CHAPTER 7
Hating gabi na pero di pa rin ako makatulog. Masyado akong binabagabag ng kanyang alaala. Di ko makalimutan ang kanyang ngiting kay tamis. Yung kahit nadapa na siya sa lupa ay nagawa niya pa ring tumawa. Ang saya-saya ko kanina. Parang dalawang paligsahan ang napanalunan ko. Yung isa ay yung makabalik na may dalang baboy damong napatay sa pangangaso, at yung isa naman ay yung makita ang isang magandang dilag na ang pangalan ay Selestina.
“Ano ang nginingiti-ngiti mo dyan Palan-taw? Mukhang nasiraan ka na ata ng ulo?!” tumawa pa ng malakas si Li Wei ng sambitin niya yun. Bigla akong natauhan ng magsalita siya. Tumabi naman siya sakin at tumigil na rin sa pagtawa dahil sigurong nakaramdam siya na di ko gusto na makipagbiruan sa oras na ito.
Nakaupo kaming dalawa sa tabi ng taniman ng palay. Malago na ang mga ito at sa susunod na buwan ay aanihin na. Malamig ang simoy
CHAPTER 8 Hindi ko na muli pang inintindi ang panaginip na yun. Panaginip lang naman yun. Lumabas ako ng aming kubo at agad na bumungad sa akin si Ama, “Magandang umaga Palan-taw, kumain ka na at lalagyan ka pa ng batuk sa iyong katawan” sambit ni Ama sa akin. “Kailangan po ba talagang gawin iyon?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Bakit natatakot ka ba na malagyan ng sugat ang iyong katawan?” pabirong tanong sa akin ni Ama. Napangiti na lang din ako sa tinanong ni Ama, “Natatakot po akong masaktan” tugon ko naman kay Ama. Tinapik niya ako sa aking balikat at ngumiti, “Wag na wag kang matatakot na masugatan Palan-taw, ang sugat ang siyang tanda na ikaw ay naging matapang” wika ni Ama sa akin. Gumaan naman ang aking paki
CHAPTER 9Kay tagal kitang hinintay. Ngayon na andito ka sa harapan ko ay di ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na ang alam kong anong sasabihin ko. Ngayon na andito siya ay kinakabahan ako sa kanyang prisensya.“Ginoo?” muli niyang tanong. Muli akong natauhan ng magsalita siya. Nasa daan siya at ako naman ay nasa loob pa rin ng kagubatan pero nasa tabi na lang naman ako ng daanan kaya niya ako nakita.“Nangangaso ako.” tanging saad ko. Ang seryoso naman ng pagkabigkas ko.“Ganun ba, ako naman ay naglalakad-lakad muna habang inaayos ang aming kalesa” malumanay niyang sambit. Malambing ba siya o ganun lang talaga ang boses niya? Nakasuot siya ng magarang suot, puno siya ng palamuti. Nakatali din ang kanyang buhok na siyang lalong nagpaganda sa kanya. Mapula din ang kanyang labi, para tuloy gusto kong
CHAPTER 10 “Sana magbukas na…”Paulit-ulit ko yung naririnig sa aking isipan. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isip ang kanyang imahe, ang kanyang ngiting hindi ko na makalimutan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, para na akong nahihibang, di mapakali, di mawari ang gagawin. Parang gusto kong bumalik sa loob ng kagubatan at puntahan siya kung nasaan man siya ngayon. Gusto kong makilala pa siya. Gusto kong…“Alam mo aakalain ko nang nababaliw ka na!”, biglang nagsalita si Li-Wei. Panira, ang ganda-ganda na ng iniisip ko eh. “Talaga? Aakalain ko na rin sanang wala ka ng mata e”, bawi ko naman sa kanya, mas lalo namang napasingkit ang kanyang mata. Abala ako sa paghahasa ng aking simbat at ng iba pang sandata na tanging kami lang ni Ama ang nakakagamit. May mga nakaukit na baybayin sa bawat sandatang aming ginagamit, pero di ko
CHAPTER 11Lumabas ako sa aming kubo at nagpahangin ulit sa tabi ng malawak na palayan. Wala akong narinig na sagot mula kay Ama, kaya mas pinili ko na lang din na umiwas pa at baka kung saan pa mapunta ang usapang iyon. Puno ulit ng bituin ang kalangitan at ang lamig ng simoy ng hangin, sariwang-sariwa ito. Pinakiramdaman ko lang ang kalikasan dahil pinapagaan nito ang aking pakiramdam. Mas gusto ko ang mapag-isa, mas kumportable ako at mas magaan ang pakiramdam ko pag ako lang at walang kasama. Dahil alam kong wala akong masasaktan, madidismaya, matatapakan, at makakalaban na kapwa tao.Muli akong napatingin sa kalangitan, ang ganda nila pagmasdan. Ano kaya ang kwento sa likod ng kanilang taglay na kagandahan?“Selestina” bigla ko siyang naalala. Nakatingin din kaya siya sa mga bituin? Kung ganoon ay masaya na ako na parehas kami ng tinitingnan. Marahil ay masaya na siya kung asan man siya
