CHAPTER 4: NAKAUKIT
Pagdating ko sa aming kubo ay agad akong sinalubong ni Li Wei.
Nakatipikal na suot pang Intsik si Li Wei na ang tawag niya ay Tang Zhuang. Mahabang pulang kasuotan ito na abot na halos sa kanyang talampakan. Nakatayo rin ang kwelyo nito na siyang nagpaiba sa istilo nito at may kakaibang mga butones rin sa kanyang kasuotan. Ito ang laging suot ni Li Wei dahil ito na lang ang huling alaala niya sa lupaing kanyang pinagmulan.
Mahaba rin ang buhok ni Li Wei pero nakatali itong papusod.
Mahahalata mo rin kaagad kung anong lahi niya dahil siya ay singkit at maputi. Medyo may kaliitan siya kumpara sa akin. Hindi rin ganun kalaki ang kanyang katawan pero delikado pa rin siya bilang isang kalaban, dahil may alam siyang paraan ng pakikibaglaban na kung tawagin niya ay Kung Fu.
Matatas na ring magsalita ng tagalog si Li Wei dahil halos dito na siya lumaki sa aming lupain. Sa lupang aking sinilangan.
Isang matalik na kaibigan si Li Wei at dahil sa kanyang kabaitan ay tinanggap namin siya bilang di iba sa amin. Nagkakilala kaming dalawa sa isang palengke sa daungan ng Manila. Hinahabol ako noon ng mga Kastila dahil gustong-gusto nila akong patayin dahil may dugo akong bughaw, pero nakaligtas ako sa kanila dahil kay Li Wei, tinulungan niya akong makatago.
Pinatuloy niya ako sa kanyang tahanan noong mga panahon na yun. Hindi siya nanghingi ng kapalit pero kailangan niyang makatanggap ng isang biyaya. Kaya isinama ko siya noon sa aming tinutuluyan. Kinuwento ko sa aming buong barangay ang kanyang kabutihan kaya itinuring na rin namin siyang kapamilya at kadugo kahit na iba ang lahi niya.
Simula nun ay lagi na kaming nakakapagusap na dalawa at pati sikreto namin ay ibinahagi namin sa isa’t-isa.
“Palan-taw! Galingan mo sa pangangaso!” sabay batok sa akin.
Tumakbo naman ito at tumatawa-tawa pa! Pinipikon ako nitong lalaking to! Hinabol ko siya at binatukan ng malakas. Nawala na yung pagkapikon ko sa kanya dahil nakabawi na ako sa kanya. Umupo kami sa hagdan ng aming kubo at puro tawa na lang ginawa. Pero naputol ito ng bigla na naman akong mangamba. Napahinga na lang ako bigla ng malalim na siyang ipinagtaka ni Li Wei.
“Ano na namang problema mo Palan-taw? Mukhang may malalim kang iniisip?” nagtatakang tanong ni Li Wei. “Natatakot akong matalo Li Wei, inaasahan nilang lahat na ako ang magwawagi dahil dahil ako ang anak ng Datu, kaya mas natatakot akong matalo,” sambit ko sa kanya. Binatukan niya ulit ako at tanging gulat na lang ang aking naging reaksyon, “Bakit mo ako binatukan?! May nasabi ba akong masama?!”
“Wala kang nasabing masama. Yung nasa isip mo yung masama!”
Nagtaka naman ulit ako sa sinambit niya, “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Wag mong hayaang pigilan ka ng iniisip ng ibang tao, ang isipin mo ay yung kakayahan mo, maniwala kang kaya mo!” sigaw naman sa akin ni Li Wei. Mukhang galit ang tono niya pero alam kong pinapangaralan niya lang ako. Bigla naman akong natawa dahil sa tono ng pananalita niya.
“Di mo ba sineseryoso ang aking sinasabi?! Bahala ka!” mukhang napikon ang aking kaibigan dahil sa aking pagtawa.
Tinapik ko siya at sabay sambit, “Natutuwa ako dahil may kaibigan akong katulad mo na nawawala ang mata pag nagagalit!” muli akong humalakhak! Nakatanggap naman ulit ako sa kanya ng isang pangbabatok. At medyo masakit ito dahil medyo malatik ang kanyang pagkakahampas. Hindi ko na nagawang makaganti at napahawak na lang ako sa aking batok na mahapdi dahil sa kanyang ginawa.
