Home / Fantasy / CARIÑO ETERNO / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of CARIÑO ETERNO: Chapter 11 - Chapter 20

44 Chapters

CHAPTER 10

CHAPTER 10  “Sana magbukas na…” Paulit-ulit ko yung naririnig sa aking isipan. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isip ang kanyang imahe, ang kanyang ngiting hindi ko na makalimutan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, para na akong nahihibang, di mapakali, di mawari ang gagawin. Parang gusto kong bumalik sa loob ng kagubatan at puntahan siya kung nasaan man siya ngayon. Gusto kong makilala pa siya. Gusto kong… “Alam mo aakalain ko nang nababaliw ka na!”, biglang nagsalita si Li-Wei. Panira, ang ganda-ganda na ng iniisip ko eh. “Talaga? Aakalain ko na rin sanang wala ka ng mata e”, bawi ko naman sa kanya, mas lalo namang napasingkit ang kanyang mata. Abala ako sa paghahasa ng aking simbat at ng iba pang sandata na tanging kami lang ni Ama ang nakakagamit. May mga nakaukit na baybayin sa bawat sandatang aming ginagamit, pero di ko
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

CHAPTER 11

CHAPTER 11 Lumabas ako sa aming kubo at nagpahangin ulit sa tabi ng malawak na palayan. Wala akong narinig na sagot mula kay Ama, kaya mas pinili ko na lang din na umiwas pa at baka kung saan pa mapunta ang usapang iyon. Puno ulit ng bituin ang kalangitan at ang lamig ng simoy ng hangin, sariwang-sariwa ito. Pinakiramdaman ko lang ang kalikasan dahil pinapagaan nito ang aking pakiramdam. Mas gusto ko ang mapag-isa, mas kumportable ako at mas magaan ang pakiramdam ko pag ako lang at walang kasama. Dahil alam kong wala akong masasaktan, madidismaya, matatapakan, at makakalaban na kapwa tao. Muli akong napatingin sa kalangitan, ang ganda nila pagmasdan. Ano kaya ang kwento sa likod ng kanilang taglay na kagandahan? “Selestina” bigla ko siyang naalala. Nakatingin din kaya siya sa mga bituin? Kung ganoon ay masaya na ako na parehas kami ng tinitingnan. Marahil ay masaya na siya kung asan man siya
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

CHAPTER 12

CHAPTER 12 Napatigil ako sa pag-iyak ng marinig ang kanyang boses. Kaya agad kong iminulat ang aking mata na kanina pa umiiyak, agad ko yung pinunasan. Naramdaman kong may nakatabi sa akin kaya napalingon ako sa gawing kaliwa… at siya ang nakita ko. Selestina… Bakit siya andito? Bigla akong binalot ng pagtataka. Katabi ko siya ngayon dito sa upuang ginawa ko para sa aming dalawa. Nakatingin siya sa malayo, pero nakatabi siya sa akin na halos magdikit na ang aming mga balat. Napalingon siya sa akin, kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Ayaw kong makita niya akong umiiyak. Kalalaki kong tao, umiiyak ako!  Huminga ako ng malalim. Pinigilan ko rin ang pagtulo ng aking luha. Pinunasan ko yun gamit ang aking kamay. Habang pinupunasan ko ang aking mata ay napansin kong may iniaabot na panyo sa akin si Selestina. Kaya n
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

CHAPTER 13

CHAPTER 13 “Pasensya ka na kung di ko maiwasang isipin yun, lalo na at may dugo kang Kastila, lalo na at hindi pa kita kilala, maaari mo akong pagtaksilan” nakaupo kami sa upuang gawa sa kawayan na aking pinagpaguran kahapon. Nakaupo rin siya pero may distansya sa aming pagitan. Tumingin siya sakin pero agad ding lumingon sa ibang direksyon, marahil ay naiilang pa rin siya, ganun din naman ako. “Ayaw ko lang maulit ang nangyari sa aking lahi” muli kong naalala ang nangyari sa amin noong nakaraang taon. Ang daming dugo, ang daming patay, ang gulo. May putok ng mga baril, sigaw, dugo, nagpapatayan, at sa pagkakataong yun, hindi ko alam ang gagawin ko. Muli kong natandaan ang ginawa sa aking Ina, kung paano siya pinatay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking iyon. Naramdaman ko naman ang kamay ni Selestina sa aking balikat. Napalingon ako sa kanya, at nakita ko sa kany
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

CHAPTER 14

CHAPTER 14 Muli ko namang isinuot ang aking pang itaas. Hindi na makakauwi si Selestina dahil madilim na ang daan, at delikado iyon para sa kanya at sa kanyang kabayo. “Mukhang dito na tayo magpapalipas ng gabi Ginoo” saad niya sa akin. Napatango naman ako sa kanyang sinabi. Gusto ko sanang gumawa ng apoy para naman ay lumiwang at uminit dito kahit papano, kaso basa ang mga kahoy.“Saan ka hihiga Selestina? Dito sa upuang kawayan?” nagaalala kong tanong. “Bakit gusto mo bang sa lupa ako matulog?” pabiro niyang tanong. Pero hindi ako natuwa sa kanyang sinabi, pero agad din naman akong napangiti dahil nagagawa na niya akong barahin. Halos wala na akong makita dahil tuluyan ng nagdilim. Natatakpan din ng mga ulap ang liwanag ng buwan kaya hindi ko makita ang mukha ni Selestina. Yung mata niya medyo nakikita ko, pero ang kanyang labi, hindi. “Nga pala Ginoo? A
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

