CHAPTER 27
Gabi na at parehas kaming nakatingin sa mga bituin at pati na rin sa buwan na hindi buo. Nasa labas lang kaming dalawa ni Selestina ng kubo habang nakaupo. Walang kaulap-ulap sa kalangitan kaya kitang-kita namin lahat ng nagniningning na mga bituin. Talagang napakaganda nila pagmasdan, lalo na at kasama ko ngayon si Selestina.
“Paano pala kayo napadpad sa lugar na ‘to?” tanong ni Selestina. Hindi ako nakasagot agad dahil muli kong natandaan kung paanong bumagsak ang tatlong bulalakaw sa lupa, “Tinabas niyo ba lahat ng mga puno dito kaya kayo nagkaroon ng pagtatayuan ng mga kubo?” muling tanong ni Selestina.
“May tatlong bulalakaw na bumagsak sa lupaing ito” sambit ko upang mamangha si Selestina. “Talaga? Tatlo? Nakita mo yung pagbagsak nila?” sunod-sunod na tanong ni Selestina. “Oo, kitang-kita ko kung paano bumagsak
CHAPTER 28Pagtapos kong malinis ang aking katawan ay agad akong nagpalit ng kasuotan. Talagang nawawala nga si Himal-ing. Naging manhid ba talaga ako? O sadyang hindi ko lang dama ang pagmamahal na gustong ipakita ni Himal-ing. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong nagawang kasalanan.Pagtapos makapagpalit ay hinanap ko ang pulang kuwaderno ni Selestina na puno ng mga larawan na iginuhit niya. Ngunit hindi ko makita. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng hindi ko makita sa buong bahay-kubo. Alam ko kung saan ko yun huling nailagay, at hindi yun maaaring mawala dahil ibabalik ko iyon bukas kay Selestina. Nagpaikot-ikot ako sa buong bahay pero wala talaga akong makitang pulang kwaderno. Nasaan naman kaya iyon? Hindi ko naman iyon nawala dahil ingat na ingat ko iyon.“Palan-taw” tawag sa akin ni Ama na kakarating lang sa aming bahay-kubo. “Pinahanap ko na si H
CHAPTER 29 “Tara na aking mahal, habang di pa sumisikat ang araw” nginitian ko naman siya upang mas lalo siyang pumayag. Sigurado namang kita niya iyon dahil sa liwanag ng buwan. Hindi naman siya muling nagsalita. Nabalot na naman kami ng katahimikan. Nakatingin lang ako sa kanyang marilag na mata. Ganon din siya sa akin. Naramdaman ko naman ang pagsimoy ng sariwang hangin na siyang nagbigay ng lamig sa aking katawan.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Inilabag ko naman ang aking hawak na sipat at palaso, at hinawakan ko rin siya sa kanyang bewang. Tiningnan ko pa rin siya sa kanyang mata, “Mahal na mahal kita Selestina, at gusto kong maging ligtas ka sa araw-araw… gusto kong maging espesyal ang araw na ito para sayo… gusto pa kitang makasama hanggang sa pagtanda” seryoso kong sambit sa kanya.“Pero paano yung pagpapasa ng kapangyarihan sayo
CHAPTER 30“Wala pa tayo sa tuktok ng bundok, pero kitang-kita na ang lahat dito” sambit ni Selestina. Nasa tabi kami ng umaagos na tubig na siyang bumabagsak sa talon. Nakaupo kami sa isang malaking bato habang tinitingnan ang napakagandang tanawin. Kitang-kita dito ang ilog na aming sinundan upang makarating sa lugar na ito. Napakahaba ng ilog na ito at mistulang itong ahas dahil sa kurbadang hugis nito. Puro kagubatan ang aming nakikita. May mga burol (hills) pero wala na kaming ibang nakikitang kabundukan. Sa halip ay dagat ang nasa dulo ng ilog pero napakalayo nito na halos hindi na namin makita ang mismong dagat. Nakikita na lang namin ang repleksyon ng araw at ang pagtama ng sinag nito sa dagat.Magkatabi kami ni Selestina dahil medyo malaki-laki naman ang batong aming kinauupuan. Magkahawak din ang aming kamay at nakasandal naman siya sa aking balikat. Paminsan-minsan ay hinahalikan ko siya sa kanyang noo