“Ang sakit ng pangbabatok mo sa akin! Pero ayos lang dahil bahagya namang nawala ang aking takot…”
Tinapik niya ako sa aking balikat at sabay sambit, “Basta gawin mo lang kung anong kaya mong gawin. Kapag hindi mo kaya ay mas mabuting makabalik ka ng ligtas.”
“Salamat, Li Wei.”
“Pumasok ka na sa loob at maghanda ka na sa pangangaso niyo. Kailangan mong maging handa!” tumayo siya at itinutulak-tulak pa ako papasok sa aming kubo.
“Oo na papasok na ako!” gumanti ako ng tulak sa kanya pero hindi na siya bumawi.
Nagpapasalamat ako dahil may nakakatawa akong kaibigan na mula pa sa iba pang lahi, sa ibang lupain.
Pagpasok ko sa kubo ay agad na sumalubong sa akin ang aliping saguiguilid na akin ring kaibigan mula pa pagkabata na si Himal-ing. Kayumanggi ang kanyang kulay katulad ng sa akin, itim na itim rin ang kanyang mahabang buhok at ang kanyang magagandang mata. Isa siya sa mga pinakamaganda sa aming barangay at maraming kalalakihan ang naghahangad na mapangasawa siya. Marami ng nagtangka pero niisa sa kanila ay walang nagwagi. Natatawa na lang ako sa tuwing maiisip na baka gusto niya lang talagang tumanda ng walang asawa.
“Palan-taw ito ang ipinahandang sibat ng Datu, at ito rin ang kasuotan na iyong susuotin kaya maghanda ka na.” malumanay na sambit ni Himal-ing sa akin. “Bakit naman napakagalang mo sa akin, para namang hindi tayo magkaibigan niyan?” biro ko naman sa kanya. Napangiti naman siya.
“Kailangan kitang galangin dahil anak ka ng Datu,” malumanay na sambit ulit niya.
Hindi ako sanay sa inaasta niya kaya napagdesisyunan kong biruin pa siya. “Huwag mo na akong galangin, matalik tayong magkaibigan kaya ayos lang kahit birubiruin mo din ako,” pahalakhak kong wika kay Himal-ing. Seryoso pa rin ang kanyang mukha at mukhang di siya tinatalaban ng aking mga banat. Mukhang wala siyang oras makipagbiruan. Mukhang malalim ang kanyang iniisip at parang may pangamba at takot din siyang nararamdaman.
“Ihanda mo na ang iyong sarili sa iyong pangangaso mamayang tanghali… bumalik ka kaagad,” nag-aalalang tugon ni Himal-ing bago ito tuluyang umalis sa aming kubo.
Hinayaan na niya akong mag-isa dito dahil kailangan ko na ring magbihis. At ang kausuotang ibinigay sa akin ay ang kasuotang sinuot din ni Ama noong kanyang mga kabataan pa. Ito ang gusto nilang suotin ko dahil swerte daw ito, may unting pagkakaiba lang ito sa burda ng aking suot pero namumukod tangi ang disenyo nito kumpara sa mga normal na kasuotan namin.
Mukhang sa swerte na lang ako maniniwala ngayon. Dali-dali akong nagpalit ng aking kasuotan at mukha pa akong tangang ngumingiti-ngiti dahil may dalawa daw itong swerte. Sana swertehin ako sa pangangaso, at sana ako ang manalo!
Agad namang pumukaw sa aking atensyon ang sibat na ipinapagamit sa akin. Gawa ang patalim nito sa isang purong bakal, pero may nakikita akong maliliit na kapirasong ginto na siyang nagpaiba sa itsura nito. At ang nagsisilbing hawakan ay inukitang kahoy na may nakasulat na mga Baybayin. Mula taas na bahagi ng hawakan hanggang sa bandang ibaba ay may nakasulat. Sinubukan kong basahin ang iba, “Sundin mo ang agos ng hangin sa mga puno, sabayan mo ang pagpanhik ng haring araw sa damo at dun mo makakamtan ang pagkapanalo”
Ano ang ibig sabihin nito?
Nagugulumihanan ako. Masyadong pala-isipan para sa akin.
Muli kong inulit-ulit ang mga salitang iyon. Pero hindi ko talaga ito maunawaan kaya hinayaan ko na lang at hindi ko na ito muling inisip pa. Hindi ko na ring inabala pang basahin ang iba pang nakasulat sa sibat. Sa halip ay itinabi ko ito sa isang sulok at humiga ako para makapagpahinga— pero hindi ko napansin na ako pala ay nakatulog na.
