CHAPTER 5: UNANG PAGKIKITA
“Palan-taw! Gumising ka na! Maguumpisa na ang inyong pangangaso!”
Agad akong namulat ng marinig ang sigaw ni Li Wei sa aking tenga! Bigla ulit akong kinabahan dahil baka ako ay nahuhuli na. “Nasaan na sila?” kinakabahan kong tanong kay Li Wei. Natataranta na rin ito kaya hindi na siya gaanong makasagot ng maayos, “Bilisan mo na Palan-taw! Kuhain mo na ang iyong sibat!” Tumakbo ito palabas ng kubo, mukhang siya pa yung mas kinakabahan kesa sa akin ah. Kinuha ko ang aking sibat at agad na tumakbo sa lugar kung saan nagpupulong-pulong ang aming barangay.
Nakakarinig na ako ng mga sigawan, mukhang ang bawat pamilya ay may manok na ipangsasabong. Pagdating ko sa gitna ay agad akong sinalubong ni Ama, “Saan ka galing at bakit ang tagal mo?” Napakamot naman ako sa aking ulo at sabay sambit “Nakatulog ako Ama, pasensya na.” Tinapik niya naman ako sa aking balikat kaya napalingon ako kay Ama, walang halong pagkadismaya sa kanyang mukha, kaya ako ay napangiti.
“Pumunta ka na sa gitna anak at maguumpisa na ang inyong pangangaso.”
Agad kong sinunod ang sinabi ni Ama at nagsihiyawan din ang aking mga kapwa ka-barangay. Isinisigaw nila ang aking pangalan at parang siguradong-sigurado silang ako ang mananalo, “Panalo na si Palan-taw! Panalo na si Palan-taw!”
Pero may isa pa silang isinisigaw, ang pangalan ng aking kalaban, “Kangan! Kangan! Kangan!”
Hati ang panig ng barangay at lahat sila ay kaming dalawa lang ang inisigaw. Si Kangan, siya na lang ang natitira sa kanilang pamilya. Maganda siyang lalaki at makisig ang kanyang katawan. May bantuk na rin sa kanyang kanang braso pa-angat sa kanyang balikat. Isa siya sa mga kinakatakutan dito sa aming barangay dahil sa galing niyang umasinta ng kalaban. Sigurado akong magaling din siyang umasinta ng tumatakbong baboy damo!
“Ako ang mauuna Palan-taw, at sisiguraduhin kong ako ang bibigyan ng karapatang maging Datu!” pangbabanta niya pa sa akin.
Nag-abala pa siyang puntahan ako para lang sabihin iyon, kaya mas lalong naghiyawan ang buong barangay. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa kanilang mga sigaw. Sigaw na ang ibig sabihin ay ako ang inaasahan nilang manalo. Huminga na lang ako ng malalim at hinayaan na lang ang takot na aking nadarama. Sa halip ay sinunod ko ang sinabi ni Ama at ni Li Wei.
Pumunta na kami sa harap ng isang kagubatan, kagubatan kung saan kami nang galing bago pa kami makapunta sa lupaing ito. Ito na lang ulit ang aking muling pagkakataon na makapunta sa loob ng kagubatang ito. Sana ay makalabas ako ng buhay!
Nakahilera na kaming mga lalahok sa pangangaso. Sampu kaming lahat na pawang mga kalalakihan. Lahat ay may makikisig na pangangatawan, maliban sa akin. Lahat sila ay may bantuk na nangangahulugang sila ay may karanasan na sa pakikipaglaban. Hawak-hawak naming lahat ang aming mga sibat, at inobserbahan ko sila, pero napukaw ng aking atensyon si Kangan na nilalaro-laro lang ang kanyang sandata. Wala akong kabang nakikita kay Kangan, at mukha pa siyang sigurado na siya ang mananalo!
Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa sa aking sarili. Mas bumibilis pa lalo ang tibok ng aking puso at kahit na direkta kaming tinatamaan ng sikat ng araw ay may lamig akong nararamdaman sa aking kalamnan. Napatingin ako sa aking kamay na ngayon ay nanginginig na, para akong nilalamig ng sobra! Lumingon naman ako sa aking likuran at napansin ko si Ama na nakatuon ang atensyon sa akin, ngumiti siya na para bang sinasabi na galingan ko. Napalingon din ako kay Li Wei na sinesenyasan akong makipag-away sa kanya! Napangiti na lang ako dahil nagagawa niya pa rin akong biruin. Bigla naman akong napalingon kay Himal-ing na mukhang nag-aalala ng sobra, kaya tinanguan ko na lang siya na para bang sinasabi ko na aking gagalingan.
“Mga makikisig na kalalakihan ng ating barangay! Ang inyong pangangaso… ay nagsimula na!”
Sambit ni Ama na siyang nagbigay hudyat sa paguumpisa ng aking pagsubok! Muling naghiyawan ang mga tao dahil sila ay nagagalak dahil ako ay kabilang sa pangangaso. Muli nilang sinisigaw ang aking pangalan, “Palan-taw! Palan-taw! Palan-taw!” Pero sinisigaw din nila ang pangalan ng isa ko pang kalaban, “Kangan! Kangan! Kangan!”
Tumakbo na ako papasok sa kagubatan at unti-unti ko ng di naririnig ang kanilang sigawan hanggang sa makalayo na ako at ang tanging rinig na lang ay ang tunog ng kagubatan. Napatigil ako sa aking pagtakbo para obserbahan kung may baboy damo na bang gumagala-gala. Iniluhod ko ang aking isang tuhod at mainam na tiningnan ang buong kagubatan.
Ang sinag ng araw ay sumisilip sa mga butas sa itaas. Matatayog ang mga punong aking napapaligiran. Mataas rin ang mga damo kaya hindi ko malaman kung may nagtatago ba dito. Kahit na sa loob na ako ng kagubatan ay malakas pa rin ang ihip ng hangin, tapos bigla na lang din itong mawawala. Tanging tunog ng mga dahon at ng huni ng mga ibon ang aking naririnig.
Bigla namang may nagsalita mula sa kaliwang direksyon ko, “Talagang hindi ka mananalo kung maghihintay ka na lang dyan Palan-taw!”
Si Kangan, napakayabang talaga niya. Hindi naman niya muling inabala pa ang kanyang sarili na asarin ako. Umalis din siya kaagad at tumakbo na sa direksyon palayo sa akin.
Buti na lang ay hindi ko siya sinibat sa inis! Bigla naman akong natawa sa aking naiisip!
Tumayo na rin ako at naglakad na lang din palayo. Maglalakad lang ako tapos hihinto sa isang puno para magpahinga at magobserba. Tapos pag walang gumagalaw sa mataas na damo ay muli akong lalakad.
Ilang oras na rin ang itinagal ng aking paglalakad at pagoobserba pero ni isang baboy damo ay wala akong nakikita. Malayo-layo na rin ang aking nalakad kaya ako ay bahagyang nangamba. Muli akong lumuhod at nagtago sa damo para magobserba. Bawat pag-panhik ng hangin ay dala nito’y takot sa akin.
Baka naunahan na nga ako ni Kangan dahil sa tagal ko sa paghahanap ng baboy damo. O kaya ay may iba ng nauna sa akin. Baka naman ay nagsasalo-salo na sila dun. Baka nadismaya na ang buong barangay sa akin dahil sa hindi ko pagkapanalo.
