Share

CHAPTER 42

Author: Tale of Sol
last update Huling Na-update: 2021-11-26 21:02:49

Chapter 42

“Kailan ang kasal nila?”

“Kailan ang kasal nila?”

“Kailan ang kasal nila?”

Paulit-ulit kong naririnig ang tanong na iyan ni Don Arsenio sa aking isipan.

Umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala ang pangamba sa puso ko. Hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin para pigilan ang pangyayaring iyon. Wala akong kayamanan o kahit na ano. At saka, sa pagkakataong ito, alam ko, hindi ako kilala ni Savanna. Ito ang pangalawang buhay niya kaya siguradong wala siyang naalala kahit na ano sa akin. Siguradong walang kahit na anong pangyayari noon ang naroon sa isipan niya.

Hindi ko rin naman siya pwedeng itakas o ilayo.

“Hindi ko alam!” napahawak na lamang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • CARIÑO ETERNO   PROLOGUE

    CARIÑO ETERNOPROLOGUEPedro’s POVMasaya ko silang tinitingnan dalawa habang papasok sa Airport. Nabalitaan ko na sila ay patungo ngayon sa Japan. Doon sila magbabakasyong dalawa. May kirot sa aking puso pero masaya ako na makita siyang masaya. These is one of the happiest moments of my life. Seeing her genuine smile, but not for mine.Nang tuluyan na silang makapasok sa Airport ay pumasok na rin ako sa aking kotse. Bigla ko na lang napansin na may luha na palang tumutulo sa aking mata. Napangiti na lang ulit ako. Unting tiis na lang matatapos na ang paghihirap na ito.Nagmaneho na ako papalayo sa Airport at naisipan kong dumiretsyo sa National Museum of Anthropology. Pagdating ko doon ay naglibot-libot ako. Sariwa pa rin talaga ang mga alaala. Niisa wala akong nakalimutan. Habang tini

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 1

    CHAPTER 1: BULALAKAWHindi kayo maniniwala dahil mahirap paniwalaan. Pero totoo, dahil andito pa rin ako sa panahong ito, sa kasalukuyan.Sa panahong hindi naman talaga ako nabibilang. Sa panahong ang lahat ng bagay ay pawang madadali na lang. Modernisado na ang lahat. Panahong kelan man ay di ko nakasanayan. Pero hindi ako andito dahil ginusto ko. Isang sumpa at isang misyon ang dahilan. Ito na ang huling pagkakataon kaya kailangan ko ng mapagtagumpayan.Ako si Datu Palan-taw, pero mas kilala sa pangalang Pedro Lazaro, isang datu, isang mandirigma, isang sundalo, isang ilustrado, isang Katipunero at isang imortal, at andito ako para sa isang misyon.1743Noon ay kilala ako sa pangalang Palan-taw. Iyon ang pangalang binigay sa akin ng aking mga magulang. Pero kinailangan kong magpalit dahil sa mga nagkalat na balita

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 2

    CHAPTER 2: BAGONG TAHANANAgad na sumalubong sa akin ang aking matalik na kaibigan, si Li Wei, isang purong Intsik, pero naging kabilang na namin sa aming barangay. Kitang-kita ko ang pangamba sa kanyang mata, “Ano ang bumagsak Palan-taw? Ano ang dala ng bulalakaw?”May ibang lalaki siyang kasama at yung iba naman ay pawang mga kababaihan. Napukaw ang atensyon ko sa kanila. Ayaw ko rin namang sila ay mangamba, pero ayaw ko rin namang magsinungaling sa kanila. Pero pag sinabi ko ang totoo ay matatakot din sila at pipiliin ulit na lumisan kesa ang magpahinga.“Palan-taw! Gumising ka, tinatanong kita!”, dagdag pa ulit ni Li Wei na siyang nagpagising ulit sa aking diwa. Di ko namalayan na ako pala ay nakatulala na. Huminga ako ng malalim at tiningnan ko sila sa kanilang mga mata, “Wag kayong mangamba, normal na bulalakaw lang ang tumama sa lupa.”&n

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 3

    CHAPTER 3: PALIGSAHAN1744Mag-iisang taon na kaming naninirahan dito sa panibago naming lupain.Naging mapayapa naman ito at naging masagana ulit ang aming pamumuhay. Hindi na kami ulit nagkaroon ng balita sa mga Kastila na gustong pumaslang sa aming lahi. At simula ng mapadpad kami dito ay di na kami umalis muli.Malaki na ang pagbabago ng buong kalupaan na siyang bulalakaw ang nagbigay sa amin. May malawak na kaming mga sakahan ng palay, at malawak na mga taniman ng mga prutas at gulay. May mga nagawa na rin kaming mga kulungan para sa mga baboy damo at para din sa mga alaga naming kalabaw. Marami na ring bahay-kubo ang nagkalat sa buong lupain pero sa amin ang pinakamalaking bahay-kubo dahil kami ang may kapangyarihan.Ang mga buong lupain ay pagmamay-ari naming lahat, hindi lang ito para sa aming mga may kapangyarih