CHAPTER 5: UNANG PAGKIKITA“Palan-taw! Gumising ka na! Maguumpisa na ang inyong pangangaso!”Agad akong namulat ng marinig ang sigaw ni Li Wei sa aking tenga! Bigla ulit akong kinabahan dahil baka ako ay nahuhuli na. “Nasaan na sila?” kinakabahan kong tanong kay Li Wei. Natataranta na rin ito kaya hindi na siya gaanong makasagot ng maayos, “Bilisan mo na Palan-taw! Kuhain mo na ang iyong sibat!” Tumakbo ito palabas ng kubo, mukhang siya pa yung mas kinakabahan kesa sa akin ah. Kinuha ko ang aking sibat at agad na tumakbo sa lugar kung saan nagpupulong-pulong ang aming barangay.Nakakarinig na ako ng mga sigawan, mukhang ang bawat pamilya ay may manok na ipangsasabong. Pagdating ko sa gitna ay agad akong sinalubong ni Ama, “Saan ka galing at bakit ang tagal mo?” Napakamot naman ako sa aking ulo at sabay sambit “Nakatulog ako Ama, pasensya na.” Ti
CHAPTER 6Nagising naman ako sa katotohanan ng magsalita siya. Ako ay napatingin sa kanyang kasuotan, siya ay nakasuot pang Kastila. Mali ito! Dapat na akong umalis at baka isumbong niya pa ako! Napatingin ako sa aking kasuotan, halatang-halata na may dugo akong bughaw! Baka may kasama pa siyang iba at baka ako pa ay mapaslang!“Ginoo? Ayos ka lang ba?”, muli niyang tanong sa akin.“Isa kang Kastila?!” may pangbabantang tanong ko sa kanya.“Ikaw? Isa ka bang katutubo, Ginoo?” nakangiti nitong sambit. Mukhang natutuwa siya dahil may nakitang siyang isang katulad ko.Baka tawagin niya ang mga kasama niya at baka ako ay kanilang paslangin para ibenta sa kanilang Gobyerno! Hindi maaari! Hindi ako papayag!Napalingon ako sa baboy damong aking napaslang, nakatusok pa dito ang aking sibat. Nanghih
CHAPTER 7Hating gabi na pero di pa rin ako makatulog. Masyado akong binabagabag ng kanyang alaala. Di ko makalimutan ang kanyang ngiting kay tamis. Yung kahit nadapa na siya sa lupa ay nagawa niya pa ring tumawa. Ang saya-saya ko kanina. Parang dalawang paligsahan ang napanalunan ko. Yung isa ay yung makabalik na may dalang baboy damong napatay sa pangangaso, at yung isa naman ay yung makita ang isang magandang dilag na ang pangalan ay Selestina.“Ano ang nginingiti-ngiti mo dyan Palan-taw? Mukhang nasiraan ka na ata ng ulo?!” tumawa pa ng malakas si Li Wei ng sambitin niya yun. Bigla akong natauhan ng magsalita siya. Tumabi naman siya sakin at tumigil na rin sa pagtawa dahil sigurong nakaramdam siya na di ko gusto na makipagbiruan sa oras na ito.Nakaupo kaming dalawa sa tabi ng taniman ng palay. Malago na ang mga ito at sa susunod na buwan ay aanihin na. Malamig ang simoy
CHAPTER 8 Hindi ko na muli pang inintindi ang panaginip na yun. Panaginip lang naman yun. Lumabas ako ng aming kubo at agad na bumungad sa akin si Ama, “Magandang umaga Palan-taw, kumain ka na at lalagyan ka pa ng batuk sa iyong katawan” sambit ni Ama sa akin. “Kailangan po ba talagang gawin iyon?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Bakit natatakot ka ba na malagyan ng sugat ang iyong katawan?” pabirong tanong sa akin ni Ama. Napangiti na lang din ako sa tinanong ni Ama, “Natatakot po akong masaktan” tugon ko naman kay Ama. Tinapik niya ako sa aking balikat at ngumiti, “Wag na wag kang matatakot na masugatan Palan-taw, ang sugat ang siyang tanda na ikaw ay naging matapang” wika ni Ama sa akin. Gumaan naman ang aking paki