CHAPTER 31 Nang mas makalapit pa kami ay tuluyan naming nakita ng mas klaro ang lahat ng pangyayari. Nagliliyab na ang lahat ng bahay-kubo. Tinutupok na ito ng mga apoy. May mga dugo ring nagkalat sa lupa. Tahimik lang kaming nakatingin sa pagitan ng matataas na damo at naghihintay na lang na umatake. “Hihiwalay na ako sainyong dalawa… wag kayong mag-alala, ako ang mata niyo sa malayo” sambit ni Li Wei at mabilis na lumisan at naglaho.“Nagliliwanag ang buong paligid, pano tayong di mapapansin?” tanong ko kay Kangan. Hindi naman na siyang nagabalang sumagot. Alam kong may galit pa rin siya sakin. “At wala na akong napapansing mga sundalong Kastila na pagala-gala” muli kong sambit. Katulad ng una ay hindi na siya nag-abala pang sumagot.Ilang saglit pa ay nauna na siyang lumabas sa matataas na damong aming pinagtataguan. Agad na rin akong sumunod s
CHAPTER 32“Bakit? B-bakit mo niligtas ang buhay ko?” nanginginig kong tanong kay Selestina. Nakahiga sa aking bisig si Selestina habang patuloy na umaagos ang dugo mula sa kanyang dibdib. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Demetrio sa amin, pero hindi ko na siya pinansin. Narinig ko ang pagtutok ng kanyang baril sa aking ulo pero hindi niya ito ipinutok dahil sa mga sinabi ni Selestina sa kanya, “Hayaan mong mabuhay ang lalaking pinakamamahal ko… hayaan mong tuparin niya ang pangako niya sakin sa ibang tao.”Lumayo naman si Demetrio at ang iba pang mga sundalo. Pinatayo na nila ang iba pang mga nakaluhod at dinala paalis, palayo sa nasusunog na kapaligiran.“S-selestina… w-wag mo kong iwan, pakiusap.” Hinawakan naman ako ni Selestina sa aking pisngi at umusal, “M-mahal na mahal kita… alam ng Diyos kung g-gaano kita kamahal&hel
Muli, ito ay kwento ng lalaking pinanganak pa noong unang panahon na siyang nakatadhanang umibig sa babaeng paulit-ulit ng nabuhay sa magkakaibang siglo.Masaya ko silang tinitingnan dalawa habang papasok sa Airport. Nabalitaan ko na sila ay patungo ngayon sa Japan. Doon sila magbabakasyong dalawa. May kirot sa aking puso pero masaya ako na makita siyang masaya. These is one of the happiest moments of my life. Seeing her genuine smile, but not for mine.Nang tuluyan na silang makapasok sa Airport ay pumasok na rin ako sa aking kotse. Bigla ko na lang napansin na may luha na palang tumutulo sa aking mata. Napangiti na lang ulit ako. Unting tiis na lang matatapos na ang paghihirap na ito.Nagmaneho na ako papalayo sa Airport at naisipan kong dumiretsyo sa National Museum of Anthropology. Pagdating ko doon ay naglibot-libot ako. Sariwa pa rin talaga ang mga alaala. Nii
CHAPTER 33 Sophie’s Point of View Napakabilis ng oras, parang kanina lang na sa Japan pa kami ni Love. Tapos ngayon, back to reality na naman kaming dalawa. Pero hinding-hindi ko makakalimutan yung bakasyon na yun, dahil bawat detalye ng alaala ko ay di ko makakalimutan. Thanks to my Hypermensia. Ilang oras din ang tinagal ng byahe namin dahil sa traffic na di na bago dito sa Pilipinas.
