CHAPTER 36
Sophie's point of view
Pagkatapos ng pagkikita namin kanina ni Pedro ay umuwi ako kaagad. Habang nasa daan ay nagugulumihanan pa rin ako sa mga sinabi niya. Maaring hindi yun totoo. Napakalayo sa realidad nun. Ako? Nabuhay na ng tatlong beses? Bakit? Alam ko pag may past life ka isang beses ka lang talagang nabuhay sa past. Pero di rin naman ako sure kung totoo ba yung past life na yun. O nangyayari ba talaga yun?
Masyado na niyang ginulo ang isip ko. Pero may parte sakin na nabuo. Di ko mapaliwanag pero ang saya ng pakiramdam ko. Ngayon ko naramdaman ang pagkawala ng bigat na nararamdaman ko. Sa buong buhay ko, naramdaman ko ng buo ako.
Kailangan kung siguraduhin ang lahat. Hindi rin dapat ako magtiwala sa taong minsan ko pa lang nakikilala. Pero kasi, alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil kita ko yun sa mata niya. Kita ko yung buong pagkatao ni
CHAPTER 37~~~~~Tanging pag-agos lang ng ilog ang aking naririnig. Pinapakalma nito ang buo kong pagkatao. Sa tabing ilog na lang ako nakakaranas ng kapayapaan. Ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat ang nagpaparamdam sa akin na ako ay nabubuhay pa. Kahit naman gustuhin kong mamatay, ay hindi ko magawa.Dumampot ako ng bato at muling naghagis sa ilog. Nasa malalim na bahagi ako ng ilog at mas malawak ito kumpara sa pinagtatambayan namin ni Selestina. Ilang dekada na ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin sa dibdib. Humihinga nga ako, pero araw-araw naman akong pinapatay ng sakit at pagdadalamhati. Ilang beses kong sinubukang patayin ang aking sarili. Ngunit walang nangyari.Mahirap paniwalaan, ngunit totoo. Kung ano man ang kababalaghan na dulot nito, isa pa rin itong misteryo. At ang matandang nagbigay sakin ng biyayang ito ay hindi ko na muli pang
CHAPTER 38Ilang dekada na rin ang nakalipas. At parang pagdampi lang ng hangin ang dumaan. Ngunit mabilis na nagbabago ang lahat. Ang oras ay parang agos ng tubig sa ilog na hindi na pwedeng ibalik. Iisa lang ang direksyon, iisa lang ang pupuntahan… yun ay ang kinabukasan.Dapat ay mahiya ako sa pagpasok sa bahay ng Gobernadorcillo, ngunit mas nakakahiya kung hindi ko papaunlakan ang kanyang kagustuhan. Marahil ay may masasarap din na pagkain na nakalagay na sa hapag-kainan. Halos ilang dekada na rin na hindi ako nakakakain ng masarap. Puro tinapay at isda lang ang madalas na pangtawid gutom ko. Isa pa, ginawa na niya agad akong kartero ng kanilang karwahe.Bago ako tumungtong sa kanilang bahay ay hinubad ko ang aking bakya at nagpaa na lamang. Tabla din naman ang lapag ng kanilang Mansion. Pagpasok na pagpasok ko sa pinto ay agad na bumungad sakin ang napakagandang disenyo sa loob ng kanil
Chapter 39Hindi pa man sumisikat ang araw ay nakaparada na ang kalesang dala ko mula sa Hacienda nila Don Arsenio. Sa di kalayuan ay makikita na ang barkong mula sa Espanya. Dito sa daungan ay napakarami ring nakaabang na mga kartero. Ang mga kalesang nakaparada ay sadyang kay gagara ng mga itsura. Madisenyo at ang iba pa ay may mga inukit sa kahoy. Sadyang kay dami nang mayayaman dito sa lupaing ito.Ilang dekada na ang lumipas ngayon ko pa lang nakikita ang mga pagbabago. Marami na ring gusaling nakatayo dito sa Lungsod ng Manila. Marami na ring negosyo ang umusbong. Nagkalat na rin sa buong lupain ang mga Espanyol at mga Mestizo. At ang mga Indio, pawang mga trabahador o utusan lamang. Wala akong nakikitang Indio na may magarang kasuotan. Katulad ko lamang sila. Walang kayamanang taglay.Isang oras ang lumipas ng paghihintay ay tuluyan ng dumaong ang barko. 