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 4

    CHAPTER 4: NAKAUKITPagdating ko sa aming kubo ay agad akong sinalubong ni Li Wei.Nakatipikal na suot pang Intsik si Li Wei na ang tawag niya ay Tang Zhuang. Mahabang pulang kasuotan ito na abot na halos sa kanyang talampakan. Nakatayo rin ang kwelyo nito na siyang nagpaiba sa istilo nito at may kakaibang mga butones rin sa kanyang kasuotan. Ito ang laging suot ni Li Wei dahil ito na lang ang huling alaala niya sa lupaing kanyang pinagmulan.Mahaba rin ang buhok ni Li Wei pero nakatali itong papusod.Mahahalata mo rin kaagad kung anong lahi niya dahil siya ay singkit at maputi. Medyo may kaliitan siya kumpara sa akin. Hindi rin ganun kalaki ang kanyang katawan pero delikado pa rin siya bilang isang kalaban, dahil may alam siyang paraan ng pakikibaglaban na kung tawagin niya ay Kung Fu.Matatas na ring magsalita ng tagalog si Li Wei dahil halos dito na siya lumak

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 5

    CHAPTER 5: UNANG PAGKIKITA“Palan-taw! Gumising ka na! Maguumpisa na ang inyong pangangaso!”Agad akong namulat ng marinig ang sigaw ni Li Wei sa aking tenga! Bigla ulit akong kinabahan dahil baka ako ay nahuhuli na. “Nasaan na sila?” kinakabahan kong tanong kay Li Wei. Natataranta na rin ito kaya hindi na siya gaanong makasagot ng maayos, “Bilisan mo na Palan-taw! Kuhain mo na ang iyong sibat!” Tumakbo ito palabas ng kubo, mukhang siya pa yung mas kinakabahan kesa sa akin ah. Kinuha ko ang aking sibat at agad na tumakbo sa lugar kung saan nagpupulong-pulong ang aming barangay.Nakakarinig na ako ng mga sigawan, mukhang ang bawat pamilya ay may manok na ipangsasabong. Pagdating ko sa gitna ay agad akong sinalubong ni Ama, “Saan ka galing at bakit ang tagal mo?” Napakamot naman ako sa aking ulo at sabay sambit “Nakatulog ako Ama, pasensya na.” Ti

    Huling Na-update : 2021-07-29
  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 6

    CHAPTER 6Nagising naman ako sa katotohanan ng magsalita siya. Ako ay napatingin sa kanyang kasuotan, siya ay nakasuot pang Kastila. Mali ito! Dapat na akong umalis at baka isumbong niya pa ako! Napatingin ako sa aking kasuotan, halatang-halata na may dugo akong bughaw! Baka may kasama pa siyang iba at baka ako pa ay mapaslang!“Ginoo? Ayos ka lang ba?”, muli niyang tanong sa akin.“Isa kang Kastila?!” may pangbabantang tanong ko sa kanya.“Ikaw? Isa ka bang katutubo, Ginoo?” nakangiti nitong sambit. Mukhang natutuwa siya dahil may nakitang siyang isang katulad ko.Baka tawagin niya ang mga kasama niya at baka ako ay kanilang paslangin para ibenta sa kanilang Gobyerno! Hindi maaari! Hindi ako papayag!Napalingon ako sa baboy damong aking napaslang, nakatusok pa dito ang aking sibat. Nanghih

    Huling Na-update : 2021-09-02
  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 7

    CHAPTER 7Hating gabi na pero di pa rin ako makatulog. Masyado akong binabagabag ng kanyang alaala. Di ko makalimutan ang kanyang ngiting kay tamis. Yung kahit nadapa na siya sa lupa ay nagawa niya pa ring tumawa. Ang saya-saya ko kanina. Parang dalawang paligsahan ang napanalunan ko. Yung isa ay yung makabalik na may dalang baboy damong napatay sa pangangaso, at yung isa naman ay yung makita ang isang magandang dilag na ang pangalan ay Selestina.“Ano ang nginingiti-ngiti mo dyan Palan-taw? Mukhang nasiraan ka na ata ng ulo?!” tumawa pa ng malakas si Li Wei ng sambitin niya yun. Bigla akong natauhan ng magsalita siya. Tumabi naman siya sakin at tumigil na rin sa pagtawa dahil sigurong nakaramdam siya na di ko gusto na makipagbiruan sa oras na ito.Nakaupo kaming dalawa sa tabi ng taniman ng palay. Malago na ang mga ito at sa susunod na buwan ay aanihin na. Malamig ang simoy