CHAPTER 12Napatigil ako sa pag-iyak ng marinig ang kanyang boses. Kaya agad kong iminulat ang aking mata na kanina pa umiiyak, agad ko yung pinunasan. Naramdaman kong may nakatabi sa akin kaya napalingon ako sa gawing kaliwa… at siya ang nakita ko.Selestina…Bakit siya andito?Bigla akong binalot ng pagtataka. Katabi ko siya ngayon dito sa upuang ginawa ko para sa aming dalawa. Nakatingin siya sa malayo, pero nakatabi siya sa akin na halos magdikit na ang aming mga balat. Napalingon siya sa akin, kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Ayaw kong makita niya akong umiiyak. Kalalaki kong tao, umiiyak ako!Huminga ako ng malalim. Pinigilan ko rin ang pagtulo ng aking luha. Pinunasan ko yun gamit ang aking kamay. Habang pinupunasan ko ang aking mata ay napansin kong may iniaabot na panyo sa akin si Selestina. Kaya n
CHAPTER 13“Pasensya ka na kung di ko maiwasang isipin yun, lalo na at may dugo kang Kastila, lalo na at hindi pa kita kilala, maaari mo akong pagtaksilan” nakaupo kami sa upuang gawa sa kawayan na aking pinagpaguran kahapon. Nakaupo rin siya pero may distansya sa aming pagitan. Tumingin siya sakin pero agad ding lumingon sa ibang direksyon, marahil ay naiilang pa rin siya, ganun din naman ako.“Ayaw ko lang maulit ang nangyari sa aking lahi” muli kong naalala ang nangyari sa amin noong nakaraang taon. Ang daming dugo, ang daming patay, ang gulo. May putok ng mga baril, sigaw, dugo, nagpapatayan, at sa pagkakataong yun, hindi ko alam ang gagawin ko. Muli kong natandaan ang ginawa sa aking Ina, kung paano siya pinatay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking iyon.Naramdaman ko naman ang kamay ni Selestina sa aking balikat. Napalingon ako sa kanya, at nakita ko sa kany
CHAPTER 14Muli ko namang isinuot ang aking pang itaas. Hindi na makakauwi si Selestina dahil madilim na ang daan, at delikado iyon para sa kanya at sa kanyang kabayo. “Mukhang dito na tayo magpapalipas ng gabi Ginoo” saad niya sa akin. Napatango naman ako sa kanyang sinabi. Gusto ko sanang gumawa ng apoy para naman ay lumiwang at uminit dito kahit papano, kaso basa ang mga kahoy.“Saan ka hihiga Selestina? Dito sa upuang kawayan?” nagaalala kong tanong. “Bakit gusto mo bang sa lupa ako matulog?” pabiro niyang tanong. Pero hindi ako natuwa sa kanyang sinabi, pero agad din naman akong napangiti dahil nagagawa na niya akong barahin.Halos wala na akong makita dahil tuluyan ng nagdilim. Natatakpan din ng mga ulap ang liwanag ng buwan kaya hindi ko makita ang mukha ni Selestina. Yung mata niya medyo nakikita ko, pero ang kanyang labi, hindi.“Nga pala Ginoo? A
CHAPTER 15“Ginoo gising na dyan, magbihis ka na at pupunta tayo sa Intramuros” agad kong iminulat ang aking mata. Umaga na pala, mataas na rin ang sikat ng araw. Napatingin naman ako kay Selestina, iba na ang suot niya. “Nakauwi ka na?” nagtataka kong tanong. Tumango naman siya sakin, inabot niya naman ang yakap-yakap niya, isa itong barong at pantalon. “Isusuot ko to Selestina?” nagtataka kong tanong ulit. “Gusto mo bang pumunta sa Intramuros na ganyan ang suot mo, siguradong papatayin ka nila kaagad” pabiro niyang saad, pero totoong pwedeng mangyari yun.Nagbihis ako kaagad sa likod ng mga puno para hindi niya makita ang aking buong katawan. Nang makabalik ako sa upuan ay napansin kong nakatitig lang siya sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, nakanganga din siya at mukhang manghangmangha ang kanyang mukha. “May kulang” saad ni Selestina dahilan upang m