CHAPTER 13
“Pasensya ka na kung di ko maiwasang isipin yun, lalo na at may dugo kang Kastila, lalo na at hindi pa kita kilala, maaari mo akong pagtaksilan” nakaupo kami sa upuang gawa sa kawayan na aking pinagpaguran kahapon. Nakaupo rin siya pero may distansya sa aming pagitan. Tumingin siya sakin pero agad ding lumingon sa ibang direksyon, marahil ay naiilang pa rin siya, ganun din naman ako.
“Ayaw ko lang maulit ang nangyari sa aking lahi” muli kong naalala ang nangyari sa amin noong nakaraang taon. Ang daming dugo, ang daming patay, ang gulo. May putok ng mga baril, sigaw, dugo, nagpapatayan, at sa pagkakataong yun, hindi ko alam ang gagawin ko. Muli kong natandaan ang ginawa sa aking Ina, kung paano siya pinatay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking iyon.
Naramdaman ko naman ang kamay ni Selestina sa aking balikat. Napalingon ako sa kanya, at nakita ko sa kany
CHAPTER 14Muli ko namang isinuot ang aking pang itaas. Hindi na makakauwi si Selestina dahil madilim na ang daan, at delikado iyon para sa kanya at sa kanyang kabayo. “Mukhang dito na tayo magpapalipas ng gabi Ginoo” saad niya sa akin. Napatango naman ako sa kanyang sinabi. Gusto ko sanang gumawa ng apoy para naman ay lumiwang at uminit dito kahit papano, kaso basa ang mga kahoy.“Saan ka hihiga Selestina? Dito sa upuang kawayan?” nagaalala kong tanong. “Bakit gusto mo bang sa lupa ako matulog?” pabiro niyang tanong. Pero hindi ako natuwa sa kanyang sinabi, pero agad din naman akong napangiti dahil nagagawa na niya akong barahin.Halos wala na akong makita dahil tuluyan ng nagdilim. Natatakpan din ng mga ulap ang liwanag ng buwan kaya hindi ko makita ang mukha ni Selestina. Yung mata niya medyo nakikita ko, pero ang kanyang labi, hindi.“Nga pala Ginoo? A
CHAPTER 15“Ginoo gising na dyan, magbihis ka na at pupunta tayo sa Intramuros” agad kong iminulat ang aking mata. Umaga na pala, mataas na rin ang sikat ng araw. Napatingin naman ako kay Selestina, iba na ang suot niya. “Nakauwi ka na?” nagtataka kong tanong. Tumango naman siya sakin, inabot niya naman ang yakap-yakap niya, isa itong barong at pantalon. “Isusuot ko to Selestina?” nagtataka kong tanong ulit. “Gusto mo bang pumunta sa Intramuros na ganyan ang suot mo, siguradong papatayin ka nila kaagad” pabiro niyang saad, pero totoong pwedeng mangyari yun.Nagbihis ako kaagad sa likod ng mga puno para hindi niya makita ang aking buong katawan. Nang makabalik ako sa upuan ay napansin kong nakatitig lang siya sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, nakanganga din siya at mukhang manghangmangha ang kanyang mukha. “May kulang” saad ni Selestina dahilan upang m
CHAPTER 16Pagtapos ng Misa ay kumain kami saglit sa isang kainan dito sa Intramuros. Noong una ay nagaaway pa kami kung sino ang magbabayad pero sa huli siya pa rin ang nagbayad dahil wala pala akong salapi. Pagtapos naming kumain ay naglakad naman kami papunta sa tabi ng dagat. Hindi naman ito kalayuan mula sa Intramuros at isa pa nananabik din akong pumunta dun dahil makikita ko ulit ang ganda ng dagat.Pagdating namin doon ay umupo kami sa mga bato malapit sa daungan. Nakaupo kaming parehas pero may pagitan samin, pero tama lang ang layo para marinig namin ang isa’t-isa. Diretsyo lang kaming nakatingin sa dagat. Tanaw na tanaw ko ang lawak nito, pero hindi ko makita ang dulo.Ano kaya ang itsura sa kabilang dulo ng dagat na ito? May barko naman akong nakikitang parating na medyo malayo pa sa daungan. Sana ay magkaroon ako ng pagkakataon na makita ang iba pang lupain. Papalubog na ang araw kaya