CHAPTER 9Kay tagal kitang hinintay. Ngayon na andito ka sa harapan ko ay di ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na ang alam kong anong sasabihin ko. Ngayon na andito siya ay kinakabahan ako sa kanyang prisensya.“Ginoo?” muli niyang tanong. Muli akong natauhan ng magsalita siya. Nasa daan siya at ako naman ay nasa loob pa rin ng kagubatan pero nasa tabi na lang naman ako ng daanan kaya niya ako nakita.“Nangangaso ako.” tanging saad ko. Ang seryoso naman ng pagkabigkas ko.“Ganun ba, ako naman ay naglalakad-lakad muna habang inaayos ang aming kalesa” malumanay niyang sambit. Malambing ba siya o ganun lang talaga ang boses niya? Nakasuot siya ng magarang suot, puno siya ng palamuti. Nakatali din ang kanyang buhok na siyang lalong nagpaganda sa kanya. Mapula din ang kanyang labi, para tuloy gusto kong
CHAPTER 10 “Sana magbukas na…”Paulit-ulit ko yung naririnig sa aking isipan. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isip ang kanyang imahe, ang kanyang ngiting hindi ko na makalimutan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, para na akong nahihibang, di mapakali, di mawari ang gagawin. Parang gusto kong bumalik sa loob ng kagubatan at puntahan siya kung nasaan man siya ngayon. Gusto kong makilala pa siya. Gusto kong…“Alam mo aakalain ko nang nababaliw ka na!”, biglang nagsalita si Li-Wei. Panira, ang ganda-ganda na ng iniisip ko eh. “Talaga? Aakalain ko na rin sanang wala ka ng mata e”, bawi ko naman sa kanya, mas lalo namang napasingkit ang kanyang mata. Abala ako sa paghahasa ng aking simbat at ng iba pang sandata na tanging kami lang ni Ama ang nakakagamit. May mga nakaukit na baybayin sa bawat sandatang aming ginagamit, pero di ko
CHAPTER 11Lumabas ako sa aming kubo at nagpahangin ulit sa tabi ng malawak na palayan. Wala akong narinig na sagot mula kay Ama, kaya mas pinili ko na lang din na umiwas pa at baka kung saan pa mapunta ang usapang iyon. Puno ulit ng bituin ang kalangitan at ang lamig ng simoy ng hangin, sariwang-sariwa ito. Pinakiramdaman ko lang ang kalikasan dahil pinapagaan nito ang aking pakiramdam. Mas gusto ko ang mapag-isa, mas kumportable ako at mas magaan ang pakiramdam ko pag ako lang at walang kasama. Dahil alam kong wala akong masasaktan, madidismaya, matatapakan, at makakalaban na kapwa tao.Muli akong napatingin sa kalangitan, ang ganda nila pagmasdan. Ano kaya ang kwento sa likod ng kanilang taglay na kagandahan?“Selestina” bigla ko siyang naalala. Nakatingin din kaya siya sa mga bituin? Kung ganoon ay masaya na ako na parehas kami ng tinitingnan. Marahil ay masaya na siya kung asan man siya
CHAPTER 12Napatigil ako sa pag-iyak ng marinig ang kanyang boses. Kaya agad kong iminulat ang aking mata na kanina pa umiiyak, agad ko yung pinunasan. Naramdaman kong may nakatabi sa akin kaya napalingon ako sa gawing kaliwa… at siya ang nakita ko.Selestina…Bakit siya andito?Bigla akong binalot ng pagtataka. Katabi ko siya ngayon dito sa upuang ginawa ko para sa aming dalawa. Nakatingin siya sa malayo, pero nakatabi siya sa akin na halos magdikit na ang aming mga balat. Napalingon siya sa akin, kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Ayaw kong makita niya akong umiiyak. Kalalaki kong tao, umiiyak ako!Huminga ako ng malalim. Pinigilan ko rin ang pagtulo ng aking luha. Pinunasan ko yun gamit ang aking kamay. Habang pinupunasan ko ang aking mata ay napansin kong may iniaabot na panyo sa akin si Selestina. Kaya n