Muli namang pumasok sa aking isipan ang mga katagang isinambit sa akin ni Ama, “Huwag mong isipin na matatalo ka, ang isipin mo ay matututo ka.” Muli akong nabuhayan ng loob. Nawala ang aking kaba at sa halip ay muli akong nagobserba, mas matalim na ang aking tingin sa aking paligid at mas lalo ko pang pinakinggan ang pag-galaw ng damo. Bawat galaw ng kalikasan ay pag-asa para sa akin. Bigla ko namang naalala ang sinabi sa akin ni Li Wei, “Wag mong hayaang pigilan ka ng iniisip ng ibang tao, ang isipin mo ay yung kakayahan mo, maniwala kang kaya mo!”
Mas lalo ko pang tinalasan ang aking pandinig at ang aking paningin. Kailangan kong manalo, hindi dahil ako ang inaasahan nila! Kailangan kong manalo dahil alam kong kaya ko!
Di kalaunan ay may kumakaluskos na sa mataas na damo sa di kalayuan.
Napapaligiran ito ng mga puno at nasisinagan din ito ng araw. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking sibat at itunutok ko na ito sa damong gumagalaw-galaw. At sa muling pag-ihip ng hangin ay agad kong nakita ang baboy damong nagtatago sa likod ng mga damo. Agad kong ibinato ang sibat na agad namang tumama sa baboy damo. Pero hindi ito namatay kaagad dahil sa bandang likod ito tinamaan.
“Sundin mo ang agos ng hangin sa mga puno, sabayan mo ang pagpanhik ng haring araw sa damo at dun mo makakamtan ang pagkapanalo.”
Oo tama! Yun ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. Ang agos ng hangin sa mga puno at ang pagpanhik ng haring araw sa damo ang siyang magbibigay sa akin ng pagkapanalo!
Lumawak ang ngiti sa aking mukha dahil may maiuuwi akong isang baboy damo! Agad ko itong pinuntahan, pero… ng mapansin niya ako ay mabilis naman itong tumakbo palayo. Ako ay naalarma dahil baka siya ay makatakas, “Bumalik ka dito, Baboy Damo! Kailangan kong manalo!”, sigaw ko pa sa baboy damo.
Tumakbo ako ng mabilis na mabilis, hindi ko ininda ang mataas na damo at tumatalon ako sa tuwing may nakaharang na troso at bato.
Ramdam ko na ang pawis na tumutulo mula sa aking katawan. Ramdam ko na rin ang hingal at pagod.
Pero ako ay tumigil ng makita ng nakatumba ang baboy damo sa di kalayuan. Pero… nasa gitna ito ng daan! Mukhang daanan ito ng mga Kastila. Mukha itong daanan ng kanilang kabayo at mga kalesa. Bigla ulit akong kinabahan. Baka may makakita sa aking Kastila! Kaya kailangan kong bilisan ang pagkuha sa baboy damong sa gitna pa ng daan namatay.
Tumakbo ako ng mabilis palabas sa kagubatan papunta sa daan.
Pero ako ay napahinto ng may makitang isang tao!
Isang dalaga!
Isang magandang dilag.
Napahinto rin siya sa paglalakad. Diretsyo lang akong nakatingin sa kanyang magandang mata at ganun din siya. Ang pungay nito at sadyang nakakabighani. Para bang huminto ang oras sa pagkakataong iyon.
May kung ano akong nararamdaman. Kaba? At pag-init ng aking katawan? Ano ang dahilan? Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at tanging pagtingin lang sa dalagang nasa harap ko ang aking nagagawa.
“Ginoo? Ayos lang po ba kayo? Mukha kasing…” nagtataka nitong sambit.
Ang ganda ng kanyang boses.
Tila isang matamis na awitin ang dinig ng aking tenga.
