All Chapters of CARIÑO ETERNO: Chapter 41 - Chapter 44

44 Chapters

CHAPTER 39

Chapter 39  Hindi pa man sumisikat ang araw ay nakaparada na ang kalesang dala ko mula sa Hacienda nila Don Arsenio. Sa di kalayuan ay makikita na ang barkong mula sa Espanya. Dito sa daungan ay napakarami ring nakaabang na mga kartero. Ang mga kalesang nakaparada ay sadyang kay gagara ng mga itsura. Madisenyo at ang iba pa ay may mga inukit sa kahoy. Sadyang kay dami nang mayayaman dito sa lupaing ito. Ilang dekada na ang lumipas ngayon ko pa lang nakikita ang mga pagbabago. Marami na ring gusaling nakatayo dito sa Lungsod ng Manila. Marami na ring negosyo ang umusbong. Nagkalat na rin sa buong lupain ang mga Espanyol at mga Mestizo. At ang mga Indio, pawang mga trabahador o utusan lamang. Wala akong nakikitang Indio na may magarang kasuotan. Katulad ko lamang sila. Walang kayamanang taglay. Isang oras ang lumipas ng paghihintay ay tuluyan ng dumaong ang barko. 
Read more

CHAPTER 40

Chapter 40 “Hindi po ako si Selestina. Savanna po ang pangalan ko. Anak ni Don Arsenio.” “Muli ka ng nabuhay, Selestina. Teka, nakatulala pa rin ako sa iyo. Baka matakot ka na sakin. Teka. Ayusin mo sarili mo, Pedro!” bulong ko sa aking isipan.  “A-ako, ang inatasan ni Don Arsenio na, na sunduin ka dito sa barko, B-binibining Sel— Savanna,” ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Ramdam ko ang bawat pagpintig nito habang nakatitig sa mga mata ni Selestina. Hindi, ni Savanna. Savanna na ang pangalan niya ngayon. Savanna ang pangalan niya ngayong pangalawang buhay niya. “Ako na pong bahala sa bagahe ninyo, Binibini,” magalang kong sambit kay Savanna. Kabado pa rin ako. Akala ko hindi na ako kakabahan pag nagkita muli kami dahil ilang dekada ko na itong pinaghandaan. Pe
Read more

CHAPTER 41

Chapter 41 Ang gabi ay tuluyan ng natabunan ang haring-araw. At ang buwan ay muling naaninag sa kalangitan. Heto ako, nakasilip lamang sa Mansion nila Savanna dito sa tulugan malapit sa kulungan ng mga kabayo. “Selestina— Savanna… hindi ako makapaniwalang nagkita tayo muli. Hindi ako makapaniwalang nagkadaupang palad muli tayo. Pero ako, ilang daang taon nang nabubuhay, ikaw? Kaparehas ng edad mo noong una kitang makita…” sambit ko na para bang kausap ko siya habang nakadungaw sa Mansion ng mga Amor. “Totoo nga ang sinabi ng matandang iyon na nagbigay sa akin ng isang mahiwagang likido…” Isang alaala ang bumalik na pilit ko ng kinalimutan. ~~~~~ Walang humpay na pag-iyak na lang ang tangi kong nagagawa. Sobrang sakit. Sobrang bigat.  Lumipas ang ilan
Read more

CHAPTER 42

Chapter 42  “Kailan ang kasal nila?”  “Kailan ang kasal nila?”  “Kailan ang kasal nila?”  Paulit-ulit kong naririnig ang tanong na iyan ni Don Arsenio sa aking isipan. Umaga na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala ang pangamba sa puso ko. Hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin para pigilan ang pangyayaring iyon. Wala akong kayamanan o kahit na ano. At saka, sa pagkakataong ito, alam ko, hindi ako kilala ni Savanna. Ito ang pangalawang buhay niya kaya siguradong wala siyang naalala kahit na ano sa akin. Siguradong walang kahit na anong pangyayari noon ang naroon sa isipan niya. Hindi ko rin naman siya pwedeng itakas o ilayo. “Hindi ko alam!” napahawak na lamang
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status