CHAPTER 15

CHAPTER 15 “Ginoo gising na dyan, magbihis ka na at pupunta tayo sa Intramuros” agad kong iminulat ang aking mata. Umaga na pala, mataas na rin ang sikat ng araw. Napatingin naman ako kay Selestina, iba na ang suot niya. “Nakauwi ka na?” nagtataka kong tanong. Tumango naman siya sakin, inabot niya naman ang yakap-yakap niya, isa itong barong at pantalon. “Isusuot ko to Selestina?” nagtataka kong tanong ulit. “Gusto mo bang pumunta sa Intramuros na ganyan ang suot mo, siguradong papatayin ka nila kaagad” pabiro niyang saad, pero totoong pwedeng mangyari yun. Nagbihis ako kaagad sa likod ng mga puno para hindi niya makita ang aking buong katawan. Nang makabalik ako sa upuan ay napansin kong nakatitig lang siya sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, nakanganga din siya at mukhang manghangmangha ang kanyang mukha. “May kulang” saad ni Selestina dahilan upang m
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

CHAPTER 16

CHAPTER 16 Pagtapos ng Misa ay kumain kami saglit sa isang kainan dito sa Intramuros. Noong una ay nagaaway pa kami kung sino ang magbabayad pero sa huli siya pa rin ang nagbayad dahil wala pala akong salapi. Pagtapos naming kumain ay naglakad naman kami papunta sa tabi ng dagat. Hindi naman ito kalayuan mula sa Intramuros at isa pa nananabik din akong pumunta dun dahil makikita ko ulit ang ganda ng dagat. Pagdating namin doon ay umupo kami sa mga bato malapit sa daungan. Nakaupo kaming parehas pero may pagitan samin, pero tama lang ang layo para marinig namin ang isa’t-isa. Diretsyo lang kaming nakatingin sa dagat. Tanaw na tanaw ko ang lawak nito, pero hindi ko makita ang dulo. Ano kaya ang itsura sa kabilang dulo ng dagat na ito? May barko naman akong nakikitang parating na medyo malayo pa sa daungan. Sana ay magkaroon ako ng pagkakataon na makita ang iba pang lupain. Papalubog na ang araw kaya
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

CHAPTERN 17

CHAPTER 17 Pagkasakay sa karwahe ay kinausap muna ng kanyang Papa ang kutsero. May sinabi ang kanyang Ama tungkol sa susunduin sa daungan na galing daw Espanya. Kaya pala nagmamadali din ang karwaheng ito kanina. Nang matapos silang magusap ay agad itong pinatakbo ng kutsero. May apat na upuan ang karwaheng ito at magkaharapan ito. Nasa likod ko ang kutsero at kaharap ko naman ang Papa ni Selestina, at si Selestina na kanina pa nakayuko at tahimik lang. Tiningnan ko na lang ang bawat naming madadaanan. May iilang pang naglalakad-lakad sa kalye. Yung iba ay mga pari at madre yung iba naman ay mga lalaking nakabarong na may dalang mga libro. Karamihan naman ay mga guardia civil na nagbabantay sa buong lugar. May ilaw na rin sa mga poste dahil ito sa mga lamparang sinindihan na. Pagkalipas pa ng ilang saglit ay huminto na ang karwahe, “Andito na tayo sa aming tahanan, Ginoo” sam
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

CHAPTER 18

CHAPTER 18 Nang mapalingon siya sakin ay parang kinabahan ako bigla, kinutuban ako ng masama. Parang nakita ko na ang lalaking ito dati, “May bisita rin pala ang pamilya Amor” sambit niya kahit na hindi pa siya tumitingin sa akin. Kinausap niya naman ang kasambahay, “Dile a Don Adolfo que su Heneral está aquí” (Sabihin mo kay Don Adolfo andito na ang kanyang Heneral) sambit niya doon sa kasambahay dahilan upang kabahan ako sa kanyang sinabi. Mabilis namang tumungo ang kanilang alipin, este kasambahay sa itaas kung nasaan si Don Adolfo. Naupo naman ang lalaking kakarating lang, nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya dahil inaalala ko kung saan ko siya unang nakita. Nang mapatingin siya sa akin ay parang namukhaan niya rin ako. Agad akong napaiwas ng tingin. Napapansin ko naman na siya naman ang tumitingin sa akin. Siguro ay inaalala niya rin kung saan niya ako
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more

CHAPTER 19

CHAPTER 19 Tanghali na ng makabalik ako sa aming lupain, at agad nila akong sinalubong. Noong una ay puno ng pagaalala ang kanilang mga mukha pero ng makita nila ang aking kasuotan ay para nila akong sinusuka. Ang mga bata naman ay natakot ng makita nila ako. Ibang-iba ang kasuotan ng Kastila sa amin. Hindi ko na nagawang makapagpalit ng kasuotan dahil hindi ko na maalala kung saan ko nilagay ang aking kamisa.  “Palan-taw nagaalala na kami ng sobra…” agad na napatigil si Li Wei ng makita niya kung anong suot ko. Tiningnan niya ang mga taong nakapalibot sa buong lugar na parang diring-diri na sa akin. “Magsibalik na kayo sa mga kubo niyo” sigaw ni Li Wei. Tiningnan ko ang kanyang mukha, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Naglakad na ulit ako patungo sa aming kubo. Pagdating sa aming kubo ay agad akong sinalubong ni Ama at niyakap, pero agad din siyang kumalas ng mapag
last updateLast Updated : 2021-09-09
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status