Chapter 40“Hindi po ako si Selestina. Savanna po ang pangalan ko. Anak ni Don Arsenio.”“Muli ka ng nabuhay, Selestina. Teka, nakatulala pa rin ako sa iyo. Baka matakot ka na sakin. Teka. Ayusin mo sarili mo, Pedro!” bulong ko sa aking isipan. “A-ako, ang inatasan ni Don Arsenio na, na sunduin ka dito sa barko, B-binibining Sel— Savanna,” ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Ramdam ko ang bawat pagpintig nito habang nakatitig sa mga mata ni Selestina. Hindi, ni Savanna. Savanna na ang pangalan niya ngayon. Savanna ang pangalan niya ngayong pangalawang buhay niya.“Ako na pong bahala sa bagahe ninyo, Binibini,” magalang kong sambit kay Savanna.Kabado pa rin ako. Akala ko hindi na ako kakabahan pag nagkita muli kami dahil ilang dekada ko na itong pinaghandaan. Pe
Chapter 41Ang gabi ay tuluyan ng natabunan ang haring-araw. At ang buwan ay muling naaninag sa kalangitan.Heto ako, nakasilip lamang sa Mansion nila Savanna dito sa tulugan malapit sa kulungan ng mga kabayo. “Selestina— Savanna… hindi ako makapaniwalang nagkita tayo muli. Hindi ako makapaniwalang nagkadaupang palad muli tayo. Pero ako, ilang daang taon nang nabubuhay, ikaw? Kaparehas ng edad mo noong una kitang makita…” sambit ko na para bang kausap ko siya habang nakadungaw sa Mansion ng mga Amor.“Totoo nga ang sinabi ng matandang iyon na nagbigay sa akin ng isang mahiwagang likido…”Isang alaala ang bumalik na pilit ko ng kinalimutan.~~~~~Walang humpay na pag-iyak na lang ang tangi kong nagagawa. Sobrang sakit. Sobrang bigat. Lumipas ang ilan
Chapter 42“Kailan ang kasal nila?” “Kailan ang kasal nila?” “Kailan ang kasal nila?” Paulit-ulit kong naririnig ang tanong na iyan ni Don Arsenio sa aking isipan.Umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala ang pangamba sa puso ko. Hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin para pigilan ang pangyayaring iyon. Wala akong kayamanan o kahit na ano. At saka, sa pagkakataong ito, alam ko, hindi ako kilala ni Savanna. Ito ang pangalawang buhay niya kaya siguradong wala siyang naalala kahit na ano sa akin. Siguradong walang kahit na anong pangyayari noon ang naroon sa isipan niya.Hindi ko rin naman siya pwedeng itakas o ilayo.“Hindi ko alam!” napahawak na lamang
CARIÑO ETERNOPROLOGUEPedro’s POVMasaya ko silang tinitingnan dalawa habang papasok sa Airport. Nabalitaan ko na sila ay patungo ngayon sa Japan. Doon sila magbabakasyong dalawa. May kirot sa aking puso pero masaya ako na makita siyang masaya. These is one of the happiest moments of my life. Seeing her genuine smile, but not for mine.Nang tuluyan na silang makapasok sa Airport ay pumasok na rin ako sa aking kotse. Bigla ko na lang napansin na may luha na palang tumutulo sa aking mata. Napangiti na lang ulit ako. Unting tiis na lang matatapos na ang paghihirap na ito.Nagmaneho na ako papalayo sa Airport at naisipan kong dumiretsyo sa National Museum of Anthropology. Pagdating ko doon ay naglibot-libot ako. Sariwa pa rin talaga ang mga alaala. Niisa wala akong nakalimutan. Habang tini
CHAPTER 1: BULALAKAWHindi kayo maniniwala dahil mahirap paniwalaan. Pero totoo, dahil andito pa rin ako sa panahong ito, sa kasalukuyan.Sa panahong hindi naman talaga ako nabibilang. Sa panahong ang lahat ng bagay ay pawang madadali na lang. Modernisado na ang lahat. Panahong kelan man ay di ko nakasanayan. Pero hindi ako andito dahil ginusto ko. Isang sumpa at isang misyon ang dahilan. Ito na ang huling pagkakataon kaya kailangan ko ng mapagtagumpayan.Ako si Datu Palan-taw, pero mas kilala sa pangalang Pedro Lazaro, isang datu, isang mandirigma, isang sundalo, isang ilustrado, isang Katipunero at isang imortal, at andito ako para sa isang misyon.1743Noon ay kilala ako sa pangalang Palan-taw. Iyon ang pangalang binigay sa akin ng aking mga magulang. Pero kinailangan kong magpalit dahil sa mga nagkalat na balita