CHAPTER 16
Pagtapos ng Misa ay kumain kami saglit sa isang kainan dito sa Intramuros. Noong una ay nagaaway pa kami kung sino ang magbabayad pero sa huli siya pa rin ang nagbayad dahil wala pala akong salapi. Pagtapos naming kumain ay naglakad naman kami papunta sa tabi ng dagat. Hindi naman ito kalayuan mula sa Intramuros at isa pa nananabik din akong pumunta dun dahil makikita ko ulit ang ganda ng dagat.
Pagdating namin doon ay umupo kami sa mga bato malapit sa daungan. Nakaupo kaming parehas pero may pagitan samin, pero tama lang ang layo para marinig namin ang isa’t-isa. Diretsyo lang kaming nakatingin sa dagat. Tanaw na tanaw ko ang lawak nito, pero hindi ko makita ang dulo.
Ano kaya ang itsura sa kabilang dulo ng dagat na ito? May barko naman akong nakikitang parating na medyo malayo pa sa daungan. Sana ay magkaroon ako ng pagkakataon na makita ang iba pang lupain. Papalubog na ang araw kaya
CHAPTER 17Pagkasakay sa karwahe ay kinausap muna ng kanyang Papa ang kutsero. May sinabi ang kanyang Ama tungkol sa susunduin sa daungan na galing daw Espanya. Kaya pala nagmamadali din ang karwaheng ito kanina. Nang matapos silang magusap ay agad itong pinatakbo ng kutsero. May apat na upuan ang karwaheng ito at magkaharapan ito. Nasa likod ko ang kutsero at kaharap ko naman ang Papa ni Selestina, at si Selestina na kanina pa nakayuko at tahimik lang.Tiningnan ko na lang ang bawat naming madadaanan. May iilang pang naglalakad-lakad sa kalye. Yung iba ay mga pari at madre yung iba naman ay mga lalaking nakabarong na may dalang mga libro. Karamihan naman ay mga guardia civil na nagbabantay sa buong lugar. May ilaw na rin sa mga poste dahil ito sa mga lamparang sinindihan na.Pagkalipas pa ng ilang saglit ay huminto na ang karwahe, “Andito na tayo sa aming tahanan, Ginoo” sam
CHAPTER 18Nang mapalingon siya sakin ay parang kinabahan ako bigla, kinutuban ako ng masama. Parang nakita ko na ang lalaking ito dati, “May bisita rin pala ang pamilya Amor” sambit niya kahit na hindi pa siya tumitingin sa akin. Kinausap niya naman ang kasambahay, “Dile a Don Adolfo que su Heneral está aquí” (Sabihin mo kay Don Adolfo andito na ang kanyang Heneral) sambit niya doon sa kasambahay dahilan upang kabahan ako sa kanyang sinabi. Mabilis namang tumungo ang kanilang alipin, este kasambahay sa itaas kung nasaan si Don Adolfo.Naupo naman ang lalaking kakarating lang, nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya dahil inaalala ko kung saan ko siya unang nakita. Nang mapatingin siya sa akin ay parang namukhaan niya rin ako. Agad akong napaiwas ng tingin. Napapansin ko naman na siya naman ang tumitingin sa akin. Siguro ay inaalala niya rin kung saan niya ako
CHAPTER 19Tanghali na ng makabalik ako sa aming lupain, at agad nila akong sinalubong. Noong una ay puno ng pagaalala ang kanilang mga mukha pero ng makita nila ang aking kasuotan ay para nila akong sinusuka. Ang mga bata naman ay natakot ng makita nila ako. Ibang-iba ang kasuotan ng Kastila sa amin. Hindi ko na nagawang makapagpalit ng kasuotan dahil hindi ko na maalala kung saan ko nilagay ang aking kamisa.“Palan-taw nagaalala na kami ng sobra…” agad na napatigil si Li Wei ng makita niya kung anong suot ko. Tiningnan niya ang mga taong nakapalibot sa buong lugar na parang diring-diri na sa akin. “Magsibalik na kayo sa mga kubo niyo” sigaw ni Li Wei. Tiningnan ko ang kanyang mukha, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Naglakad na ulit ako patungo sa aming kubo. Pagdating sa aming kubo ay agad akong sinalubong ni Ama at niyakap, pero agad din siyang kumalas ng mapag
CHAPTER 20Enero 1743“Ina bakit po ang tagal bumalik nila Ama?” nag-aalala kong tanong kay Ina. Agad akong nilapitan ni Ina para pagaanin ang aking pakiramdam. Gabi na pero wala pa rin si Ama, kinakabahan na ako dahil kanina pa sila pumasok sa Intramuros. Parang noon lang labas-pasok pa kami doon, malayang nakakapagkalakal, at malayang nabubuhay. Pero ng may dumating na balita na may mga dugong bughaw daw ang nagbabalak ng pagaaklas sa Kaharian ng Espanya ay tuluyan kaming naalarma. May dugo akong bughaw, dugong Datu. “Alam mo ba Anak, ang natatandaan ko sa kwento ng matatanda… masaya noon ang pamumuhay ng mga Pilipino, masagana sa yaman ng kalikasan at karunungan. Malayang nakakagalaw sa sariling lupang sinilangan…” wika ni Ina. Malaki na ako pero hindi ako nagsasawang pakinggan ang mga kwento ni Ina.
