CHAPTER 1: BULALAKAW Hindi kayo maniniwala dahil mahirap paniwalaan. Pero totoo, dahil andito pa rin ako sa panahong ito, sa kasalukuyan. Sa panahong hindi naman talaga ako nabibilang. Sa panahong ang lahat ng bagay ay pawang madadali na lang. Modernisado na ang lahat. Panahong kelan man ay di ko nakasanayan. Pero hindi ako andito dahil ginusto ko. Isang sumpa at isang misyon ang dahilan. Ito na ang huling pagkakataon kaya kailangan ko ng mapagtagumpayan. Ako si Datu Palan-taw, pero mas kilala sa pangalang Pedro Lazaro, isang datu, isang mandirigma, isang sundalo, isang ilustrado, isang Katipunero at isang imortal, at andito ako para sa isang misyon. 1743 Noon ay kilala ako sa pangalang Palan-taw. Iyon ang pangalang binigay sa akin ng aking mga magulang. Pero kinailangan kong magpalit dahil sa mga nagkalat na balita
Last Updated : 2021-07-29 Read more