a fashion show. Kulot na kulot ang buhok na hanggang siko ang haba at kapansin-kapansin ang tapang ng hitsura niya sa smoky makeup. Nakataas sa ulo ang paborito niyang aviator. “I'll be attending a meeting with my old manager. Anyways, dumaan talaga ako rito para kausapin ka.” She glanced at her watch before continuing. “Ok
Naging maayos ang takbo ng trabaho ko sa mga nakalipas na araw. Magdadalawang-Linggo pa lamang ang A.M.C Gallery pero inuulan na ng biyaya. Palaging matao sa bawat maghapon at nakakalikom kami ng malaking halagang higit pa sa inaasahan. Nakatulong din ang maayos kong pakiramdam kaya walang naging problema. I am able to entertain visitors and art collectors, talk to them for a moment at the same time. Sa unang tatlong araw ay nahirapan akong mag-adjust sa gampanin ko bilang CEO, manager, ina ni Alias, at asawa ni Russel. Nahirapan akong i-manage ang atensyon ko. Malaking bagay iyong hindi ako masyadong napapagod sa trabaho kaya may sapat na enerhiya pa ako pag-uwi sa bahay. Pinagninilayan ko naman kada gabi ang mga nangyari sa maghapon, at narerealize kong sa bawat araw ay mayroon akong natututunan. Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa akin ang lahat. Pakiramdam ko nga'y nagagahol ako sa oras sa tuwing humihingi ng atensyon si Alias. Don't get me wrong, sapat ang oras na inilalaan ko s
“Alodia's father. Iyon ang pakilala nya,” saad ko. Ramdam ko ang katabangan ng boses ko. Sumeryoso si Russel nang marinig iyon. Bahagya siyang gumalaw sa kanyang kinauupuan, malapit nang mangunot ang noo. “And? What did he say?” aniya sa kuryosong tono. Kung hindi ko lamang pilit ikinakalma ang kalooban ko, baka napapikit na ako nang mariin. I am pissed. I feel insulted and degraded for some reasons. Ang banggitin kay Russel at ikuwento ang senaryong gusto ko na lang kalimutan ay hindi madaling gawin. I had a hard time to sleep thinking about Alodia's father and the words he said. Umuwi akong balisa kahapon at kakatwang nagawa kong itago ang pagkabagabag. Ngunit nang magising ako't bumangon at pagkatapos ay napatulala sa salamin ng banyo, nabisto ako ni Russel nang madatnan ako sa ganoong sitwasyon. He immediately asked what's bothering me as if he's so sure that something is up. Nang sabihin ko namang wala at ayos lang ako, hindi siya naniwala. He didn't stop asking me until I fina
Tulala ako habang nag-aalmusal. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko at halos humalo na iyon sa pagkain. Agad ko iyong pinalis bago pa ako mahuli ni Nanay. Tiyak na pagagalitan ako no'n.“Y-you want more?” sinikap kong magsalita sa kabila ng panunuyo ng lalamunan. Akmang susubuan kong muli si Alias nang tanggihan niya iyon. Naibaba ko ang kutsara.“Why are you crying, Mama?”Napalunok ako. Oo nga pala. Hindi lang si Nanay ang marunong makiramdam. Oo nga pala, malaki na ang aking anak. He became smarter now. Day by day, I can notice his progress. Aside from that, he's also observant. Imposibleng maitago ko sa kanya ang lungkot ko. I don't think I can alibi.“I'm okay, baby. Let's just eat, okay?” I smiled, wiping the falling tears. No matter how hard I hold them, they keep on escaping.“I'm full, Mama,” my son said, shaking his head. “Alright.” Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Pinainom ko na lang siya ng tubig subalit hindi nawala ang makahulugang tingin niya sa aki
Nagtatalo ang isip at puso ko kung tama ba itong gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa manibela dulot ng kaba. Kagat-kagat ko ang labi ko nang iparke ang sasakyan sa malawak na parking lot ng sementeryo. Ilang segundo muna akong hindi gumalaw, natatakot akong lumabas. Hindi ko alam... Walang-wala sa plano ko ang sundan si Russel. Maayos akong nagpasya. Pinag-isipan ko nang maayos ang sitwasyon at wala akong balak manghimasok sa kanila. Ngayong narito na ako ay parang gusto kong bumalik sa Kalibero. I know this isn't right. I should not meddle. Gusto kong sisihin ang ama ni Alodia. Hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa mga sinabi niya. He provoked me at inaamin kong nadala ako ng pride ko.Ilang beses akong nagbuntong-hininga bago magpasyang lumabas ng sasakyan. Habang naglalakad sa itinurong lugar ng ama ni Alodia ay nagsisirko sa isip ko ang naging pag-uusap namin sa opisina ko. “Diretsuhin niyo po ako kung may gusto kayong sabihin. Huwag na po tayong magpaiko
Umuuga ang mga balikat ko habang umiiyak. Yakap ko ang unan na nagsilbing kakampi ko sa mga sandaling ito. Wala akong pakialam kung mabasa man ito ng mga luha ko, ang mahalaga'y makapaglabas ako ng sama ng loob.“Ano bang nangyari?” Nasa likuran ko si Nanay, nakaupo sa gilid ng kama. Kanina pa siya nariyan, sinasamahan ako rito. Nang makita nya akong umiiyak pag-uwi ko'y agad niya akong sinundan at hindi na umalis pa sa tabi ko. “Aba't kanina ka pa iyak nang iyak riyan, Alliyah!” Iritado na sya dahil hindi ako nagsasalita. “Sabihin mo nga sa akin kung anong iniiyak mo. Si Russel ba? Anong ginawa sa 'yo ng asawa mo?” Humikbi ako't malalim na huminga. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko nang magsalita ako. “'Nay... M-may anak si Russel kay Alodia.”“Ano kamo?” gulat niyang tanong. “Paanong may anak sila?”“N-nabuntis ni Russel si Alodia noon pero hiwalay na sila nang malaman ni Alodia. Bago pa nya masabi kay Russel ay nakunan sya. Hindi na nya ipinaalam pa...”“At kanino mo naman nalam