A sunny day for a mourning person like me. Kahit na ang ganda ng sinag ng araw ay hindi pa rin ako nito magawang pangitiin, pero hinahayaan ko lang ang sarili ko para maging malungkot. "Gising ka na pala, Beh. Halika rito, nagluto na ako ng almusal natin." Napatingin naman ako kah Yumi na naghahanda na sa table ng food namin. "Oh, sorry, Beh. Hindi agad ako nakagising nang maaga dahil puyat talaga ako kagabi." "Ano ka ba, wala 'yon. Hayaan mong ako naman muna ang mag-alaga sa 'yo ngayon." Napangiti nalang ako sa kaniya at umupo na rin sa dining table. Napansin ko namang nagluto siya ng longganisa at sinangag pati na rin sunny side-up na itlog. "Aba, marunong ka na palang magluto ngayon ah." Marahan niya naman akong hinampas sa braso sabay tawa. "Ano ka ba, syempre. Nakakahiya rin naman na ikaw lang ang magluluto palagi para sa ating dalawa.
Magbasa pa