CHAPTER 34 Ace's Point of View Gabing-gabi na pero di pa Rin ako makatulog at patay na rin ang ilaw dito sa dormitory. Parang may kung anong nangyayari. Kaya agad akong bumangon sa higaan ko at binuksan ang cellphone ko para tingnan kung nagtext ba si Love. Pero Wala akong nakitang text or missed call man lang. Bakit parang may nangyari talagang di maganda? Hayaan ko na nga, baka nagooverthink Lang ako. Ang hirap talaga pag overthinker, mahirap makatulog. Humiga ulit ako sa higaan ko para matulog ulit. Pero lumipas ang Ilan pang minuto, at halos magiisang oras na ring dilat ang Mata ko. Siguro namimiss ko lang yung bakasyon namin sa Japan. Agad kong kinuha yung cellphone ko at isa-isa Kong tiningnan yung mga selfies at photoshoot namin ni Sophie sa Japan. Ang ganda talaga ng girlfriend ko. Parang may p
Chapter 42“Kailan ang kasal nila?” “Kailan ang kasal nila?” “Kailan ang kasal nila?” Paulit-ulit kong naririnig ang tanong na iyan ni Don Arsenio sa aking isipan.Umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala ang pangamba sa puso ko. Hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin para pigilan ang pangyayaring iyon. Wala akong kayamanan o kahit na ano. At saka, sa pagkakataong ito, alam ko, hindi ako kilala ni Savanna. Ito ang pangalawang buhay niya kaya siguradong wala siyang naalala kahit na ano sa akin. Siguradong walang kahit na anong pangyayari noon ang naroon sa isipan niya.Hindi ko rin naman siya pwedeng itakas o ilayo.“Hindi ko alam!” napahawak na lamang
Chapter 41Ang gabi ay tuluyan ng natabunan ang haring-araw. At ang buwan ay muling naaninag sa kalangitan.Heto ako, nakasilip lamang sa Mansion nila Savanna dito sa tulugan malapit sa kulungan ng mga kabayo. “Selestina— Savanna… hindi ako makapaniwalang nagkita tayo muli. Hindi ako makapaniwalang nagkadaupang palad muli tayo. Pero ako, ilang daang taon nang nabubuhay, ikaw? Kaparehas ng edad mo noong una kitang makita…” sambit ko na para bang kausap ko siya habang nakadungaw sa Mansion ng mga Amor.“Totoo nga ang sinabi ng matandang iyon na nagbigay sa akin ng isang mahiwagang likido…”Isang alaala ang bumalik na pilit ko ng kinalimutan.~~~~~Walang humpay na pag-iyak na lang ang tangi kong nagagawa. Sobrang sakit. Sobrang bigat. Lumipas ang ilan
Chapter 40“Hindi po ako si Selestina. Savanna po ang pangalan ko. Anak ni Don Arsenio.”“Muli ka ng nabuhay, Selestina. Teka, nakatulala pa rin ako sa iyo. Baka matakot ka na sakin. Teka. Ayusin mo sarili mo, Pedro!” bulong ko sa aking isipan. “A-ako, ang inatasan ni Don Arsenio na, na sunduin ka dito sa barko, B-binibining Sel— Savanna,” ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Ramdam ko ang bawat pagpintig nito habang nakatitig sa mga mata ni Selestina. Hindi, ni Savanna. Savanna na ang pangalan niya ngayon. Savanna ang pangalan niya ngayong pangalawang buhay niya.“Ako na pong bahala sa bagahe ninyo, Binibini,” magalang kong sambit kay Savanna.Kabado pa rin ako. Akala ko hindi na ako kakabahan pag nagkita muli kami dahil ilang dekada ko na itong pinaghandaan. Pe
Chapter 39Hindi pa man sumisikat ang araw ay nakaparada na ang kalesang dala ko mula sa Hacienda nila Don Arsenio. Sa di kalayuan ay makikita na ang barkong mula sa Espanya. Dito sa daungan ay napakarami ring nakaabang na mga kartero. Ang mga kalesang nakaparada ay sadyang kay gagara ng mga itsura. Madisenyo at ang iba pa ay may mga inukit sa kahoy. Sadyang kay dami nang mayayaman dito sa lupaing ito.Ilang dekada na ang lumipas ngayon ko pa lang nakikita ang mga pagbabago. Marami na ring gusaling nakatayo dito sa Lungsod ng Manila. Marami na ring negosyo ang umusbong. Nagkalat na rin sa buong lupain ang mga Espanyol at mga Mestizo. At ang mga Indio, pawang mga trabahador o utusan lamang. Wala akong nakikitang Indio na may magarang kasuotan. Katulad ko lamang sila. Walang kayamanang taglay.Isang oras ang lumipas ng paghihintay ay tuluyan ng dumaong ang barko. 