CHAPTER 6Nagising naman ako sa katotohanan ng magsalita siya. Ako ay napatingin sa kanyang kasuotan, siya ay nakasuot pang Kastila. Mali ito! Dapat na akong umalis at baka isumbong niya pa ako! Napatingin ako sa aking kasuotan, halatang-halata na may dugo akong bughaw! Baka may kasama pa siyang iba at baka ako pa ay mapaslang!“Ginoo? Ayos ka lang ba?”, muli niyang tanong sa akin.“Isa kang Kastila?!” may pangbabantang tanong ko sa kanya.“Ikaw? Isa ka bang katutubo, Ginoo?” nakangiti nitong sambit. Mukhang natutuwa siya dahil may nakitang siyang isang katulad ko.Baka tawagin niya ang mga kasama niya at baka ako ay kanilang paslangin para ibenta sa kanilang Gobyerno! Hindi maaari! Hindi ako papayag!Napalingon ako sa baboy damong aking napaslang, nakatusok pa dito ang aking sibat. Nanghih
CHAPTER 7Hating gabi na pero di pa rin ako makatulog. Masyado akong binabagabag ng kanyang alaala. Di ko makalimutan ang kanyang ngiting kay tamis. Yung kahit nadapa na siya sa lupa ay nagawa niya pa ring tumawa. Ang saya-saya ko kanina. Parang dalawang paligsahan ang napanalunan ko. Yung isa ay yung makabalik na may dalang baboy damong napatay sa pangangaso, at yung isa naman ay yung makita ang isang magandang dilag na ang pangalan ay Selestina.“Ano ang nginingiti-ngiti mo dyan Palan-taw? Mukhang nasiraan ka na ata ng ulo?!” tumawa pa ng malakas si Li Wei ng sambitin niya yun. Bigla akong natauhan ng magsalita siya. Tumabi naman siya sakin at tumigil na rin sa pagtawa dahil sigurong nakaramdam siya na di ko gusto na makipagbiruan sa oras na ito.Nakaupo kaming dalawa sa tabi ng taniman ng palay. Malago na ang mga ito at sa susunod na buwan ay aanihin na. Malamig ang simoy
CHAPTER 8 Hindi ko na muli pang inintindi ang panaginip na yun. Panaginip lang naman yun. Lumabas ako ng aming kubo at agad na bumungad sa akin si Ama, “Magandang umaga Palan-taw, kumain ka na at lalagyan ka pa ng batuk sa iyong katawan” sambit ni Ama sa akin. “Kailangan po ba talagang gawin iyon?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Bakit natatakot ka ba na malagyan ng sugat ang iyong katawan?” pabirong tanong sa akin ni Ama. Napangiti na lang din ako sa tinanong ni Ama, “Natatakot po akong masaktan” tugon ko naman kay Ama. Tinapik niya ako sa aking balikat at ngumiti, “Wag na wag kang matatakot na masugatan Palan-taw, ang sugat ang siyang tanda na ikaw ay naging matapang” wika ni Ama sa akin. Gumaan naman ang aking paki
CHAPTER 9Kay tagal kitang hinintay. Ngayon na andito ka sa harapan ko ay di ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na ang alam kong anong sasabihin ko. Ngayon na andito siya ay kinakabahan ako sa kanyang prisensya.“Ginoo?” muli niyang tanong. Muli akong natauhan ng magsalita siya. Nasa daan siya at ako naman ay nasa loob pa rin ng kagubatan pero nasa tabi na lang naman ako ng daanan kaya niya ako nakita.“Nangangaso ako.” tanging saad ko. Ang seryoso naman ng pagkabigkas ko.“Ganun ba, ako naman ay naglalakad-lakad muna habang inaayos ang aming kalesa” malumanay niyang sambit. Malambing ba siya o ganun lang talaga ang boses niya? Nakasuot siya ng magarang suot, puno siya ng palamuti. Nakatali din ang kanyang buhok na siyang lalong nagpaganda sa kanya. Mapula din ang kanyang labi, para tuloy gusto kong
