Share

CHAPTER 39

Chapter 39

Hindi pa man sumisikat ang araw ay nakaparada na ang kalesang dala ko mula sa Hacienda nila Don Arsenio. Sa di kalayuan ay makikita na ang barkong mula sa Espanya. Dito sa daungan ay napakarami ring nakaabang na mga kartero. Ang mga kalesang nakaparada ay sadyang kay gagara ng mga itsura. Madisenyo at ang iba pa ay may mga inukit sa kahoy. Sadyang kay dami nang mayayaman dito sa lupaing ito.

Ilang dekada na ang lumipas ngayon ko pa lang nakikita ang mga pagbabago. Marami na ring gusaling nakatayo dito sa Lungsod ng Manila. Marami na ring negosyo ang umusbong. Nagkalat na rin sa buong lupain ang mga Espanyol at mga Mestizo. At ang mga Indio, pawang mga trabahador o utusan lamang. Wala akong nakikitang Indio na may magarang kasuotan. Katulad ko lamang sila. Walang kayamanang taglay.

Isang oras ang lumipas ng paghihintay ay tuluyan ng dumaong ang barko.

 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status