Nang makarating kami sa bahay, ay nag-tungo na kaagad si Yumi sa kaniyang kwarto habang kami namang daalwa ni Miguel ay dumeretso narin doon para makapag-pahinga at para tingnan ang aking anak.Nang pag-pasok namin sa aming kwarto ay bumungad sa amin ang katulong na hawak-hawak ang kaniyang anak ko at nilalaro ito.“Hillary anak, nag-lalaro ka ngayon ah—” pahayag ko naman sa aking anak, “Ako ya, maraming salamat,” saad ko naman sa katulong at kinuha ko na ang anak ko sa kaniya.“Thank you ya,” saad din naman ni Miguel sa katulong.“Kaunti nalang, marunong na maya-maya si Hillary mag-lakad,” pahayag ni Miguel sa akin.Napangiti naman ako at napatingin naman ako sa kaniya, “Oo nga eh, ang bilis ng panahon pero sa kasal natin hindi pa siya makakalakad dahil baby parin siya pero okay na okay lang ang mahalaga nandoon din siya,” saad ko naman sa kaniya.Lumapit si Miguel sa akin nang sabihin ko iyon sa kaniya at inakbayan ako, “Iilang buwan nalang ang lilipas, mas
Read more