Chapter 42“Kailan ang kasal nila?” “Kailan ang kasal nila?” “Kailan ang kasal nila?” Paulit-ulit kong naririnig ang tanong na iyan ni Don Arsenio sa aking isipan.Umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala ang pangamba sa puso ko. Hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin para pigilan ang pangyayaring iyon. Wala akong kayamanan o kahit na ano. At saka, sa pagkakataong ito, alam ko, hindi ako kilala ni Savanna. Ito ang pangalawang buhay niya kaya siguradong wala siyang naalala kahit na ano sa akin. Siguradong walang kahit na anong pangyayari noon ang naroon sa isipan niya.Hindi ko rin naman siya pwedeng itakas o ilayo.“Hindi ko alam!” napahawak na lamang
Chapter 41Ang gabi ay tuluyan ng natabunan ang haring-araw. At ang buwan ay muling naaninag sa kalangitan.Heto ako, nakasilip lamang sa Mansion nila Savanna dito sa tulugan malapit sa kulungan ng mga kabayo. “Selestina— Savanna… hindi ako makapaniwalang nagkita tayo muli. Hindi ako makapaniwalang nagkadaupang palad muli tayo. Pero ako, ilang daang taon nang nabubuhay, ikaw? Kaparehas ng edad mo noong una kitang makita…” sambit ko na para bang kausap ko siya habang nakadungaw sa Mansion ng mga Amor.“Totoo nga ang sinabi ng matandang iyon na nagbigay sa akin ng isang mahiwagang likido…”Isang alaala ang bumalik na pilit ko ng kinalimutan.~~~~~Walang humpay na pag-iyak na lang ang tangi kong nagagawa. Sobrang sakit. Sobrang bigat. Lumipas ang ilan
Chapter 40“Hindi po ako si Selestina. Savanna po ang pangalan ko. Anak ni Don Arsenio.”“Muli ka ng nabuhay, Selestina. Teka, nakatulala pa rin ako sa iyo. Baka matakot ka na sakin. Teka. Ayusin mo sarili mo, Pedro!” bulong ko sa aking isipan. “A-ako, ang inatasan ni Don Arsenio na, na sunduin ka dito sa barko, B-binibining Sel— Savanna,” ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Ramdam ko ang bawat pagpintig nito habang nakatitig sa mga mata ni Selestina. Hindi, ni Savanna. Savanna na ang pangalan niya ngayon. Savanna ang pangalan niya ngayong pangalawang buhay niya.“Ako na pong bahala sa bagahe ninyo, Binibini,” magalang kong sambit kay Savanna.Kabado pa rin ako. Akala ko hindi na ako kakabahan pag nagkita muli kami dahil ilang dekada ko na itong pinaghandaan. Pe
Chapter 39Hindi pa man sumisikat ang araw ay nakaparada na ang kalesang dala ko mula sa Hacienda nila Don Arsenio. Sa di kalayuan ay makikita na ang barkong mula sa Espanya. Dito sa daungan ay napakarami ring nakaabang na mga kartero. Ang mga kalesang nakaparada ay sadyang kay gagara ng mga itsura. Madisenyo at ang iba pa ay may mga inukit sa kahoy. Sadyang kay dami nang mayayaman dito sa lupaing ito.Ilang dekada na ang lumipas ngayon ko pa lang nakikita ang mga pagbabago. Marami na ring gusaling nakatayo dito sa Lungsod ng Manila. Marami na ring negosyo ang umusbong. Nagkalat na rin sa buong lupain ang mga Espanyol at mga Mestizo. At ang mga Indio, pawang mga trabahador o utusan lamang. Wala akong nakikitang Indio na may magarang kasuotan. Katulad ko lamang sila. Walang kayamanang taglay.Isang oras ang lumipas ng paghihintay ay tuluyan ng dumaong ang barko. 