CHAPTER 38Ilang dekada na rin ang nakalipas. At parang pagdampi lang ng hangin ang dumaan. Ngunit mabilis na nagbabago ang lahat. Ang oras ay parang agos ng tubig sa ilog na hindi na pwedeng ibalik. Iisa lang ang direksyon, iisa lang ang pupuntahan… yun ay ang kinabukasan.Dapat ay mahiya ako sa pagpasok sa bahay ng Gobernadorcillo, ngunit mas nakakahiya kung hindi ko papaunlakan ang kanyang kagustuhan. Marahil ay may masasarap din na pagkain na nakalagay na sa hapag-kainan. Halos ilang dekada na rin na hindi ako nakakakain ng masarap. Puro tinapay at isda lang ang madalas na pangtawid gutom ko. Isa pa, ginawa na niya agad akong kartero ng kanilang karwahe.Bago ako tumungtong sa kanilang bahay ay hinubad ko ang aking bakya at nagpaa na lamang. Tabla din naman ang lapag ng kanilang Mansion. Pagpasok na pagpasok ko sa pinto ay agad na bumungad sakin ang napakagandang disenyo sa loob ng kanil
CHAPTER 37~~~~~Tanging pag-agos lang ng ilog ang aking naririnig. Pinapakalma nito ang buo kong pagkatao. Sa tabing ilog na lang ako nakakaranas ng kapayapaan. Ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat ang nagpaparamdam sa akin na ako ay nabubuhay pa. Kahit naman gustuhin kong mamatay, ay hindi ko magawa.Dumampot ako ng bato at muling naghagis sa ilog. Nasa malalim na bahagi ako ng ilog at mas malawak ito kumpara sa pinagtatambayan namin ni Selestina. Ilang dekada na ang nakalipas ngunit napakabigat pa rin sa dibdib. Humihinga nga ako, pero araw-araw naman akong pinapatay ng sakit at pagdadalamhati. Ilang beses kong sinubukang patayin ang aking sarili. Ngunit walang nangyari.Mahirap paniwalaan, ngunit totoo. Kung ano man ang kababalaghan na dulot nito, isa pa rin itong misteryo. At ang matandang nagbigay sakin ng biyayang ito ay hindi ko na muli pang
CHAPTER 36 Sophie's point of view Pagkatapos ng pagkikita namin kanina ni Pedro ay umuwi ako kaagad. Habang nasa daan ay nagugulumihanan pa rin ako sa mga sinabi niya. Maaring hindi yun totoo. Napakalayo sa realidad nun. Ako? Nabuhay na ng tatlong beses? Bakit? Alam ko pag may past life ka isang beses ka lang talagang nabuhay sa past. Pero di rin naman ako sure kung totoo ba yung past life na yun. O nangyayari ba talaga yun? Masyado na niyang ginulo ang isip ko. Pero may parte sakin na nabuo. Di ko mapaliwanag pero ang saya ng pakiramdam ko. Ngayon ko naramdaman ang pagkawala ng bigat na nararamdaman ko. Sa buong buhay ko, naramdaman ko ng buo ako. Kailangan kung siguraduhin ang lahat. Hindi rin dapat ako magtiwala sa taong minsan ko pa lang nakikilala. Pero kasi, alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil kita ko yun sa mata niya. Kita ko yung buong pagkatao ni
CHAPTER 35 Ace's point of view Ang saya-saya ng araw na to pero hindi yun ang nakikita ko sa mata niya. Parang kanina lang ay punong-puno pa ng pagkamangha ang bawat reaksyon niya. Pero ngayon halos tumulo na yung luha niya. Naging tahimik ako, at ganun din siya. Walang salita ang nagtangkang lumabas mula sa bibig naming dalawa. Buong byahe ay tahimik at sulyapan lang ang naibabato namin sa isa't-isa. Lagi akong nakatingin sakanya, siya naman ay pasulyap-sulyap lang. Hindi niya ako magawang tingnan. At sa bawat titingin siya ay kitang-kita ko ang namumuong luha sa mata niya kahit na binibigyan niya ako ng ngiti. Pabalik na kami ngayon sa Lazaro's Village, iuuwi ko na siya. Gusto kong magtanong pero mas pinili kong manahimik. Gusto kong malaman kung ano ba ang problema niya. Gusto kong ilabas niya sa akin ang hinahakit na nararamdaman ni
CHAPTER 34 Ace's Point of View Gabing-gabi na pero di pa Rin ako makatulog at patay na rin ang ilaw dito sa dormitory. Parang may kung anong nangyayari. Kaya agad akong bumangon sa higaan ko at binuksan ang cellphone ko para tingnan kung nagtext ba si Love. Pero Wala akong nakitang text or missed call man lang. Bakit parang may nangyari talagang di maganda? Hayaan ko na nga, baka nagooverthink Lang ako. Ang hirap talaga pag overthinker, mahirap makatulog. Humiga ulit ako sa higaan ko para matulog ulit. Pero lumipas ang Ilan pang minuto, at halos magiisang oras na ring dilat ang Mata ko. Siguro namimiss ko lang yung bakasyon namin sa Japan. Agad kong kinuha yung cellphone ko at isa-isa Kong tiningnan yung mga selfies at photoshoot namin ni Sophie sa Japan. Ang ganda talaga ng girlfriend ko. Parang may p