    Huling Na-update : 2021-09-05

Pinakabagong kabanata

  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 42

    Chapter 42“Kailan ang kasal nila?” “Kailan ang kasal nila?” “Kailan ang kasal nila?” Paulit-ulit kong naririnig ang tanong na iyan ni Don Arsenio sa aking isipan.Umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala ang pangamba sa puso ko. Hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin para pigilan ang pangyayaring iyon. Wala akong kayamanan o kahit na ano. At saka, sa pagkakataong ito, alam ko, hindi ako kilala ni Savanna. Ito ang pangalawang buhay niya kaya siguradong wala siyang naalala kahit na ano sa akin. Siguradong walang kahit na anong pangyayari noon ang naroon sa isipan niya.Hindi ko rin naman siya pwedeng itakas o ilayo.“Hindi ko alam!” napahawak na lamang

  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 41

    Chapter 41Ang gabi ay tuluyan ng natabunan ang haring-araw. At ang buwan ay muling naaninag sa kalangitan.Heto ako, nakasilip lamang sa Mansion nila Savanna dito sa tulugan malapit sa kulungan ng mga kabayo. “Selestina— Savanna… hindi ako makapaniwalang nagkita tayo muli. Hindi ako makapaniwalang nagkadaupang palad muli tayo. Pero ako, ilang daang taon nang nabubuhay, ikaw? Kaparehas ng edad mo noong una kitang makita…” sambit ko na para bang kausap ko siya habang nakadungaw sa Mansion ng mga Amor.“Totoo nga ang sinabi ng matandang iyon na nagbigay sa akin ng isang mahiwagang likido…”Isang alaala ang bumalik na pilit ko ng kinalimutan.~~~~~Walang humpay na pag-iyak na lang ang tangi kong nagagawa. Sobrang sakit. Sobrang bigat. Lumipas ang ilan

  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 40

    Chapter 40“Hindi po ako si Selestina. Savanna po ang pangalan ko. Anak ni Don Arsenio.”“Muli ka ng nabuhay, Selestina. Teka, nakatulala pa rin ako sa iyo. Baka matakot ka na sakin. Teka. Ayusin mo sarili mo, Pedro!” bulong ko sa aking isipan. “A-ako, ang inatasan ni Don Arsenio na, na sunduin ka dito sa barko, B-binibining Sel— Savanna,” ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Ramdam ko ang bawat pagpintig nito habang nakatitig sa mga mata ni Selestina. Hindi, ni Savanna. Savanna na ang pangalan niya ngayon. Savanna ang pangalan niya ngayong pangalawang buhay niya.“Ako na pong bahala sa bagahe ninyo, Binibini,” magalang kong sambit kay Savanna.Kabado pa rin ako. Akala ko hindi na ako kakabahan pag nagkita muli kami dahil ilang dekada ko na itong pinaghandaan. Pe

  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 39

    Chapter 39Hindi pa man sumisikat ang araw ay nakaparada na ang kalesang dala ko mula sa Hacienda nila Don Arsenio. Sa di kalayuan ay makikita na ang barkong mula sa Espanya. Dito sa daungan ay napakarami ring nakaabang na mga kartero. Ang mga kalesang nakaparada ay sadyang kay gagara ng mga itsura. Madisenyo at ang iba pa ay may mga inukit sa kahoy. Sadyang kay dami nang mayayaman dito sa lupaing ito.Ilang dekada na ang lumipas ngayon ko pa lang nakikita ang mga pagbabago. Marami na ring gusaling nakatayo dito sa Lungsod ng Manila. Marami na ring negosyo ang umusbong. Nagkalat na rin sa buong lupain ang mga Espanyol at mga Mestizo. At ang mga Indio, pawang mga trabahador o utusan lamang. Wala akong nakikitang Indio na may magarang kasuotan. Katulad ko lamang sila. Walang kayamanang taglay.Isang oras ang lumipas ng paghihintay ay tuluyan ng dumaong ang barko. 