CHAPTER 38Ilang dekada na rin ang nakalipas. At parang pagdampi lang ng hangin ang dumaan. Ngunit mabilis na nagbabago ang lahat. Ang oras ay parang agos ng tubig sa ilog na hindi na pwedeng ibalik. Iisa lang ang direksyon, iisa lang ang pupuntahan… yun ay ang kinabukasan.Dapat ay mahiya ako sa pagpasok sa bahay ng Gobernadorcillo, ngunit mas nakakahiya kung hindi ko papaunlakan ang kanyang kagustuhan. Marahil ay may masasarap din na pagkain na nakalagay na sa hapag-kainan. Halos ilang dekada na rin na hindi ako nakakakain ng masarap. Puro tinapay at isda lang ang madalas na pangtawid gutom ko. Isa pa, ginawa na niya agad akong kartero ng kanilang karwahe.Bago ako tumungtong sa kanilang bahay ay hinubad ko ang aking bakya at nagpaa na lamang. Tabla din naman ang lapag ng kanilang Mansion. Pagpasok na pagpasok ko sa pinto ay agad na bumungad sakin ang napakagandang disenyo sa loob ng kanil
CHAPTER 37~~~~~Tanging pag-agos lang ng ilog ang aking naririnig. Pinapakalma nito ang buo kong pagkatao. Sa tabing ilog na lang ako nakakaranas ng kapayapaan. Ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat ang nagpaparamdam sa akin na ako ay nabubuhay pa. Kahit naman gustuhin kong mamatay, ay hindi ko magawa.Dumampot ako ng bato at muling naghagis sa ilog. Nasa malalim na bahagi ako ng ilog at mas malawak ito kumpara sa pinagtatambayan namin ni Selestina. Ilang dekada na ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin sa dibdib. Humihinga nga ako, pero araw-araw naman akong pinapatay ng sakit at pagdadalamhati. Ilang beses kong sinubukang patayin ang aking sarili. Ngunit walang nangyari.Mahirap paniwalaan, ngunit totoo. Kung ano man ang kababalaghan na dulot nito, isa pa rin itong misteryo. At ang matandang nagbigay sakin ng biyayang ito ay hindi ko na muli pang
CHAPTER 36 Sophie's point of view Pagkatapos ng pagkikita namin kanina ni Pedro ay umuwi ako kaagad. Habang nasa daan ay nagugulumihanan pa rin ako sa mga sinabi niya. Maaring hindi yun totoo. Napakalayo sa realidad nun. Ako? Nabuhay na ng tatlong beses? Bakit? Alam ko pag may past life ka isang beses ka lang talagang nabuhay sa past. Pero di rin naman ako sure kung totoo ba yung past life na yun. O nangyayari ba talaga yun? Masyado na niyang ginulo ang isip ko. Pero may parte sakin na nabuo. Di ko mapaliwanag pero ang saya ng pakiramdam ko. Ngayon ko naramdaman ang pagkawala ng bigat na nararamdaman ko. Sa buong buhay ko, naramdaman ko ng buo ako. Kailangan kung siguraduhin ang lahat. Hindi rin dapat ako magtiwala sa taong minsan ko pa lang nakikilala. Pero kasi, alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil kita ko yun sa mata niya. Kita ko yung buong pagkatao ni
CHAPTER 35 Ace's point of view Ang saya-saya ng araw na to pero hindi yun ang nakikita ko sa mata niya. Parang kanina lang ay punong-puno pa ng pagkamangha ang bawat reaksyon niya. Pero ngayon halos tumulo na yung luha niya. Naging tahimik ako, at ganun din siya. Walang salita ang nagtangkang lumabas mula sa bibig naming dalawa. Buong byahe ay tahimik at sulyapan lang ang naibabato namin sa isa't-isa. Lagi akong nakatingin sakanya, siya naman ay pasulyap-sulyap lang. Hindi niya ako magawang tingnan. At sa bawat titingin siya ay kitang-kita ko ang namumuong luha sa mata niya kahit na binibigyan niya ako ng ngiti. Pabalik na kami ngayon sa Lazaro's Village, iuuwi ko na siya. Gusto kong magtanong pero mas pinili kong manahimik. Gusto kong malaman kung ano ba ang problema niya. Gusto kong ilabas niya sa akin ang hinahakit na nararamdaman ni
CHAPTER 34 Ace's Point of View Gabing-gabi na pero di pa Rin ako makatulog at patay na rin ang ilaw dito sa dormitory. Parang may kung anong nangyayari. Kaya agad akong bumangon sa higaan ko at binuksan ang cellphone ko para tingnan kung nagtext ba si Love. Pero Wala akong nakitang text or missed call man lang. Bakit parang may nangyari talagang di maganda? Hayaan ko na nga, baka nagooverthink Lang ako. Ang hirap talaga pag overthinker, mahirap makatulog. Humiga ulit ako sa higaan ko para matulog ulit. Pero lumipas ang Ilan pang minuto, at halos magiisang oras na ring dilat ang Mata ko. Siguro namimiss ko lang yung bakasyon namin sa Japan. Agad kong kinuha yung cellphone ko at isa-isa Kong tiningnan yung mga selfies at photoshoot namin ni Sophie sa Japan. Ang ganda talaga ng girlfriend ko. Parang may p