CHAPTER 17Pagkasakay sa karwahe ay kinausap muna ng kanyang Papa ang kutsero. May sinabi ang kanyang Ama tungkol sa susunduin sa daungan na galing daw Espanya. Kaya pala nagmamadali din ang karwaheng ito kanina. Nang matapos silang magusap ay agad itong pinatakbo ng kutsero. May apat na upuan ang karwaheng ito at magkaharapan ito. Nasa likod ko ang kutsero at kaharap ko naman ang Papa ni Selestina, at si Selestina na kanina pa nakayuko at tahimik lang.Tiningnan ko na lang ang bawat naming madadaanan. May iilang pang naglalakad-lakad sa kalye. Yung iba ay mga pari at madre yung iba naman ay mga lalaking nakabarong na may dalang mga libro. Karamihan naman ay mga guardia civil na nagbabantay sa buong lugar. May ilaw na rin sa mga poste dahil ito sa mga lamparang sinindihan na.Pagkalipas pa ng ilang saglit ay huminto na ang karwahe, “Andito na tayo sa aming tahanan, Ginoo” sam
CHAPTER 18Nang mapalingon siya sakin ay parang kinabahan ako bigla, kinutuban ako ng masama. Parang nakita ko na ang lalaking ito dati, “May bisita rin pala ang pamilya Amor” sambit niya kahit na hindi pa siya tumitingin sa akin. Kinausap niya naman ang kasambahay, “Dile a Don Adolfo que su Heneral está aquí” (Sabihin mo kay Don Adolfo andito na ang kanyang Heneral) sambit niya doon sa kasambahay dahilan upang kabahan ako sa kanyang sinabi. Mabilis namang tumungo ang kanilang alipin, este kasambahay sa itaas kung nasaan si Don Adolfo.Naupo naman ang lalaking kakarating lang, nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya dahil inaalala ko kung saan ko siya unang nakita. Nang mapatingin siya sa akin ay parang namukhaan niya rin ako. Agad akong napaiwas ng tingin. Napapansin ko naman na siya naman ang tumitingin sa akin. Siguro ay inaalala niya rin kung saan niya ako
CHAPTER 19Tanghali na ng makabalik ako sa aming lupain, at agad nila akong sinalubong. Noong una ay puno ng pagaalala ang kanilang mga mukha pero ng makita nila ang aking kasuotan ay para nila akong sinusuka. Ang mga bata naman ay natakot ng makita nila ako. Ibang-iba ang kasuotan ng Kastila sa amin. Hindi ko na nagawang makapagpalit ng kasuotan dahil hindi ko na maalala kung saan ko nilagay ang aking kamisa.“Palan-taw nagaalala na kami ng sobra…” agad na napatigil si Li Wei ng makita niya kung anong suot ko. Tiningnan niya ang mga taong nakapalibot sa buong lugar na parang diring-diri na sa akin. “Magsibalik na kayo sa mga kubo niyo” sigaw ni Li Wei. Tiningnan ko ang kanyang mukha, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Naglakad na ulit ako patungo sa aming kubo. Pagdating sa aming kubo ay agad akong sinalubong ni Ama at niyakap, pero agad din siyang kumalas ng mapag
CHAPTER 20Enero 1743“Ina bakit po ang tagal bumalik nila Ama?” nag-aalala kong tanong kay Ina. Agad akong nilapitan ni Ina para pagaanin ang aking pakiramdam. Gabi na pero wala pa rin si Ama, kinakabahan na ako dahil kanina pa sila pumasok sa Intramuros. Parang noon lang labas-pasok pa kami doon, malayang nakakapagkalakal, at malayang nabubuhay. Pero ng may dumating na balita na may mga dugong bughaw daw ang nagbabalak ng pagaaklas sa Kaharian ng Espanya ay tuluyan kaming naalarma. May dugo akong bughaw, dugong Datu. “Alam mo ba Anak, ang natatandaan ko sa kwento ng matatanda… masaya noon ang pamumuhay ng mga Pilipino, masagana sa yaman ng kalikasan at karunungan. Malayang nakakagalaw sa sariling lupang sinilangan…” wika ni Ina. Malaki na ako pero hindi ako nagsasawang pakinggan ang mga kwento ni Ina.
CHAPTER 21Hindi ko lubos maisip na yun na pala ang huling gabing gagawin sa akin yon ni Ina. Hindi ko na matutupad ang aking kagustuhan na bumawi sa kanyang sakripisyo sa akin. Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng aking mata. Dahan-dahang pumatak ang aking mga luha dahil muling nagbalik ang mapait na alaalang iyon sa akin.Noon, wala akong nagawa pero ngayon, binigyan ako ng pagkakataon na makabawi. Ano pa ang saysay ng buhay ko kung wala akong pinaglalaban? Ano pa ang saysay ng aming pagtatago kung darating naman ang panahon na muli kaming lalaban? Ano ang saysay ko bilang anak ng Datu, na dapat tagapagmuno ng isang sandatahan? May pagkakataon akong maging handa, at sisiguraduhin kong makukuha ko ang nararapat na hustisya para sa pagkamatay ni Ina.Nakapa ko naman ang kwaderno ni Selestina na nasa aking bulsa. Buti na lang hindi ito nalaglag sa ilog. Inilabas ko iyon para tingnan at buksan pero ma