CHAPTER 32 “Bakit? B-bakit mo niligtas ang buhay ko?” nanginginig kong tanong kay Selestina. Nakahiga sa aking bisig si Selestina habang patuloy na umaagos ang dugo mula sa kanyang dibdib. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Demetrio sa amin, pero hindi ko na siya pinansin. Narinig ko ang pagtutok ng kanyang baril sa aking ulo pero hindi niya ito ipinutok dahil sa mga sinabi ni Selestina sa kanya, “Hayaan mong mabuhay ang lalaking pinakamamahal ko… hayaan mong tuparin niya ang pangako niya sakin sa ibang tao.” Lumayo naman si Demetrio at ang iba pang mga sundalo. Pinatayo na nila ang iba pang mga nakaluhod at dinala paalis, palayo sa nasusunog na kapaligiran. “S-selestina… w-wag mo kong iwan, pakiusap.” Hinawakan naman ako ni Selestina sa aking pisngi at umusal, “M-mahal na mahal kita… alam ng Diyos kung g-gaano kita kamahal&hel
Magbasa pa