  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 38

    CHAPTER 38Ilang dekada na rin ang nakalipas. At parang pagdampi lang ng hangin ang dumaan. Ngunit mabilis na nagbabago ang lahat. Ang oras ay parang agos ng tubig sa ilog na hindi na pwedeng ibalik. Iisa lang ang direksyon, iisa lang ang pupuntahan… yun ay ang kinabukasan.Dapat ay mahiya ako sa pagpasok sa bahay ng Gobernadorcillo, ngunit mas nakakahiya kung hindi ko papaunlakan ang kanyang kagustuhan. Marahil ay may masasarap din na pagkain na nakalagay na sa hapag-kainan. Halos ilang dekada na rin na hindi ako nakakakain ng masarap. Puro tinapay at isda lang ang madalas na pangtawid gutom ko. Isa pa, ginawa na niya agad akong kartero ng kanilang karwahe.Bago ako tumungtong sa kanilang bahay ay hinubad ko ang aking bakya at nagpaa na lamang. Tabla din naman ang lapag ng kanilang Mansion. Pagpasok na pagpasok ko sa pinto ay agad na bumungad sakin ang napakagandang disenyo sa loob ng kanil

  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 37

    CHAPTER 37~~~~~Tanging pag-agos lang ng ilog ang aking naririnig. Pinapakalma nito ang buo kong pagkatao. Sa tabing ilog na lang ako nakakaranas ng kapayapaan. Ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat ang nagpaparamdam sa akin na ako ay nabubuhay pa. Kahit naman gustuhin kong mamatay, ay hindi ko magawa.Dumampot ako ng bato at muling naghagis sa ilog. Nasa malalim na bahagi ako ng ilog at mas malawak ito kumpara sa pinagtatambayan namin ni Selestina. Ilang dekada na ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin sa dibdib. Humihinga nga ako, pero araw-araw naman akong pinapatay ng sakit at pagdadalamhati. Ilang beses kong sinubukang patayin ang aking sarili. Ngunit walang nangyari.Mahirap paniwalaan, ngunit totoo. Kung ano man ang kababalaghan na dulot nito, isa pa rin itong misteryo. At ang matandang nagbigay sakin ng biyayang ito ay hindi ko na muli pang

  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 36

    CHAPTER 36 Sophie's point of view Pagkatapos ng pagkikita namin kanina ni Pedro ay umuwi ako kaagad. Habang nasa daan ay nagugulumihanan pa rin ako sa mga sinabi niya. Maaring hindi yun totoo. Napakalayo sa realidad nun. Ako? Nabuhay na ng tatlong beses? Bakit? Alam ko pag may past life ka isang beses ka lang talagang nabuhay sa past. Pero di rin naman ako sure kung totoo ba yung past life na yun. O nangyayari ba talaga yun? Masyado na niyang ginulo ang isip ko. Pero may parte sakin na nabuo. Di ko mapaliwanag pero ang saya ng pakiramdam ko. Ngayon ko naramdaman ang pagkawala ng bigat na nararamdaman ko. Sa buong buhay ko, naramdaman ko ng buo ako. Kailangan kung siguraduhin ang lahat. Hindi rin dapat ako magtiwala sa taong minsan ko pa lang nakikilala. Pero kasi, alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil kita ko yun sa mata niya. Kita ko yung buong pagkatao ni

  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 35

    CHAPTER 35 Ace's point of view Ang saya-saya ng araw na to pero hindi yun ang nakikita ko sa mata niya. Parang kanina lang ay punong-puno pa ng pagkamangha ang bawat reaksyon niya. Pero ngayon halos tumulo na yung luha niya. Naging tahimik ako, at ganun din siya. Walang salita ang nagtangkang lumabas mula sa bibig naming dalawa. Buong byahe ay tahimik at sulyapan lang ang naibabato namin sa isa't-isa. Lagi akong nakatingin sakanya, siya naman ay pasulyap-sulyap lang. Hindi niya ako magawang tingnan. At sa bawat titingin siya ay kitang-kita ko ang namumuong luha sa mata niya kahit na binibigyan niya ako ng ngiti. Pabalik na kami ngayon sa Lazaro's Village, iuuwi ko na siya. Gusto kong magtanong pero mas pinili kong manahimik. Gusto kong malaman kung ano ba ang problema niya. Gusto kong ilabas niya sa akin ang hinahakit na nararamdaman ni

  • CARIÑO ETERNO   CHAPTER 34

    CHAPTER 34 Ace's Point of View Gabing-gabi na pero di pa Rin ako makatulog at patay na rin ang ilaw dito sa dormitory. Parang may kung anong nangyayari. Kaya agad akong bumangon sa higaan ko at binuksan ang cellphone ko para tingnan kung nagtext ba si Love. Pero Wala akong nakitang text or missed call man lang. Bakit parang may nangyari talagang di maganda? Hayaan ko na nga, baka nagooverthink Lang ako. Ang hirap talaga pag overthinker, mahirap makatulog. Humiga ulit ako sa higaan ko para matulog ulit. Pero lumipas ang Ilan pang minuto, at halos magiisang oras na ring dilat ang Mata ko. Siguro namimiss ko lang yung bakasyon namin sa Japan. Agad kong kinuha yung cellphone ko at isa-isa Kong tiningnan yung mga selfies at photoshoot namin ni Sophie sa Japan. Ang ganda talaga ng girlfriend ko. Parang may p

DMCA.com Protection Status