CHAPTER 20 Enero 1743 “Ina bakit po ang tagal bumalik nila Ama?” nag-aalala kong tanong kay Ina. Agad akong nilapitan ni Ina para pagaanin ang aking pakiramdam. Gabi na pero wala pa rin si Ama, kinakabahan na ako dahil kanina pa sila pumasok sa Intramuros. Parang noon lang labas-pasok pa kami doon, malayang nakakapagkalakal, at malayang nabubuhay. Pero ng may dumating na balita na may mga dugong bughaw daw ang nagbabalak ng pagaaklas sa Kaharian ng Espanya ay tuluyan kaming naalarma. May dugo akong bughaw, dugong Datu. “Alam mo ba Anak, ang natatandaan ko sa kwento ng matatanda… masaya noon ang pamumuhay ng mga Pilipino, masagana sa yaman ng kalikasan at karunungan. Malayang nakakagalaw sa sariling lupang sinilangan…” wika ni Ina. Malaki na ako pero hindi ako nagsasawang pakinggan ang mga kwento ni Ina.
Read more