CHAPTER 10 “Sana magbukas na…”Paulit-ulit ko yung naririnig sa aking isipan. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isip ang kanyang imahe, ang kanyang ngiting hindi ko na makalimutan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, para na akong nahihibang, di mapakali, di mawari ang gagawin. Parang gusto kong bumalik sa loob ng kagubatan at puntahan siya kung nasaan man siya ngayon. Gusto kong makilala pa siya. Gusto kong…“Alam mo aakalain ko nang nababaliw ka na!”, biglang nagsalita si Li-Wei. Panira, ang ganda-ganda na ng iniisip ko eh. “Talaga? Aakalain ko na rin sanang wala ka ng mata e”, bawi ko naman sa kanya, mas lalo namang napasingkit ang kanyang mata. Abala ako sa paghahasa ng aking simbat at ng iba pang sandata na tanging kami lang ni Ama ang nakakagamit. May mga nakaukit na baybayin sa bawat sandatang aming ginagamit, pero di ko
CHAPTER 11Lumabas ako sa aming kubo at nagpahangin ulit sa tabi ng malawak na palayan. Wala akong narinig na sagot mula kay Ama, kaya mas pinili ko na lang din na umiwas pa at baka kung saan pa mapunta ang usapang iyon. Puno ulit ng bituin ang kalangitan at ang lamig ng simoy ng hangin, sariwang-sariwa ito. Pinakiramdaman ko lang ang kalikasan dahil pinapagaan nito ang aking pakiramdam. Mas gusto ko ang mapag-isa, mas kumportable ako at mas magaan ang pakiramdam ko pag ako lang at walang kasama. Dahil alam kong wala akong masasaktan, madidismaya, matatapakan, at makakalaban na kapwa tao.Muli akong napatingin sa kalangitan, ang ganda nila pagmasdan. Ano kaya ang kwento sa likod ng kanilang taglay na kagandahan?“Selestina” bigla ko siyang naalala. Nakatingin din kaya siya sa mga bituin? Kung ganoon ay masaya na ako na parehas kami ng tinitingnan. Marahil ay masaya na siya kung asan man siya
CHAPTER 12Napatigil ako sa pag-iyak ng marinig ang kanyang boses. Kaya agad kong iminulat ang aking mata na kanina pa umiiyak, agad ko yung pinunasan. Naramdaman kong may nakatabi sa akin kaya napalingon ako sa gawing kaliwa… at siya ang nakita ko.Selestina…Bakit siya andito?Bigla akong binalot ng pagtataka. Katabi ko siya ngayon dito sa upuang ginawa ko para sa aming dalawa. Nakatingin siya sa malayo, pero nakatabi siya sa akin na halos magdikit na ang aming mga balat. Napalingon siya sa akin, kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Ayaw kong makita niya akong umiiyak. Kalalaki kong tao, umiiyak ako!Huminga ako ng malalim. Pinigilan ko rin ang pagtulo ng aking luha. Pinunasan ko yun gamit ang aking kamay. Habang pinupunasan ko ang aking mata ay napansin kong may iniaabot na panyo sa akin si Selestina. Kaya n
CHAPTER 13“Pasensya ka na kung di ko maiwasang isipin yun, lalo na at may dugo kang Kastila, lalo na at hindi pa kita kilala, maaari mo akong pagtaksilan” nakaupo kami sa upuang gawa sa kawayan na aking pinagpaguran kahapon. Nakaupo rin siya pero may distansya sa aming pagitan. Tumingin siya sakin pero agad ding lumingon sa ibang direksyon, marahil ay naiilang pa rin siya, ganun din naman ako.“Ayaw ko lang maulit ang nangyari sa aking lahi” muli kong naalala ang nangyari sa amin noong nakaraang taon. Ang daming dugo, ang daming patay, ang gulo. May putok ng mga baril, sigaw, dugo, nagpapatayan, at sa pagkakataong yun, hindi ko alam ang gagawin ko. Muli kong natandaan ang ginawa sa aking Ina, kung paano siya pinatay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking iyon.Naramdaman ko naman ang kamay ni Selestina sa aking balikat. Napalingon ako sa kanya, at nakita ko sa kany