CHAPTER 21Hindi ko lubos maisip na yun na pala ang huling gabing gagawin sa akin yon ni Ina. Hindi ko na matutupad ang aking kagustuhan na bumawi sa kanyang sakripisyo sa akin. Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng aking mata. Dahan-dahang pumatak ang aking mga luha dahil muling nagbalik ang mapait na alaalang iyon sa akin.Noon, wala akong nagawa pero ngayon, binigyan ako ng pagkakataon na makabawi. Ano pa ang saysay ng buhay ko kung wala akong pinaglalaban? Ano pa ang saysay ng aming pagtatago kung darating naman ang panahon na muli kaming lalaban? Ano ang saysay ko bilang anak ng Datu, na dapat tagapagmuno ng isang sandatahan? May pagkakataon akong maging handa, at sisiguraduhin kong makukuha ko ang nararapat na hustisya para sa pagkamatay ni Ina.Nakapa ko naman ang kwaderno ni Selestina na nasa aking bulsa. Buti na lang hindi ito nalaglag sa ilog. Inilabas ko iyon para tingnan at buksan pero ma
CHAPTER 22Pagtapos naming magensayo ni Li Wei ay hinayaan niya na ako sa aking sarili. Ang sabi niya ay sapat na daw ang aking nalalaman para ipagtanggol ang aking sarili pati na rin ang ibang taong nangangailangan. Kahit di man niya ako samahan ay lagi pa rin akong pumupunta sa lugar kung nakalubog ang lupa at napapalibutan ng mga puno habang sa gitna ng nakalubog na pabilog na lupa ay tanging damo lang ang nakatanim.Doon ay nageensayo ako at nagpapalakas pa, lalo na tuwing umaga at hapon kung kelan pasikat at palubog ang haring-araw. Hindi ako pinanghinaan ng loob kahit na sobra na akong napapagod. Pinagpapawisan ako ng isang tagaktak, pero napapangiti ako dahil ibig sabihin lang nun ay mas lalong lumalakas ang aking katawan. Mas lalo ko pang pinataas ang aking mga sipa at mas lalo kong pinakalakas ang aking pagsuntok. Kahit walang sandata ay siguradong mananalo ako.Usang umaga haba
CHAPTER 23Oktubre, Enero 1744Inilipat ko pa ang mga pahina at hindi na nagbago ang kanyang iginuhit. Ang lalaking ito na nasa kwaderno niya. Hindi kaya ako ito? Bumilis ang pintig ng puso ko. Nanginginig ako habang inililipat ang mga pahina. At sa dulong bahagi ay andun ang isang tula.Hindi ko alam pero ako ay napaibig sayong mga mataSa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang sayaPero iba ka sa akin, at alam kong hindi na tayo muling magkikitaKahit na ganon, nagawa ko namang iguhit kaSana muli tayong magkita para mas lalo kitang makilalaHindi ka na matanggal dito sa aking isipan, kaya ito ako, tumutulaNgayon lang ako nahibang sa isang lalaking bigla-biglang susulpot sa kagubatanNgayon lang bumilis ang pintig nito, at ako ay kinakabahan
CHAPTER 24 ~~~~~ “At pag naisakatuparan ko ang aking plano ay magiging tanyag ang aking pangalan. Mailalagay ito sa kasaysayan at kikilalanin ako ng mga susunod pang mga henerasyon!” humalakhak pa siya pagtapos niyang sambitin iyon. Ngayon mas lalo ko pang naunawaan kung bakit niya kailangan ang isang katulad ko. Isusuko niya ako sa Kolonya, at kapalit nun ay isang parangal. Parangal na siyang kikilala sa kanya sa mahabang panahon. Parangal na hindi lang kayamanan ang kapalit kundi pati katanyagan. Mahirap kalaban ang isang sakim!“At nagpapasalamat ako dahil nakilala ka ng aking anak na si Selestina” napatingin ako sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ni Selestina. Mas lalong tumalim ang kanyang tingin niya sa akin. Binigyan ko rin siya ng nagbabantang tingin. “Swerte talaga ang dala ng anak kong iyon, pero ikaw malas ang dala niya say